dos: look away from 'the' smile

91 10 9
                                    

DOS:
Look Away from The Smile

clara &
mattias

kanor: mattias!

lumingon si mattias sa likuran. si mang kanor ang sumalubong sa kanya.

lumaki nang kaunti ang kanyang mata dahil sa kaba at gulat. walang ibang emosyon ang tatay ni clara tuwing magkakausap sila. malamang, galit na naman ito.

clara: itay!

binaling ni mattias ang paningin sa likuran ni mang kanor. alam niya ang tunog ng boses ni clara, pamilyar na siya sa dalaga, owtomatikong maghahanap ang kanyang mata sa boses pa lamang ng babae.

amoy, presensya, hagikhik, titig, lahat ng ito'y alam niya.

kanor: bakit ang anak ko pa ang magpapaalam sa gagawin niyo mamaya?!

kumabog ang dibdib ni mattias sa kaba. galit na galit kasi si mang kanor. lagi naman, kapag magkikita sila.

tumingin si mattias si clara, ngumiwi ito sa kanya.

kanor: may ipagmamalaki na ba 'yang mga paa mo at hindi na makaapak sa amin?!

hindi alam ni mattias kung anong sasabihin. hindi gumagana nang maayos ang dila niya tuwing kaharap ang tatay ng gusto niyang babae.

rosa: susmaryosep, kanor!!

humahabol si aling rosa sa likuran nila. mabilis hingalin ang ina ni clara kaya hindi ito masyadong nagpapagod.

talagang kailangan siguro nitong pigilan si mang kanor kaya nakuha pang humabol.

mattias: hindi naman ho sa ganun...

maliit ang boses ni mattias kaya tumikhim siya.

mattias: naunahan po ako ng anak niyong magsabi. sa galak niya ho siguro ay nakwento niya kaagad.

rosa: ayan! ayan din ang sinabi ng anak mo! ayaw mong maniwala!

kumalma nang kaunti ang ekspresyon ni mang kanor.

kanor: siguraduhin mong iuuwi mo nang maaga ang anak ko.

matigas nitong sinabi. may pagbabanta sa boses.

naging seryoso ang mukha ni mattias.

mattias: oho.

«»

hindi matanggal ang ngiti sa labi ni clara. hindi tuloy mapigil ni mattias ang ngumiti rin. natutuwa siya tuwing nasisiyahan ang dalaga.

clara: may naalala ako.

ngumisi ito.

kunot-noong ngumiti si mattias.

patuloy lang sila sa paglalakad sa plaza. ngayon lang sila pupunta rito nang magkasama. hindi kasi sila pwedeng mapag-isa. walang tiwala si mang kanor sa kanya kaya lagi itong nakabantay.

mattias: ano?

tiningnan siya ni clara. nagniningning na naman ang mga mata nito sa tuwa.

Yours Since 1997 (COMPLETED)Where stories live. Discover now