Kabanata 33

161K 2.1K 135

Dedicated kay @Azielle_Trinity nakakaloka yung comment niya, gusto niyang makakita ng isang Drake pero ayaw niyang pumunta sa bar! Hahaha, sa bar lang ba makikita ang isang Drake? XD tapos hindi siya makatili dahil baka magising ang kapitbahay nila. :D salamat po! :">

Thank you rin sa mga nag comments at votes sa previous chapter. :"> Sorry hindi na ako nakasagot sa comments nung nakaraan, kasi diba nung nag UD ako medyo may sakit pa ako. Salamat dun sa mga concern. Hehe.


Kabanata 33


"Ang cute cute nila Drake.." Bulong ko, nandito kami ngayon sa nursery ng ospital. Nanganak na kasi si Kei, hinaplos ko yung salamin na para bang nahahawakan ko ang kambal. "Gusto mo ba ng baby? Pwede naman tayong gumawa." Ang husky ng boses niya dahil wala pa kaming tulog pareho, bigla lang akong itinext ni Mama na ngayon na manganganak si Kei, kaya heto hindi pa kami nakakauwi ni Drake mula sa kadramahan namin kagabi.


"Sira ulo ka. Tapusin mo muna yang pag aaral mo." Bulyaw ko sakanya, ngumisi siya. Napapitlag ako nang pumulupot ang braso niya sa bewang ko. "Drake..baka may makakita saatin." Bulong ko sakanya, pero mas lalo niyang hinigpitan ang yakap saakin. "Bakit mo itinangging boyfriend mo ako?" Pang aasar niya, nagtaasan ang balahibo ko nang ihaplos niya ang ilong niya sa pisngi ko. Tinulak ko siya nang marahan. Paano tinanong kami kanina ng parents ni Kyle kung boyfriend ko si Drake todo tanggi ako para asarin siya.


"Sinagot na ba kita?" Natatawang tanong ko sakanya, humalakhak naman siya. "Kung ganon hindi pa pala sagot yung paghalik halik mo saakin ha Kei Marie?" Pang aasar niya, namula ang mukha ko dahil doon. Nag iwas ako ng tingin pero hinalikan niya ang pisngi ko.


Ilang sandali pa dumating na ulit sa nursery si Kyle na tulaklak sa wheel chair si Kei, nakakatuwa silang tignan, nakakapagsisi lang talaga na ginulo ko pa sila noon kahit na alam kong sa simula palang masaya na sila..


"Hindi ka pala pumasok." Natigilan ako sa pag inom ng coffee nang marinig ko sa likuran ko si Tom Andres, nandito nga rin pala siya sa ospital. Humarap ako sakanya, "Ah..sorry hindi ako nakapagpaalam." Paumanhin ko sakanya, ngumiti siya at umiling.

"It's alright Marie, syempre gusto mong makita yung mga pamangkin mo." Nakangiting sabi niya saakin, tumango nalang ako sakanya. Pero napansin kong tinignan niya ang suot ko. "Hindi ka ba umuwi kahapon?" Usisa niya saakin, magsasalita na sana ako pero bigla kong nakita si Drake sa likod niya, nakakunot ang noo ito.


"She's with me." Napaawang ang bibig ko sa malamig na boses ni Drake, binigyan niya ako ng isang malalim na tingin na para bang sinasabi nito na lumapit ako sakanya, tumungo ako at naglakad ako palapit sakanya. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko. Nag angat ako ng tingin kay Tom Andres at nakita kong nakangiti siya, umiling iling siya bago tuluyang umalis.


Nag angat ako ng tingin kay Drake. "Nagseselos ka ano?!" Pang aasar ko sakanya, "Tss." Masungit na sabi niya saka nauna na siyang naglakad, napangiti naman ako dahil sa inasta niya, hinabol ko siya at kumapit ako sa braso niya! Hinilig ko ang ulo ko sakanya at sinabayan ko siyang maglakad.


Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!