*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 43: No Mercy

Third Person’s POV

Kasalukuyang walang malay si Kisha habang nakahiga sa metal na higaan. Tinurukan kasi siya ng pampatulog para hindi niya maramdaman ang bawat tusok ng karayom sa kanya para sa isinasagawang test. Ilang Linggo pa lamang niyang ipinagbubuntis ang bata pero mapapansing lumalaki na agad ang kanyang tiyan dahil sa kadahilanang mabilis ang development ng bata sa loob ng sinapupunan niya...

"What about the baby in her tummy? If we continue this the baby will die" nag-aalalang tanong ni Thalia kay Ivan. Si Thalia Robinsons ay isa sa tatlong scientist na nandito ngayon sa laboratory kasama nina Finnick Wayland at Roger Bruce. Ngayon ang unang beses na itataya nila ang buhay ng isang inosenteng bata na hindi pa isinisilang, isa ding ina si Thalia kaya alam niya ang magiging pakiramdam ni Kisha kapag nawala sa kanya ang anak niya...

"Do I look like I care to the baby inside her? Let it die. Ganun din naman ang mangyayari kapag nabuhay ang bata eh, sigurado akong ipapapatay lamang ng Supreme Commander ang bata kapag nabuhay ito kaya ngayon pa lang, hayaan na natin itong mamatay" sabi ni Ivan na hindi man lang kumukurap o pinag-isipan ang mga sinabi niya. Ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay ang matapos ang test at maiturok na kay Kisha ang Elixir Blood. Ito ang itinawag ni Ivan sa pinaghalo-halong dugo ng mga representatives ng Vampire Clan...

Hindi nakapagsalita ang tatlo. Wala na din naman silang magagawa kundi ang sundin ang gusto ni Ivan, mahal pa nila ang buhay nila kaya gagawin lang nila ang trabaho nila...

"Bumibilis ang heartbeat niya!" sabi ni Finnick habang nakatingin sa monitor na katabi lang ng hinihigaan ni Kisha. Nagsilapitan naman silang lahat sa may monitor at pabilis ng pabilis ang heartbeat ni Kisha...

"Oh my God. This is impossible. Look at here!" sabi naman ni Thalia habang nakatingin sa isa pang monitor kung saan makikita ang update tungkol sa tiyan ni Kisha. Dapat ay fetus pa lamang ang nasa tiyan niya pero nasa kalagitnaan na agad ng stage ang bata....

"Natural lang na mangyari ito dahil sa buong history ng mga bampira ay ngayon lamang mangyayari na magkakaroon ng anak ang isang bampira at ang isang tao. Mabilis talaga ang development ng mga bampira kaya kailangan na nating madaliin ang test bago lumabas ang halimaw sa sinapupunan niya" utos ni Ivan at madali silang kumilos para tapusin ang test...

Kaunti na lamang naman ay matatapos na din sila sa ginagawa nila, kailangan lang nilang malaman kung kakayanin ba ni Kisha ang Elixir Blood at kung kakayanin ng katawan niya na hawakan ang makapangyarihang dugo na ito...

Kinuha nila ang dugo ni Kisha at pinag-aralan. Tinitingnan din nila kung may ibang sakit si Kisha o kung maayos naman ang kalusugan niya. Lahat ng ginagawa nilang hakbang ay minamadali na nila dahil kakaunti na lang oras nila...

Sa kalagitnaan ng test ay biglang bumukas ang pinto ng laboratory at pumasok ang isang duguang hunter...

"T-Tulong...s-si..." hindi na natapos pa ng hunter ang kanyang sasabihin ng may sumaksak sa kanyang likudan at bumagsak siya sa sahig. At pagkabagsak niya ay lumitaw si Cross na puno ng dugo ang kamay at madilaw ang kanyang mata...

"Paano kang---" hindi na naituloy ni Ivan ang kanyang sasabihin ng sumugod sa kanya si Cross habang hawak ang dagger. Agad namang nakailag si Ivan sa pag-atake ni Cross, pinindot niya ang red button sa may dingding at tumunog ang alarm...

Nadaplisan ng dagger si Ivan sa kanyang pisngi at nagkaroon ng isang pulgadang hiwa sa pisngi. Patuloy lamang sa pag-atake si Cross at walang magawa si Ivan kundi ang umilag. Nagsidatingan naman ang ibang hunter at agad na nagpunta papalapit kay Cross. Tinurukan nila ito ng pampatulog, sinubukan ni Cross na pigilan ang kanyang antok pero hindi niya kaya...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!