End of an Era

973K 19.5K 6.5K
                                                  


Hi. If you'd notice, all of my stories have advertisements. And if it is not too much, please watch the videos. It will help me write more stories for you guys =) Anyway, enjoy reading! And comment your reactions, if you can =) x Eydee


**

Facebook Account: Eydee Yapchengco

Facebook Page: Eydee's Stories

Twitter: beeyotchWP

Instagram: aryesaaaaa

**

#IWHFFSEIntro || End of an Era

Nakaupo lang ako habang hinihintay ko si Benny. Kakatapos lang kasi ng university graduation namin kaya nagutom ako. Tatlong oras ba naman kaming naka-bilad sa araw tapos ni tubig, nakalimutan ko pang bumili. Ayan tuloy, halos dehydrated na ako nung masabi nung speaker iyong huling salita ng speech niya.

But still, Padayon!

"Babe, same order?" tanong sa akin ni Benny habang naka-pila siya.

I nodded. He smiled.

But somehow, something felt weird...

Pagbalik niya sa lamesa, dala niya iyong order namin. Iyong usual pa rin naman. Italian deepdish pizza para sa akin at saka lasagna para sa kanya. Ganun pa rin naman. Wala namang pinagbago sa dati naming kinakain. Ito pa rin naman 'yung nakagawian namin.

"Congrats, babe!" sabi niya at saka may inabot sa akin.

"Gift again?"

Umiling siya.

"Bigay ni Mama," he said and beamed. "Sobrang sorry daw na hindi siya nakapunta sa grad nating dalawa. Sana pala lagi na lang nakokonsensya si Mama, e! Ang galante!" sabi niya na natatawa pa. Hindi kasi naka-rating si Tita dahil hindi na-approve iyong vacation leave niya. Na-curious tuloy ako dahil hindi naman talaga mahilig magbigay si Tita ng regalo. Kuripot kaya 'yun kahit na head nurse na sa hospital sa Canada.

Madali kong binuksan iyong box. Itinaas ko iyong susi na naka-lagay sa loob.

"Ano 'to?"

Ngumisi lang si Benny.

"Ubusin mo muna 'yan tapos punta tayo after," he said at saka inagaw sa kamay ko iyong susi at saka binalik sa box. Napatungo na lang ako at saka pinagpatuloy iyong pagkain. Pero nawalan na ako ng gana sa pizza ko.

After a few minutes, natapos na rin kami sa pagkain. Hindi ko masyadong nagalaw iyong pagkain. Weird talaga e paborito ko naman 'yun.

"May mali ba? Iba ba 'yung sauce ng pizza mo?" Benny asked habang kinuha iyong tinidor ko at saka tinikman iyong deepdish ko.

"Okay naman..." I answered.

"Bakit 'di mo naubos? Masarap naman."

I shrugged. Hindi ko rin alam, e. Baka isa ito sa mga unanswerable questions sa buhay ko. Ewan.

Lumabas na kami mula sa resto at saka sumakay sa sasakyan niya. Sobrang excited ni Benny. I kinda felt bad because I couldn't share his excitement. Ang weird ko naman kasi ngayon! Cum Laude naman ako sa Interior Design tapos si Benny, Magna Cum Laude pa sa Civil Eng! Dapat nga masaya ako ngayon, e.

Benny was humming to his favorite song. Iyong Pangarap Lang Kita ng Parokya ni Edgar. Sugo talaga ni Chito Miranda si Benny.

"Ang saya mo ngayon, no?"

He beamed.

"Syempre naman. After four years, tapos na tayo. Sino ba naman ang hindi magiging masaya? E halos igapang na natin 'yung last year natin sa UP."

I Watched Him Fall For Someone Else (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon