Kabanata 32

162K 2.5K 163







Kabanata 32


Pinunasan ko ang luha ko at hinarap ko siya, marahan kong hinawakan ang kamay niya. Para namang kinurot ng kung ano ang puso ko nang makita kong nahihilam na yung mata niya sa luha.

"D-Drake..hi-hindi ako manhid." Nauutal na bulong ko sakanya, nag unahan nanamang tumulo yung luha ko, nakakainis naninikip na yung dibdib ko sa sobrang sakit.

"Kung ganun ano ka?! Bato ka ba Kei Marie?!" Namamaos na ang boses niya sa pagsigaw saakin, humigpit ang hawak niya sa kamay ko at mariin niyang tinitigan ang mata ko. "Pilit kitang iniintindi dahil ayokong mawala ka Kei Marie." Patuloy niya, napakagat ako sa ibabang labi ko dahil ramdam ko ang senseridad sa boses niya.


"K-kahit yung pinaka komplikadong bagay diyan sa buhay mo iniintindi ko. Ayokong mawala ka, ayoko Kei Marie kahit putangina sobrang sakit na kasi.." Umiiyak na sabi niya saakin, "Drake.." Humihikbing bulong ko.

"I'm sorry..sorry kung ang tanga tanga ko. S-sorry kung sinaktan kita, pero Drake..natakot lang naman kasi ako." Napapitlag ako nang marahas niyang hilahin ang kamay niya pabalik at halos humugot ako ng malalim na hininga nang mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan niya paalis ng bahay namin, ang kaninang naninikip na dibdib ko bumibilis ang pagtibok dahil sa kaba! Nag o-over take siya sa mga truck, bus at kotse! Mariin kong ipinikit ang mata ko at mahigpit akong kumapit sa seat belt.


"Natatakot nanaman? Tungkol nanaman ba yan sa putanginang virginity ha Kei Marie?!!"Sobrang paos na ng boses niya pero hindi ko siyang magawang sagutin, ang kaninang nakahawak na kamay ko sa seat belt lumipat sa dibdib ko!


Lumunok ako ng sunod sunod at nakaramdam ako ng masakit na pag guhit sa kaliwang bahagi ng dibdib ko.


"Ahh!! Drake!!" Nahihirapan na sigaw ko! "What?!!" Galit na sigaw niya saakin! "S-stop the car!!!" Sigaw ko sakanya! Pero narinig ko ang mapait na pag ngisi niya!

"Hell no Kei Marie, kung kinakailangang buntisin kita ngayon para habulin mo ako bubuntisin kitang babae ka." Pagbabanta niya saakin, bullsht!!

"Anong tingin mo saakin Kei Marie? Na sinusukat ko ang pagmamahal ko kung gaano kasikip o kaluwag yang putanginang butas niyong mga babae?!! You don't have the right na pangunahan ako kung anong nararamdaman ko!! Dahil hindi mo alam ang pakiramdam na mahalin ka!! Dahil baka ikamatay mo kapag naramdaman mo yung sakit ng pagmamahal ko para sayo." Dammit! Alam kong galit na galit siya saakin! Pero kailangan kong bumaba sa lintik na sasakyan na 'to kung gusto ko pang mabuhay!!


"I said stop the car!!!" Malakas na sigaw ko! Nanginginig na ngayon ang kamay ko sa sobrang kabang nararamdaman ko! Pero parang wala siyang naririnig!


"D-Drake please.. N-nahihirapan akong huminga.." Halos ibulong ko nalang yon, dammit! Seryoso ako! Nahihirapan akong huminga! Napalingon siya saakin at mabilis na itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada, kaagad akong bumaba at halos sumigaw na ako para lang bumalik sa normal ang paghinga ko!


"Kei Ma--"

"Bu-bullsht Drake, shut up." Mariin na suway ko sakanya, tumalikod ako sakanya at nagmadali akong maglakad, nakahawak pa rin ako sa dibdib ko. "Kei Marie!! May problema ba?" Sigaw niya at alam kong hinahabol niya ako ngayon! Pero wala ako sa lagay ngayon para makipagtalo pa sakanya. Hinila niya ang braso ko at hinarap ako sakanya, nanghihina ang buong katawan ko. Napapagod na ako sa pakikipagtalo sakanya, at higit sa lahat pareho lang kaming nasasaktan.


"U-uuwi na ako, k-kung gusto mo akong sumbatan at awayin pwede sa ibang araw nalang Drake? Hi--" Pinutol niya ang sasabihin ko, "Anong nangyayari sayo?! Bakit namumutla ka?!!" Sigaw niya saakin, hindi ko alam kung bakit mas lalong tumitindi yung sakit sa tuwing maririnig ko ang pagtaas ng tono nang pananalita niya saakin.


"W-wala 'to.." Nahihirapang bulong ko at akmang tatalikuran ko na sana siya pero hinila nanaman niya ang braso ko! "Ano ba Drake!!"

Ramdam ko pa rin yung tumutulong luha sa mata ko. "Fck, will you please stop crying Kei Marie?!! Namumutla ka na!!" Suway niya saakin! At napapikit ako nang punasan niya ang luha ko! Hinahabol ko na ang paghinga ko dahil sa hikbing pinapakawalan ko.

Pero ayaw tumigil nung luha ko, kinulong niya ng palad niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa mata. "Please tama na." Pag aalo niya saakin, hinila niya ako palapit sakanya at niyakap! Rinig na rinig ko yung maingay na pagtibok ng puso niya, galit na galit yung tibok ng puso niya, at mas lalo akong nanghina sa yakap niya, pero kasabay non ang sayang nararamdaman ko dahil nayakap ko na ulit siya. Yakap yakap ko na ang lalaking mahal na mahal ko.




Nandito na kami ngayon sa mataas na lugar na madalas naming puntahan noon. Pinaupo niya ako sa ibabaw ng compartment at pinapainom ng tubig, rinig na rinig ko ang pagkuyom ng panga niya sa tuwing mapapansin niya ang paghugot ko ng malalim na paghinga. Medyo nawala na ang sakit sa dibdib ko pero alam kong may kumikirot pa rin doon.

"O-okay na ako. Salamat." Nauutal na bulong ko at hinawi ko na ang kamay niya na ngayon ay hawak ang bote ng tubig. Ramdam ko yung malalim na titig niya saakin kaya naman tumingala ako para matitigan ko siya, nakakunot ang noo niya at halata sa mukha niya ang pag aalala.


Napapikit ako nang ibato niya yung bottled water sa damuhan. "Galit ako sayo pero nung makita kong nahihirapan ka nilusaw mo yung galit ko. Tangina talaga napaka talunan ko pagdating sayo." Mariin na pahayag niya. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at hinawakan niya ang kamay ko.


"Talunan ako kasi mahal kita pero hindi mo magawang tanggapin." Kahit mahinahon ang boses niya ramdam ko pa rin doon ang pait sa pananalita niya. Napatingin siya saakin nang maramdaman niyang pinisil ko ang kamay niya. "Drake..natakot lang ako kasi pakiramdam ko hindi ako ang babaeng para sayo." Paliwanag ko sakanya.

"That is bullsht Kei Marie." Sobrang diin talaga niyang magsalita na para bang mararamdaman mo lahat ng sakit sa boses niya, "Hindi ikaw ang magdidikta kung sinong mamahalin ko! Dahil ako ang masusunod! Ako ang pipili! Ako ang magdedesisyon! At ikaw yung desisyon na pinili ko!" Diretsong sabi niya. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko dahil sa mga salita niyang tumatagos sa kalamnan ko. Kaya lang ako 'tong si tanga pinuno ko ng insecurities ang buong katawan ko.


"Puso ko 'to Kei Marie, sayo lang tumitibok ng ganito kagago yung puso ko tapos sasabihin mo hindi ka nababagay saakin? Kung ganon, sinong bagay saakin?" Pilit niyang binababaan ang boses niya, umiling iling ako at mas lalo kong hinigpitan ang kapit ko sa kamay niya.


"I'm sorry Drake..sorry kung para sayo napaka manhid ko, I'm sorry dahil alam kong ako yung nagtulak sayo palayo. Pero mahirap mang aminin, nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong nasasaktan kita." Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumungo ako para pigilan yung nagbabadiyang pagtulo ng luha ko. "Pero hi-hindi ako manhid Drake.. at mas lalong hindi ka mahirap mahalin, dahil kung manhid ako at mahirap kang mahalin hindi kita minamahal ngayon ng sobra sobra. Mahal kita, at nagawa ko lang lumayo sayo dahil natakot akong baka masaktan nanaman ako.. Natakot ako na baka sa pangalawang pagkakataon na magmahal ako, mas doble yung sakit kapag naisipan mong iwanan na ako." Hindi ko na napigilan yung luha ko, para naman akong nabunutan ng tinik nang masabi ko lahat sakanya ng dahilan ko.


"At si Tom Andres..magkaibigan lang kami Dr--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumayo at hinila ako! Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya saakin, mabilis kong tinanggap yung yakap niya at doon ako mas lalong umiyak sa dibdib niya, hinaplos niya ang likod ko.


"I'm sorry Drake..sorry, sorry." Humihikbing bulong ko, "Shh, enough sweetheart.." Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang pagtwag niya saakin sa ganung paraan, mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit, namiss ko siya. Namiss ko ang ganitong Drake Cortezano, yung malambing niyang boses, yung mainit niyang yakap.. Namiss ko lahat.


"Tama na ang paliwanag sweetheart, dahil isang sabi mo lang na mahal mo ako naiintindihan ko na lahat.. Mahal mo ako. Fck, mahal mo ako." Paulit ulit na bulong niya! Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.


"O-oo Drake. Mahal kita."


Napapitlag ako nang maramdaman kong yumakap siya sa likod ko, pinasandal niya ako sa dibdib niya at napatingin ako sa blanket na ikinumot niya saaming dalawa. Humawak ako sa braso niyang nakapulupot sa tiyan ko at mas umurong ako sa likod niya para mas maramdaman ko yung yakap niya saakin.


"Malamig na sweetheart..ayaw mo pa bang umuwi?" Pag aalala niya, alas dos na ng madaling araw pero nandito pa rin kami sa taas, pinapanood namin yung city lights. "Ayoko Drake. Gusto pa kitang makasama." Bulong ko, ang bigat bigat na ng mata ko dahil siguro sa pag iyak ko, naramdaman kong hinalikan niya ang balikat ko at nagsalita siya doon.


"I'm sorry..sa mga nasabi ko sayo, sorry." Bulong niya, umiling ako at tumingala ako para matitigan ko ang mukha niya. Namamaga rin ang mata niya pero ang gwapo pa rin niya. "No Drake, I'm sorry." Bulong ko sakanya at inabot ko ang labi niya para mahalikan ko, mabagal na tinugon niya iyon na para bang sinusulit niya ang bawat galaw ng labi naming dalawa. Nakakapanghina talaga kapag nagsalubong na yung labi naming dalawa.


"I love you.." Bulong niya, pinagdikit niya ang noo naming dalawa. Nakapikit siya at nakakunot ang noo niya. "Bakit nakakunot pa rin ang noo mo? Galit ka pa rin ba saakin?" Tanong ko sakanya, marahan niyang iminulat ang mata niya at pinagtagpo niya ang mata naming dalawa, nakakaduling dahil sobrang lapit namin sa isa't isa.


"Sa tingin mo ba magagalit pa ako sayo gayong sinabi mong mahal mo ako?, hindi ako galit. Hindi lang ako makapaniwala na mahal mo ako, at ikaw ang unang humalik saakin sa pagkakataong 'to." Bulong niya, tumatama sa mukha ko yung mainit at mabangong hininga niya, napapikit ako nang halikan niya ang tungki ng ilong ko. Maging yon namiss ko.


"I love you so much Drake.." Bulong ko, "Fck. Pakiulit sweetheart," Mariin na sabi niya, napangiti ako. Ganun ang epekto sakanya kapag sinasabi kong mahal ko siya?

"Mahal kita Drake Cortezano." Bulong ko ulit.. "Bullsht. Napapamura ako sa pagmamahal mo Kei Marie." Hahalakhak sana ako pero bigla niyang nilamon ang labi ko! Mainit ang labi niya kaya naman nakakalasing, pinagsalubong niya ang daliri namin at napahigpit ang kapit ko sakanya nang pareho naming maramdaman ang malakas na paghampas ng hangin sa katawan naming dalawa. Sobrang lalim niyang humalik na para bang buong katauhan ko sinasamba ng halik niya. Binitawan niya ang kamay ko at binuhat niya ako saka pinaupo sa hita niya nang hindi pinuputol ang halik naming dalawa.. Kumapit ako sa dibdib niya, napapitlag ako dahil naramdaman ko ang mabilis na pagwawala ng puso niya.


Napaliyad ako nang humaplos ang mainit niyang kamay sa likod ko at mas lalo niyang pinalalim ang halik naming dalawa. "B-bite me sweetheart.." Natatawang bulong niya sa pagitan ng halik naming dalawa! Nanlaki ang mata ko! Hinampas ko ng malakas ang dibdib niya! "Hmm, n-no.." Nakakahingal siyang humalik kaya naman halos mabulol bulol na ako sa pagsagot sakanya. Pinaghiwalay niya ang labi naming dalawa! Tinitigan niya ako ng malalim at hindi ko nagustuhan ang mapang asar na tingin niya saakin, nakakamiss. Nakakamiss yung mga ganyang titig niya na para bang may ibig sabihin palagi.


"I'm giving you a chance, pero tinanggihan mo." Nakangising sabi niya! At bago pa man din ako makasagot, napalundag ako ng bahagya sa hita niya nang kagatin niya ang ibabang labi ko! "Uhm! Drake! Stop!" Nahihirapang sigaw ko, pero ngumisi lang siya. Naramdaman ko ang pagdugo non pero mabilis nawala ang lasa ng dugo dahil ginawa niyang straw ang labi ko! Pagkatapos ay pinaghiwalay na niyang ulit ang labi namin, tinitigan ko siya ng masama!


"Saan mo natutunan yan ha?!!" Sigaw ko sakanya saka hinampas ko ang dibdib niya! Hulakhak siya! Sinampal ko siya ng mahina, ngumiti siya at minura ako ng dimple niya.

"Sayo." Nakangiting sagot niya, napakunot ang noo ko. Bigla niya akong niyakap, hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya at niyakap ko rin siya. "Sayo ko natutunan, hilig mo kasing kagatin yang labi mo. Naisip ko lang, mas maganda siguro kung ako nalang ang kakagat." Natatawang sabi niya, pilyo talaga 'tong lalaki na 'to. Hinampas ko ang likod niya pero tinawanan niya lang ako.


Sandali pa kaming natahimik, pero siya na rin ang unang nagsalita.

"H'wag mo nang uulitin yon Kei Marie, gusto ko kapag natatakot ka sabihin mo saakin." Bulong niya, tumango tango ako at mas lalo ko siyang niyakap.


"At isa pa..Wala ka naman talagang anesthesia sa katawan, kaya h'wag kang magpanggap na hindi ka nasasaktan."


***

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!