Kabanata 34

166K 2.2K 93

FEATURED COMMENT FROM THE PREVIOUS CHAPTER:

ganymede22-That's true love indeed tom Andres. You're willing to giveway just to see the one that u love happy even though it means to break your heart..maybe they're really not meant for u.who knows..?your destiny is just waiting around the corner to be bump by you one of this days:-) rosypink74- you can never appreciate "love" if you don't experience "pain" from being rejected by your "special" someone. you must be thankful that you were not stuck to that person for you will no longer find who's really meant for you. probably, either of the twins isn't meant for you Tom Andres. so feel the pain and once you're over with it, move on. there are many fishes in the sea as they say. if you were rejected twice, try again for the third time. who knows, you might meet the "one" destined for you this time around..aacara- Omg! Kinikilig ako kay drake at kei marie. Kainis! Naiinggit ako. Sana ako din meron. Ang tgal ko ng nagaantay na magkarron din ako ng drake sa buhay ko. Hay. Kelan kaya? Hahaha! Kay tom andres naman, okay lang yan. Sakin ka na lang gusto mo? For sure di ka na ulit masasaktan. Akin ka na lang. Hahaha! heavenlycloudnine-That's it! Way to go Tom Andres! Kahit na dalawang beses ka ng nasawi sa pag ibig at iisa lang ang mukha nila, malalagpasan mo rin yan! Tiwala lang :D Directress- Akoooo! Ako na 'yung next mo Tom Andres. Hindi ka na masasaktang muli at hindi ka na iiyak pa sa sakit, sa tuwa pwede pa. :D Wala ng pangalawang pagkakataon pag ako na pinili mo. Iyong iyo ako, walang kahati. Sabihin mo lang na mahal mo ako, ako na mismo mag'aayos ng kasal natin. Ako na kakausap sa ama mo. Grande pa proposal ko sa'yo. Ipaggagawa pa kita ng rebulto! Para may sasambahin ako pag nakapagpagawa na ako ng bahay natin. Bibigyan pa kita ng dalawang dosenang anak. Ano pang hahanapin mo??? Hahahahaha. Chos. Ako na lang kasi, xD

WARNING: Rateg Spg.

Kabanata 34

“Sorry na..” Bulong ko sakanya ngayong nakasakay na kami sa elevator ng tower ng condo ko. Inamin ko kasi sakanya yung nangyari kanina, sinabi ko na niyakap ko si Tom Andres dahil naaawa ako dito. Huminga siya ng malalim at inakbayan ako. “Sweetheart, hindi naman pwedeng ganun lagi, na kapag naaawa ka sakanya yayakapin mo siya para gumaan yung loob niya. May  boyfriend kang pwedeng magselos.” Paliwanag niya,yumakap ako sa braso niya at hinalikan ko iyon. “Hindi na mauulit. I’m sorry.” Paumanhin ko sakanya,narinig kong tumawa siya nang mahina. “It’s alright. Masyado kang honest.” Sabi niya at bago pa kami bumaba ng elevator naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

Pagkapasok namin sa unit ko umupo kaagad kami sa sofa. “Kumusta school?” Tanong ko sakanya, “Uhm, boring. Ayoko nang pumasok mas gusto ko pa sa office.” Natatawang sabi niya, hinampas ko ang dibdib niya! “Hoy! Mag aral ka!” Sigaw ko sakanya, importanteng makatapos siya ng pag aaral noh!

“Hahaha, yeah. Nag aaral naman ako dahil yun ang gusto mo.” Sabi niya, tinignan ko siya. “Mag aral ka dahil gusto mo! Hindi dahil gusto ko.” Suway ko sakanya, hinalikan naman niya sandali ang labi ko.

“Yes sweetheart, masusunod.” Sabi niya..

Dito siya matutulog ngayon dahil wala siyang pasok bukas sa school, pero papasok siya sa office niya bukas kaya lang mga 10 am pa ang pasok niya don. “Ay sweetheart may binili ako sa nadaanan kong palengke kanina bago kita masundo.” Sabi niya saka binuksan niya yung bag niyang dala galing school, kinuha niya don ang isang nakaplastik na cd. Natawa ako nang malakas! “Hoy! Pirated yan ah!” Sigaw ko sakanya, ngumiti lang siya. “Nood tayo. Gusto ko kasing panoorin ‘to noon, kaya lang inaway mo ako.” Natatawang sabi niya saka tumayo siya para buksan yung dvd at tv ko.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!