-13-

56.2K 1.9K 523

WALANG REPORT-AN NG STORY. NAKAKALECHE, EH.

--

TANGHALI na ako nagising kinabukasan dahil kahit anong posisyon ang gawin ko sa kama ay hindi ako dinadalaw ng antok. Halos alas-kwatro na yata nang tuluyan akong magapi ng antok at naka-ilang baso na din ako ng gatas. Pakiramdam ko tuloy ay gatas na ang tumatakbo sa katawan ko at hindi na dugo. Wala kaming pasok ngayon kaya naman wala namang kaso na tanghali magising. Hindi din magagalit si Daddy dahil alam naman niya na galing kami sa party kagabi.

Matapos akong maghilamos at magsuklay ay bumaba na ako para kumain. Naabutan ko si Aly na nasa may dining room. Hindi ko na ineexpect na kasalo ko pa sa pag-aalmusal sila Mommy at Daddy dahil malamang ay maaga namang nagising ang dalawang iyon. May box ng cereal doon at gatas sa ibabaw ng lamesa. Halatang may hang-over pa si Aly. Duda nga ako kung alam niya na magkakasama kaming umuwi kagabi at pinahirapan niya kaming dalawa ni Jahann.

"Are you okay?" tanong ko sakanya. Tumango naman siya sa akin na tila wala pa rin sa sarili. Natawa naman ako bago nagsalin din ng cereal sa bowl na naroon at nilagyan iyon ng gatas at tumabi sakanya. Hindi ko mapigilan maghikab.

Sumandal ako at saka hinalo-halo lang ang laman ng bowl na nasa harap ko.

"Nakailang shot ba ako kagabi?" tanong sa akin ni Aly. Namumungay ang mga mata nito at bakas na kulang na kulang pa sa tulog.

"I don't know," kibit-balikat na sagot ko sa kanya. "Swerte mo, hindi ka nakita nila Daddy," sinundan koi yon ng mahinang pagtawa.

"Ugh!" she grunted. "If they saw me, malamang grounded ako for like..." she paused for a while. "2 months?" ipinilig niya ang ulo at tumingin sa akin.

Napangiti nalang ako. Kung may iniiwasan man kami, iyon ang ma-grounded.

"And I won't help you if that happens."

Natigilan naman ako nang biglang magsalita si Jahann. Umayos ako ng upo at nakita ko siyang naupo sa may harap ko. "You're wasted, Alyanna. That would be the last time I will let you drink..." seryosong sabi nito sa kakambal ko.

Sunod-sunod naman ang ginawa kong pagsubo sa pagkain sa harap ko para lang ma-divert ang isip ko.

I don't even know why do I have to divert my mind!

"Matitiis mo ba ako, Jahann?" ani Aly dito na naglalambing.

He smirked at her. "Watch me."

Napasimangot naman si Aly na nagsimula na din kumain.

"Creep..."

"Ha?" bigla akong napaangat ng tingin sa kanya at 'di ko napigilam masamid sa gulat.

"Uso magdahan-dahan..." sabi nito bago ngumiti sa akin.

"Gutom ako, eh..." sagot ko na lamang sa kanya bago ako nagyuko.

"Hinatid ka ba ni Ian kagabi?" tanong ni Aly sa akin. Nilingon ko naman siya at saka ako umiling.

"Magkakasama tayo kagabi na umuwi, Aly," si Jahann ang sumagot dito.

"I saw the two of you dancing last night. Bagay talaga kayo ni Ian, Twin," ani Aly na nakangisi na sa akin.

"Stop it, Aly. Ang aga mo na namang nababaliw..." sabi ko dito bago itinuon na ang atensyon sa pagkain.

"We'll go to Tito Thunder's house later."

Sabay naman kaming nag-angat ng tingin ni Aly kay Jahann. Nakasandal ito at naka-krus ang mga braso sa may dibdib.

"Utos ni Dad, okay?" he rolled his eyes.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!