His Personal Slave - 32.

Magsimula sa umpisa
                                    

“Don't you trust me?” sabay pout niya. Aish...

“Please? Kath? Kath ko...” tinignan ko lang siya sa mga mata niya. Mukha namang tutuparin niya yung promise niya...

Aaminin ko, sa one month na relationship namin, hindi naman naging madali. I mean, syempre! Siya si Daniel Montenegro, anong aasahan mo? Pero... may mga times naman, usually araw-araw, na pinaparamdam niya sakin na andiyan lang siya sa tabi ko, as in... hindi niya ako iiwan.

Hinawakan ko siya sa magkabilang-braso niya.

“Kapag ikaw, may ginawang masama... kapag napahamak ka na naman... kapag may babaeng lumandi sayo at nagpalandi ka... lagot ka sakin.”

“So payag ka na?”

“Oo. Basta! Limitations...”

“Hindi naman kita pag-aalahanin. Okay? Atsaka, sinong mag-uuwi sa mga ungas na yun kapag nalasing rin ako?”

“Haha! Slave ka pala nila eh!” asar ko.

“Ah ganon?” sabay taas-baba ng kilay niya sakin.

“Joke lang!” niyakap niya ako ng mahigpit nun. Maya-maya bumitaw siya at sa halip, hinawakan yung kamay ko.

“Let's go. Hatid na kita.” maloko ko nga.

“Pero... may date ako!”

“ANOOOOOOOO?!” nanlaki pa yung mata niya.

Hindi ko mapigilan. Natawa ako.

“HAHAHAHAHA!” hawak-hawak ko yung bibig ko. Kasi naman eh... hahaha! Laughtrip!

“Sinong ka-date mo?! Asan yung punyetang lalaking yun?!”

“Wag ka nga mag-cuss! Parang joke lang!” binigyan niya ako ng death glare.

“Ah ganon? Pinagtitripan mo ako?” sabay ngiti niya ng nakakaloko.

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon