-14-

57.2K 1.8K 385

Hi sa mga nagbabackread ng Amaranthine Love. Kamusta naman? :P

--

"GOOD morning," bati sa akin ni Jahann nang pumasok ito sa kusina. Lumapit ito at tinignan ang ginagawa ko. "Morning din," sabi ko sa kanya bago ngumiti. Ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Nauna kaming makauwi ni Jahann kagabi dahil dito na kami sa bahay dumiretso. Hindi ko na alam kung anong oras dumating sila Dad dahil nakatulog din ako agad, marahil ay dahil na din sa pagsama ng pakiramdam ko. Dinalhan naman ako ni Jahann ng gamot kaya medyo maayos na rin ang pakiramdam ko ngayon.

"You're too early, how are you feeling?" tanong niya sa akin. Sinalat niya din ang noo ko para malaman kung mainit pa ba ako o hindi na.

"I'm fine," nakangiti ko pa ring sagot. Nakatulong rin ang pagligo ko kaagad nang makauwi kami dahil basing-basa kami ng ulan na dalawa.

"Ano ba 'yang ginagawa mo?" kunot-noong tanong ni Jahann nang bumaba ang tingin sa inihahanda ko. "I'm making a French toast with a twist..." ngumisi ako. "Pambawi kay Mommy kasi umalis tayong dalawa, diba?" dagdag ko pa. "Ano palang sabi ni Dad nung tinawagan mo siya kagabi?" tanong ko sa kanya. Umupo si Jahann sa may silyang naroon at tinignan ako.

"Nagtanong lang kung nasaan tayo. Sabi ko pauwi na, sabi niya okay..." sagot nito habang nilalaro-laro ang strawberries na nasa may mesa.

"Iyon lang?" nilingon ko siya at tumango nanan siya sa akin.

"Gusto mo bang sa susunod, irecord ko pa?" natatawang tanong niya. Hindi ko naman mapigilang irapan ito. "Ewan ko sa'yo, Jahann..." ipinagpatuloy ko na lamang ang pagluluto at tinulungan naman niya ako. Kung tutuusin ay mas maalam talaga si Jahann sa pagluluto kaysa sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit ba napaka-talented ng kapatid ko. He's really like our Dad. Kahit sila Tita Cristine ay iyon ang laging ikinukumento sa kanya.

"Ano palang gagamitin mong sasakyan mamaya?" tanong ko nang si Jahann na ang nagpatuloy sa pagluluto at nakaupo lang ako. Nagsisimula na rin naman ang kasambahay namin na ihain sa mesa ang niluto namin.

"I'll just borrow Dad's car," kibit-balikat na sabi ni Jahann. "Or maybe Aly's? Ako nalang magda-drive," dagdag pa nito.

"Should I ask Dad to buy me a car for my 19th birthday?" tanong ko ulit sa kanya. Mabilis naman akong nilingon ni Jahann. "Don't try to push your luck, Creep..." seryosong sabi nito sa akin.

Sumandal ako at napasimangot. "Ayoko lang naman kasi na kapag aalis ako, iistorbohin ko pa kayo ni Aly. Pwede naman akong mag-aral magdrive at—"

"Just call me. End of discussion..." malamig na sabi ni Jahann bago inasikaso muli ang niluluto nito. Pinagtulungan nalang din naming dalawa ang iba pang kailangan at sakto rin naman ang naging pagbaba ni Daddy at Mommy dahil nakahain na kami. Si Aly ay ipinatawag na rin ni Daddy.

"Bakit ba umalis kayo kahapon? Hinahanap kayo ni Mommy sa amin, parehong hindi macontact ang phone niyo," tanong ni Mommy sa amin ni Jahann. Nagkatinginan naman kaming dalawa.

"Uh, naguto—"

"Nagpasama lang ako kay Cherinna, Mom. I'll just call Lola later," nakangiting sabi ni Jahann dito.

"Next time, make sure you'll call her. Ang Mommy niyo ang nasesermunan, eh..." sabi naman ni Daddy sa amin. Tumango naman si Jahann dito.

"Mom, nakausap ko na si Lola kahapon. I asked her if pwedeng sa bahay niya 'yung venue ng birthday namin ni Cherinna. Okay lang naman daw..." sabi naman ni Aly sa amin habang nagpapatuloy sa pagkain. Nilingon ko siya kaagad. "Akala ko ba hindi tayo magpaparty ng malaki? Bakit doon?" tanong ko dito. Masyadong malaki ang bahay ni Lola. Walang nakatira doon maliban sa mga kasambahay na nag-aalaga ng bahay na iyon. Hindi naman magawang ibenta dahil na rin isa 'yon sa mga properties ni Lolo.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!