Chapter 5

675 29 6
                                    

Sleeping Beauty

I was shock when I saw her sleeping on her arm chair. Kanina pa ang labasan pero nandito pa rin siya. Naiwan ko kasi ang phone ko kaya naman bumalik ako sa room at siya nga ang nadatnan ko dito.

Kinuha ko ang phone ko sa upuan ko which is kaharap lang ng sa kanya. Pagkatapos ay umupo ako paharap sa kanya. Balak ko na sana siyang gisingin dahil mag-gagabi na. Maya-maya lang ay darating na ang guard para i-lock ang mga classroom pero nagbago ang isip ko nang makita ko kung gaano kapayapa ang mukha niya habang natutulog. May nakadikit pang sticky note sa noo nito na siguradong si Alexa ang naglagay.

'Sleeping Beauty'

She's right. She's so beautiful kahit na tulog.She's sleeping peacefully. She's has this innocent face. Mukhang mabait pero di mo aakalain na kapag gising para siyang nagtatransform lalo na kapag sinisigawan, sinisipa at hinahampas niya ako kapag napipikon na siya sa akin.

I smiled at that thought.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at inalis ang nakadikit na sticky note. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Bahagya pa iyong nakaawang dahil sa sarap ng tulog niya.

Belle is my first love. Unang pakilala palang sa amin ng mga magulang namin ay nagustuhan ko na siya. Sabi ni Daddy, dapat daw iwasan ko siya dahil kalaban namin ang pamilya nila sa business pero paano ko siya iiwasan kung gusto ko siya laging nakikita?

Mas inilapit ko ang mukha ko sa kanya hanggang sa lumapat na ang labi ko sa labi niya. Sandali lang iyon tapos humiwalay na agad ako dahil sa takot na magising siya. Nang makita kong hindi naman siya nagising ay muli ko siyang hinalikan. Her lips is so sweet. This time matagal na hanggang narinig ko ang pagbukas ng pintuan.

"Kaya pala ang tagal mong bumalik," si Daddy.

Tinignan niya si Belle na hanggang ngayon ay natutulog pa rin pagkatapos ay umiling.

"I told you to stay away from her," sabi niya. Umiling naman ako sa kanya bilang pagtutol.

"I like her, Dad," sabi ko. Lumapit siya sa akin kaya naman napaatras ako at hinarang ang katawan ko kay Belle sa takot sa kung ano ang maaari niyang gawin.

"You need to stop that delusion."

And that's how I end up in US pero nangako ako sa sarili ko na babalik ako. Babalikan ko si Belle. Alam ko na gusto din ako ni Belle. Nakikita ko iyon sa mga mata niya. Kahit na napipikon siya sa akin, nakikita ko na gusto niya rin ako tulad ng pagkagusti ko sa kanya.

Nakabalik nga ako. Pero hindi ko alam kung tama pa ba na balikan ko siya kung alam kong meron ng masasaktan. Hindi na siya pwede dahil sila na ni Andrew. Wala naman akong magagawa doon. Hindi ko rin alam kung matatanggap niya ako kapag nalaman niya ang totoo.

Now, she's right here beside me. Malapit lang siya sa akin pero hindi ko siya maabot dahil pakiramdam ko ay meron isang malaking harang sa pagitan naming dalawa.

"Bakit mo ko dinala dito?" tanong niya sa akin.

Nasa isang planetarium kami. Noon kasi ay madalas kaming tumambay nina Alexa dito kasama si Andrew. Magpapagalingan kami ni Belle habang si Andrew at Alexa naman ay pinakikinggan lang kami.

Akala ko noon ay kaibigan lang talaga ang turing ni Andrew sa kanya. Siya pa ang sinabihan ko na alagaan niya si Belle at pumayag naman siya kahit na hindi niya alam na aalis ako.

"Anong composition ng sun?" out of the blue na tanong ko. Tumingin naman siya sa akin na para bang nababaliw na ako.

"Mainly of hydrogen and helium. Kung dinala mo ako dito para turuan ng mga nalalaman mo about sa galaxy, aalis na ako. May usapan pa kami ni Andrew."

Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon