TAL. 18.1 -- Christmas: Giving Time

"Okay fine! Don't nag at me, okay?!" inis kong bulalas kay Chanel habang naglalakad ako patungo sa parking lot. Chanel, Kazu, Yuan, and Gino was texting me the whole day! Nag text brigade talaga sila kaya maghapon na akong inis na inis sa kanila. Makipag kita naman daw ako sa kanila dahil halos dalawang linggo na nila akong hindi mahagilap. Kasalanan ko ba kung sobrang hectic talaga ng schedule ko? Kaliwa't kanan na talaga ang kailangan kong asikasuhin sa mga negosyong hawak ko, sumabay pa ang problema ng Villamor Hotel sa pinakabagong branch nito sa Bali, Indonesia. Kinukulit na rin ako ni Uncle Henry na ako ang mag-asikaso nang problema doon dahil hindi na nya rin magawang bigyan pa ng oras ito. And I just couldn't say no to my Uncle, and he's fully aware of that-- that's why he's taking advantage of it! Tuwang-tuwa sya ng sumagot ako na pupuntahan ko na ang branch sa Indonesia.

At ang mga lokong 'yon, ang akala sinasadya kong hindi sila siputin sa mga paanyaya nila. Hindi ba talaga nila alam na si Cassandra ay isang abalang babae? Kaya naman mamaya kapag nakipag-kita ako sa kanila, maisasampal ko talaga sa mukha nila ang planner ko nang makita nila na hindi ko gawa-gawa lamang ang mga sinasabi kong meetings with the client, investors, dealing with the problems, and such.

Nang tuluyang makalabas sa parking lot ng Sense main branch ang sasakyan ko ay napakunot noo ako ng makitang sobrang traffic pa. Napasulyap ako sa wristwatch ko at nakitang alas otso na ng gabi ngunit traffic pa. Thrusday pa lamang naman ngayon at hindi naman payday pero bakit ganito ka-grabe ang traffic? Ngayon na lang din naman ako inabot ng ganitong oras sa kalsada dahil nitong nakalipas na mga araw ay madalas alas dose na ng hatinggabi ako umuwi mula sa opisina, at siguradong wala ng traffic ng mga ganoong oras.

Ngayon ko na lamang din napagtuunan ng pansin ang kapaligiran. Ang kalsada at mga buildings sa paligid at nadedekurasyunan na ng mga christmas lights at mga parol. Ganun ba talaga ako kaabala na talagang nakalimutan kong ilang araw na lamang at pasko na naman? Ngayon ko na lamang din naalala na ilang araw na nga pala ang nakalilipas, noong nasa Indonesia ako, ay tumawag ang sekretarya ko to remind na mag-Chritmas Party na ang mga kompanyang hawak ko. Because I was so busy with the hotel branch, I told her to just send all the necessary papers I need to sign for the Christmas bonus, thirteenth month pay, and everything connected to the Christmas Party that needed my approval thru email and fax. And I also told her na I couldn't make an appearance and party with them dahil sobrang busy ako.

Siguro ang mapupuntahan ko na lamang na Christmas Party ay ang sa Sense at MVAA dahil usually after Chritmas na ang party though nauuna pa rin namang ibigay ang bonuses days before the holiday.

Hindi man sinasadya ngunit nakaramdam na naman ako ng pamilyar na kalungkutan. Here I am again, wondering where will I spend my Christmas. Mabuti pa noong nakaraang taon, I was so happy because I get to enjoy my Christmas with Daryl's family.

Kamusta na kaya ang asawa ko? Hindi ko napigilang itanong sa sarili ko. Busy man ako ng sobra pero araw-araw naman kaming nagpapalitan ng e-mails ni Daryl. At ang pagkakaalam ko, nasa Australia na ulit sya para asikasuhin ang negosyo nila doon. Makakabalik kaya sya bago ang Pasko? Hindi ko naman magagawang itanong sa kanya kasi oo nga at naguusap kami thru mails, but he's still aloof and distant. Gusto ko na ngang matakot sa ipinapakita nya but I am still holding the fact na I am still his wife and he loves me. He wouldn't marry me if his love for me was shallow.

Upang hindi ako tuluyang mainip sa paghihitay na umusad ang trapiko, binuksan ko na lamang ang stereo ng sasakyan. What would I expect to hear in the radio station, syempre ang mga napapanahong mga kanta. A Christmas song filled in the car.

Napabuntong hininga ako at sumandal. "Cassandra, para kang timang!" sermon ko sa sarili ko, "If ever you'll spend the Christmas day alone again, ano naman sa'yo ngayon? Sanay ka na, diba? Sanay ka na. 'Wag kang maarte para umasam na simula last year, taon-taon ng magiiba ang Pasko mo!" I am on the verge of crying but decided not to let my emotion rule over. Pinatay ko na ang stereo at nilibang na lamang ang isip ko sa kung ano pa ba ang mga kakailanganin kong tapusin sa opisina.

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!