Prelude

1.5M 24.6K 2.5K

Prelude.

It all started with my petty inclination to my social life. Sa totoo lang, iyon lang talaga ang inaalala ko, simula pa noon hanggang ngayon. Dahil sa tingin ko, basehan iyon para magkaroon ng mas magaang buhay at mas maparami ang kaibigan.

I wasn't very friendly nor was I exactly nice. Sa totoo lang, suplada ako at halos mean pa sa iilan. Kaya naman, natural na magkaroon ng kaaway sa school. I didn't like to be compared to the classmates I hated. At mas lalong ayokong may mag-isip na mas lamang ang kaklaseng kinaiinisan ko kaysa sa akin. Maybe, that was where I started with this.

"Denise! I like her Barbie more!" at tinalikuran ako ng half-american kong kaibigan.

It was a typical scene on preschool. Hindi man pinapangalanang social climbing iyon, pero sa totoo lang, pareho lang iyon.

Pumunta ang kaibigan ko roon sa kabilang table kung saan nakaupo yung bruhang may mas magandang Barbie kaysa akin. That's when I realize how material things are also important when it comes to winning friends.

Bukas, bibili ako ng mas maganda riyan! Tinitigan ko ang Barbie ng kaklaseng nilapitan ng kaibigan at nag wish na sana maglaho ito. She stole all my friends! Kahapon lang, ako ang star at ang bida rito, ngayon hindi na! Pero sisiguraduhin kong bukas... ako na ulit!

Ilang beses pang naulit ang mga pangyayaring ganoon. Minsan ako yung nang-aagaw ng kaibigan, minsan ako yung naaagawan. Minsan dahil sa Barbie o sa sapatos, minsan naman sa headband o sa crayons.

Pagka-highschool. Ganun parin. Uso ang social climbing – again, not named that way but with the same premise.

"Yes! Dala 'to ni Daddy galing US," sabi ko habang ipanapakita ko ang latest na PSP, 2nd year high school ako.

Lahat sila namangha. Ang totoo, di ko naman talaga type 'tong PSP, talagang ginusto ko lang magpasikat. Pagmarami kang mga bagay na ganito, sisikat ka, mayaman ka, ikaw ang nasa tuktok.

I live for that. It might not be true for everyone, though. May ibang taong walang pakealam sa social climbing, pero bihira lang yun. Dahil tayong lahat nakikihalubilo sa iba, tayong lahat din ang gustong makisama, maka-angat, at gumaya. Hindi man natin inaamin, hindi man natin namamalayan, lahat ng kagustuhang makipagsabayan, puwedeng tawaging ganoon. We are just all in denial that we like keeping up with our friends.

"You're my best friend," sabay yakap sa akin ni Eliana.

Grade 3 ako noon. Matagal ko na siyang kilala, simula preschool pa. And like I said, I wasn't very friendly. Paminsan-minsan, kapag naiirita sa kanyang pagpapabebe, naaaway ko siya. She's a softy and I wasn't so sometimes, I get annoyed. Pero sa huli, pagkatapos ko siyang awayin, ang sasabihin niya lang ay, "You're my best friend, I don't care!"


Nagustuhan ko rin siya kalaunan. Lagi akong nagbabakasyon sa hacienda nila. Hindi siya lumalabas dito. Home-schooled siya at walang ibang kaibigan kundi ako. May mga pinsan siyang ka-age niya tulad ni Brent at Ara Cruz at si Bench Jimenez, pero di niya nakakalaro. Home-schooled pa rin siya nang nag high school kami.

Kung akala niyo ay mayaman ako, nagkakamali kayo. Normal lang kami. Di tulad nina Eliana na malawak ang lupain at maraming negosyo. Nakilala ko siya dahil sa parents ko. My Dad is their family lawyer. Tama! Dahil negosyante ang mga magulang ni Eliana, kailangan nila ng attorney... at si Daddy na iyon.

"Ang ganda naman ng PSP mo, Denise!" sabi ng classmate ko.
"Oo! Likayo dito, picture tayo!" sabi ko.

Alam kong naiinggit 'yong iba. Lalong-lalo na ang mga kaklase kong pareho rin ang trip sa akin.

Pero kalaunan, kumupas din lahat ng damit, gadgets, bag, sapatos at kung anu-ano pa sakin. Kaya naman, inisip kong mabuti kung ano kaya ang isang bagay na hindi kukupas. Iyong tipong kapag mayroon ka noon, lagi ay nasa tuktok ka. My thirst for being always on top isn't always good but then, it's always a pleasure to not have to fit in... to not have to keep up... to be, instead, looked up to and followed.

Isang random day, narealize ko kung ano ang isang bagay na hindi kukupas. Na kapag mayroon ako nito, hinding-hindi ako mahuhuli sa mga latest trends, nor will I be ignored at any social event.

Nang sinundo ako ng body guards ni Bench, ang pinsan ni Eliana, sa school dahil may pupuntahang party ang mga magulang ko, doon ko nakita ang matagal ko nang hinahanap.

"Miss, pupunta muna tayo kay Bench. Matagal kasi yun lumabas eh kaya inuna ka na naming," sabi nung isang bodyguard.
"Okay."

Pumasok ako sa SUV nila. Hindi kami pareho ng school ni Bench. Sa mas exklusibong school siya pumapasok at sa mas maraming mayaman.

"Kuya Joe," sabi ko sa main bodyguard ni Bench. "Ako na bahala kay Bench. Ako na ang maghahanap," ngumiti ko.

Pumayag naman siya. Ang totoo, gusto kong makita kung paano ang buhay sa school nila.

Ang daming magaganda at gwapo! At halata pang mayayaman talaga! May pumapansin sakin pero kaonti lang ang kilala ko. Kaya naman nabigla ako nang nakita ko si Bench, pinapalibutan ng maraming tao. Parang ang sikat niya, kahit sa eskuwelahang ito. May kinakausap siyang babae kaya halos hindi niya ako makita.

Lumapit ako ng konti.

"Ang gwapo ni Bench no, 'yon ba yung bago niyang girlfriend?"

Napatingin ako sa nagsalitang dalawang babae sa unahan. Tinitingnan din nila si Bench at yung kausap niya.

Unsatisfied with my distance, I walked past the girls until I am so close to Bench and his so-called girlfriend. Hindi namalayan ng pareho ang lapit ko. Ganoon na siguro silang dalawa ka in-love sa isa't-isa na hindi nila nakikita ang taong nasa paligid. I was so close that I could hear what they are talking about.

"So, this Saturday... at room 408, Marriot Hotel, alright?"

What was that? I listened more. Pero kung ibabase ko sa narinig ko ngayon-ngayon lang, bahagya akong umiling. Bakit parang ang rumi ng naiisip ko sa narinig ko galing sa kanya? At sino naman ang sinasabihan niya?


"Wear your best lingerie," kinindatan niya ang babaeng kausap.

Tumawa naman yung babae pagkatapos ng huling bulong ni Bench.


"No need to remind me," I heard the girl whisper.

I shook my head when I realized what they were talking about.


"Bench," I interrupted them intently, slightly annoyed.

Napatingin silang dalawa sa akin. Namutla ang girlfriend niya, hindi inasahan na may ibang nakikinig. She is pretty and sexy but her look of shock now isn't very pleasing. Pinagtaasan ko siya ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa, ipinapakita sa titig ang pangmamaliit, gaya ng madalas na ginagawa ko sa mga babaeng hindi ko gusto.

Well, I don't know where that came from. Ngayon ko pa lang nakita ang girlfriend niya, may opinyon na akong disgusto rito.

"Let's go," I demanded at Bench confidently because I knew that he would always obey my bidding, like usual.


Nabigla ang babae sa sinabi ko. Mukhang hindi pa yata sila dapat tapos pero dahil nandito ako at susunod si Bench, hindi inaasahan ang pagtigil ng usapan nila.

"Bench! Mamaya na... S-Sino ba 'yan?" the girl demanded, trying her power over him.

Hinawakan ng babae ang braso ni Bench nang hindi ito nagpaawat at tumayo. I never tried interrupting his conversation with a girlfriend before. Lagi ay tuwing magkasama lang kami ng bestfriend ko at pinsang niyang si Eliana, o 'di kaya'y ng ibang mga pinsan niyang naging kaibigan ko rin. Sa lahat ng pagkakataon, lagi niya akong pinagbibigyan.

Naisip ko tuloy na baka iba ito. Baka hindi gaya ng laging nangyayari, hindi siya susunod ngayon.

"Sorry," he said.

Akala ko sa akin niya sinabi. Handa na akong magwalk out pero nagulat ako nang tuluyan siyang tumayo at lumapit sa akin.


"Let's go, Denise," he said coolly and immediately went to me.

Dire-diretso ang lakad naming palabas ng school nila. He was extremely famous in their school that being seen with him, and being known as someone he follows and obeys, is the key to stay on top of the social pinnacle.

No Perfect PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!