Chapter 19

402K 4.4K 377
                                    

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!!  Okay, try ko na ang best ko makapag-UD everyday... oh diba?  actually, natapos ko na siya... i don't know kung ma-appreciate ninyo ito.  Bahala na si batman haha Actually, I might have said it a couple of times sa mga latest na naisulat ko, pero this time, eto na talaga ang pinakamahabang naisulat ko sa talang buhay ko.  Hahaha So, sana kahit katiting magustuhan ninyo.  It's kinda lame, pero anuvey, eh yun lang carry ng jutakis ko hahaha di naman ako katalinuhang tao so, salamat sa walang sawang nagtiyaga.  ;)

mwaaaaahugssss!!!  XOXO

********

CHAPTER 19


BRIANNA

Nagdadalawang isip pa rin ako kung dapat ko bang sabihin kay Adison kung sino si Sebastian Greene sa buhay ko. God, I did not expect this. Sa dami ng mga lalaki sa mundo bakit si Sebastian pa? Si Sebastian na nag-iisang lalaking minahal ko sa buong buhay ko.

Nang makita ko sila ni Adison sa airport na naghahalikan ay parang biniyak ang puso ko sa sobrang sakit. Sana kasi ako ang nasa kalagayan niya. Ako dapat 'yun at hindi si Adison. Pero sinaktan ko si Sebastian. Umuwi ako ng Pilipinas dahil isa siya sa rason. Gusto ko siyang balikan. Gusto kong magbakasakaling puwede pa rin kaming dalawa. Hiniwalayan ko si Otoki dahil hindi ko na kayang tiisin pa ang pananakit na ginagawa niya sa akin. Isang maling desisyon ang pakasalan siya. Maling-mali...

Kanina pa ako nakatayo sa harapan ng Greene's Enterprise, Inc. (GEI). Bungad pa lang ay nakabalandra na agad ang malalaking silver letter na pangalan ng kompanya at may clover leaf na nagsisilbing simbolo nito. Iniangat ko ang tingin sa matayog na building na para bang nagkukulay green ang reflection ng mga salamin. Hindi ako makapaniwala sa layo nang narating niya sa loob ng pitong taon. Nagsisisi akong pinakawalan ko si Sebastian na walang ibang ginawa kundi mahalin ako nang buong puso. Kailangan ko siyang makausap. At least man lang malaman niya ang totoong rason kung bakit ako biglang nagpakasal kay Otoki.

Pagtapak ko pa lang sa lobby ng building ay hindi pa rin ako makapaniwala talaga. Papaanong yumaman si Sebastian nang ganito sa loob nang pitong taon? At talagang isa pa sa richest tycoon in Asia... Wow...

Nasa top floor ng building ang kanyang opisina. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko, but I want to take my chance. Habang kaya pa. Alam kong magagalit sa akin si Adison, pero sana naman ay maintindihan niya. Mahal na mahal ko rin si Sebastian. At kaya ako lumalaban sa buhay nang dahil sa kanya.

Pagpasok ko pa lang sa main office ay sobrang garbo na. Halos puro glass walls ang pumupuno sa buong floor. Dominante lang ang kulay na white and brown. Lalaking-lalaki ang ambiance. Carpeted ang buong area at sobrang lamig ng aircon. Marami ring mga empleyado ang nasa kani-kanilang mga cubicle at ang disenyo ng kanilang divider ay 'di nawawala ang clover leaf.

"Hello... Good afternoon. I would like talk to Mr. Sebastian Greene?" kabadong tanong ko pa sa receptionist na agad naman ding ngumiti nang pormal.

"Do you have an appointment, Ma'am?" tanong pa niya habang inaabala rin ang sarili sa kapipindot sa computer na nasa kanyang harapan.

"No..." Alanganin pa akong umiling. "But he knew me. I am Brianna Reyes."

"Can you wait here for a second, Ma'am? I'll just call his secretary."

"Yes, please. Thank you."

Saglit siyang tumalikod sa akin at may kinausap nga lang sa phone. Hindi naman din nagtagal ay agad rin niya akong binalikan.

"Let's go, Ma'am. I'll accompany you," nakangiting sabi naman n'ung babae at lumabas na nga sa kanyang cubicle.

Nanguna siya sa akin papunta sa opisina ni Sebastian na nasa pinakadulong parte pa ng floor. Agad ko ring nakita ang pinakamalaking glass room na noong una ay clear lang at kita ang tao sa loob, pero agad ring lumabo na para bang may tumakip sa loob. Pumasok kami sa loob noon, pero may nakabukod pa palang kwarto na solid door na ang entry at pader na talaga ang division.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon