-12-

56.8K 1.9K 725

Quit dropping names. Thanks. 


--


NAGSISIMULA ng mag-ingay ang mga taong nasa loob ng bar. Nasa may gilid lang ako at katabi ko na si Ian na nakaupo lang din at pinagmamasdan ang mga tao sa loob ng bar. Halos mapuno ang Blue's Haven dahil na rin sa mga bisita ni Kevyn. Ano pa nga ba ang ieexpect ko sa birthday ng isang sikat na actor?

May mga nakita akong artista na naroon at nakiki-celebrate sa birthday ni Kevyn. May mga models din na nakikita ko sa billboards kapag nadadaan kami sa Edsa at ang iba ay pamilyar sa akin dahil nakikita ko sila sa Ai's. Ang ilan sa mga naroon ay pamilyar naman sa akin dahil nakikita ko na sila kapag birthday ni Daddy at Mommy.

Napabuntong-hininga nalang ako ulit bago uminom sa juice na nasa lamesa. Kahit pa gustuhin kong umakyat nalang muna sa itaas at hindi makihalubilo sa kanila, maya't maya naman akong hinahanap ni Aly kaya hindi din ako makaalis. Hindi masyadong lumalayo sila Theon at Keij sa amin dahil na rin kailangan daw nila kaming bantayan. Si Enzo naman ay nakabantay kay Lean, si Kol ay nakamasid lang din sa amin. Napapaisip tuloy ako kung nag-eenjoy ba ang mga ito sa party na iyon.

"You're bored?" tanong ni Ian sa akin. Nilingon ko siya. "Ano 'yun?" tanong ko dito. Halos sabay ito at si Iris na dumating. Nauna lang daw si Ian sabi ni Aly kanina. At mula din ng nauna akong bumaba ay hindi ko na nakita kung nasaan si Jahann. Sa palagay ko naman ay nandito pa rin siya... kasama si Iris. Baka si Iris ang binabantayan nito.

Eh, di okay.

Hindi ko maiwasang mapasimangot.

"What's bothering you, Sunshine?" tanong niya sa akin. Inilagay niya sa may bandang likuran ng upuan ang kamay niya kaya naman nagmukhang nakaakbay siya sa akin. Umiling naman ako kaagad bago ininom ang juice na hawak ko. Mas mabuti pang huwag nalang pag-usapan kung ano man ang tumatakbo sa isip ko.

"Cherinna..."

"I'm fine, Ian," nilingon ko siyang muli at saka ngumiti. Madalas naman kaming nandito sa Blue's Haven ng mga pinsan at kaibigan ko, pero mas madalas talaga na nasa itaas lang ako at hindi bumababa.

"You look pretty tonight," biglang sabi ni Ian sa akin. Tinignan ko naman siya bago ako napangiti. "Medyo gwapo ka din naman ngayon," sabi ko na ikinatawa niya.

"Medyo lang ba?" kumunot ang noo nito at sumandal. Napailing ito at huminga ng malalim. "I actually thought magagwapuhan ka ng sobra sa akin ngayon," nilingon niya ako at saka ngumiti ng tipid.

Tumaas ang isang kilay ko nang lingunin ko siya. Ipinilig ko ang ulo at pinagmasdan siya. "Wait, come to think of it... gwapo ka naman..." sabi ko na humarap dito at tinignan siya sa mukha. "May kulang lang..."

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako bago isinawsaw ang isang fries sa catsup na naroon at nilagyan si Ian sa pagitan ng ilong nito at labi at palibot na rin sa labi nito. Nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ko iyon.

"Okay ka na?" tanong niya sa akin. Umiling naman ako at nagpipigil na matawa. "Hindi pa, sandali lang," sabi ko bago muling isinawsaw ang fries at nilagyan siya sa magkabilang pisngi ng bilog gamit iyon.

Hindi ko na napigilan ang pagtawa habang nakatingin kay Ian. "Ayan, okay na," sabi ko sa kanya. Ipinilig nito ang ulo habang nakatingin sa akin. Napayuko nalang ako habang patuloy na tumatawa.

Hindi siya nagsasalita.

"Sorry na," sabi ko bago nag-angat ng tingin. Namamasa na ang mata ko sa sobrang tawa kaya pinigilan ko na din ang sarili ko. Inabot ko ang tissue na naroon.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!