Torpe

362 0 0
                                    

Anong masasabi nyo sa mga taong TORPE?

Bilang isang babae, ayaw na ayaw ko sa lalaking torpe. Lalo na yung tipong obvious na obvious na sa mga kaibigan niya at sa kanya na may gusto siya sayo pero never naman siyang umamin. Yung tipong alam mo na pero kulang lang ng pag-amin niya. Para sa akin depende naman sa babae kung masasabihan siyang nagmamadali or malandi. May mga babae kasing nagmamadali at pinapaamin ang lalaki pero may mga babae din naman na kaya ganun dahil may feelings din siya sa lalaki at gusto nyang mag workout ito.

Hint kung may gusto ang isang tao sayo:

·        Mapangasar. Sinasabi na doon daw nagsisimula ang lahat, sa asaran pero may mga taong hirap magexpress ng kanilang nararamdaman kaya ang way nila para mapalapit sa iyo ay ang asarin ka.

·        Yes. Yung tipong hindi siya maka-hindi sayo, lahat ng hinihiling mo basta makakakaya niya ay ginagawa niya. Meron din naman na sa iba mo hinihingi o inuutos pero bibilhin o gagawin niya ng walang kapalit

·        Matanong. Interesado siya sayo, yung tipong gusto niyang maging diary mo. Kadalasan niyang mga tanong ay, anong ginawa mo maghapon? Kumain ka na ba? Kamusta naman araw mo?

·        Maparaan. Siya nman yung gumagawa talaga ng paraan para makasama ka, kadugtong yan ng matanong

(Example ng convo.)

^^: ano bang magandang palabas ngayon?

:>: ewan ko pero gusto kong panoorin yung Avengers

^^: ako rin eh! Gusto mo nood tayo?

;>: wala akong pera

^^: sige libre na kita

Nakita nyo sa ginawa ni ^^ gumawa siya ng paraan para makasama ang gusto niya.

(Another example)

*naulan ng malakas*

:>: FUDGE! Ang lakas ng ulan wala akong payong

^^: ahhm may payong ako pero maliit lang. Sige share na tayo, hatid na kita sa inyo

Double win ang ginawa ni ^^ dahil hindi lang sila magkakadikit ni :> kundi maihahatid niya pa ito sa bahay nila

·        Gaya-gaya. Siya naman yung lahat ay ginagaya para lang masabi na bagay sila. Kunwari paggaya ng profile picture, cover photo, color ng damit at kung ano-ano pa. The point is gagayahin ka niya para mapagusapan kayo at maasar kayo sa isa't isa 

Marami pang ibang hint na gusto ka ng isang tao pero madalas makukuha mo ang hint sa mga kaibigan niya at siguro na rin mararamdaman mo directly galing sa kanya.

But What If hindi magaling mag-express ng feelings ang taong gusto mo? Is it allowed na ikaw na ang magtapat sa kanya?

May mga tao talagang takot ma-reject. May mga taong ang reason ay close na kayo at ayaw niyang i-risk ang friendship na meron kayo. Dyan ipinapanganak ang torpe! Sabi nila mas masarap daw magmahal ang mga torpe dahil alam mong totoo ang feelings nila pero diba kung talagang mahal ka ng isang tao kakalimutan niya na ang mga If's and But's and he/she is prepared to break all the barricades na humaharang sa pagmamahalan niyo. Sa love kasi imposibleng hindi ka masaktan kasi part yan. Kung talagang mahal mo ang isang tao dapat handa kang masaktan para sa kanya, emotionally man o physically pero kung alam mo naman na may nagmamahal sa iyo you shouldn't take advantage of him/her feelings. Pinapaalala ko lang na mabilis bumalik ang karma and it always comes stronger.

Para sa akin wala ng masama kung babae na ang magco-confess ng feelings. Sabi ng iba kailangan pa din daw ng dalagang pilipina, pero para sa akin as long as you know your limitations karapat-dapat ka pa ring i-respeto dahil may mga babae kasing somosobra na at hindi na alam kung saan titigil.

Girls hindi masamang tulungan ang mga torpe as long na sigurado ka ngang gusto ka niya at hindi ka nagaassume lang dahil baka mapahiya ka lang at masaktan ka at masabihan mo pang pa-fall ang torpeng yun.

Random StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon