-11-

53.7K 1.7K 487

Nagbabasa po ako ng comments. Cute niyo. :)


--


"HINDI ko magets si Jahann, twin..." nakahiga si Aly sa may hita ko habang nasa loob kami ng kwarto ko at nanunuod. May dalawang box ng pizza na nasa may kama ko din at nagpahatid pa si Aly ng juice. I'm not into soda so si Aly ang nag-adjust sa akin. Sinabihan niya na din daw si Jahann na samahan kami pero susunod na lang daw ito dahil may pinapagawa pa si Daddy dito.

Suspended ang klase namin dahil na rin sa malakas na ulan. Si Aly pa ang gumising sa akin kanina para lang sabihin na walang klase. Kapag ganoon talaga ang announcement, isa si Aly sa mga unang nakakaalam. Mas maaga pa siyang nagigising kapag walang klase. Hindi ko din alam kung bakit. Napagdesisyunan nalang namin na magkaroon ng cheat day at magbonding na dalawa na muna habang wala pa si Jahann. Basta din naman kasing pumasok sa kwarto ko si Aly at nahiga at nagrequest ng kung ano-ano.

"Why?" tanong ko sakanya bago kumuha ng isang slice ng pizza. Tinignan niya ako at sumimangot siya. Hindi ko rin naman magets si Aly.

She let out a deep sigh. "I can feel it. He likes Iris. Hindi naman niya kakausapin si Iris kung hindi niya gusto, diba?" tanong ni Aly sa akin. Hindi ako sumagot. "Knowing Jahann? Tayo lang naman ang madalas na kausapin 'nun, eh..." Bumangon ito at naupo sa tabi ko. "Tanong mo kaya sa kanya kung anong status nila ni Iris?" sabi nito. Inilapag nito ang hawak na pizza at hinawakan ang braso ko.

"Aly..." hinila ko ang braso ko sakanya. "Bakit ba atat na atat kang magkagirlfriend si Jahann?" tanong ko dito. Bakit parang hindi man lang siya affected na may ibang babae na, na pumupukaw sa atensyon ni Jahann? Okay lang ba talaga? I mean... yeah, okay lang naman pero hindi ko alam. Ayoko, eh.

Huminga ng malalim si Aly bago sumandal at tumingin sa akin. "Hindi naman sa hindi affected, kambal. It's just, sooner or later, magkakagirlfriend naman talaga si Jahann. I'm just trying to live with it..." ngumiti siya sa akin. "Alam ko, sa ating dalawa, mas mahihirapan ka. Mas mukha kayong kambal ni Jahann kesa sa atin, eh... pero twin, you have your own life na din. May Ian ka na..."

"Hindi ko siya, Ian," maagap kong sabi sa sinabi nito.

"Not now, yes. Pero wala ka bang nararamdaman kahit kaunti doon sa tao?" kumunot ang noo ni Aly bago kinuha ang slice ng pizza na inilapag nito at kinagatan iyon.

"He's really nice," sagot ko naman dito. Mabait naman talaga si Ian. Lagi ding kapakanan ko ang inuuna 'nun. Minsan nangungulit siya sa mga simpleng banat niya pero...

"You didn't answer my question," natatawang sabi ni Aly sa akin. "You like him?" tanong ulit niya sa akin.

Sumandal ako. Anong klaseng gusto ba?

"Twin, it's okay. Walang masama kung magkakagusto ka sa isang tao..." inihilig nito ang ulo sa may balikat ko. "As long as that person will make you happy, boto ako sakanya..." ngumiti si Aly sa akin bago inalok ang pizza niya na siya namang kinagatan ko.

Ngumiti nalang ako at tumango.

Maybe I like Ian. I like him as a person.

Nakasandal lang ako habang muling humiga sa may hita ko si Aly at pinagpatuloy ang panunuod. Kinuha ko naman ang phone ko at nagtingin nalang kung may announcement para bukas.

Napatingin ako kay Aly.

"Bukas na 'yung birthday ni Kevyn, diba?" tanong ko dito. Tumango naman ito. Tila nakafocus ito sa pinanunuod. "Do we have to buy him a gift?" tanong kong muli dito.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!