-10-

57.6K 1.7K 446


BUMABA nalang ako kahit pa naguguluhan ako sa biglang pagsusungit na naman ni Jahann. Isa pa, may atraso ako sa kanya ngayon. Marahil ay naudlot ang date nila ni Iris dahil sa pagtulog ko. Baka tinawagan ito ni Aly para sabihin na hindi pa ako nagluluto ng dinner.

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng tuwa sa ideya na hindi natuloy ang date ni Jahann at Iris. Dahil na rin siguro namimiss ko na ang kapatid ko.

Naabutan ko si Jahann na kausap ni Aly nang dumulog ako sa may hapag. Naroon na rin si Mommy.

"Si Daddy?" tanong ko kay Aly bago naupo sa pagitan nila ni Jahann.

"Nagbihis. Kakauwi niya lang, eh..." sagot ni Aly sa akin. Tumango-tango naman ako. Tinignan ko si Jahann, nakayuko lang ito at tila malalim ang iniisip.

"Cherinna, akala ko ba ay ikaw ang magluluto ng dinner natin?" tanong ni Mommy sa akin. Napatuwid naman ang likod ko bago sumulyap dito.

"Sorry, Mom. Nakatulog kasi ako. Hindi ko naman alam na hindi ako magigising agad tapos—"

"Next time, don't promise anything."

Napalingon ako kay Jahann.

"Hindi ko naman sinasadya," pagbibigay ko ng rason. Isa pa, tinext ko naman siya. Kung sana ay nagreply siya sa akin kaysa sa ibang tao, hindi ako natulog nang umuwi kami kanina.

"Still, you promised. Sana hindi ka nangangako," nilingon ako ni Jahann. Hindi ako nakapagsalita dahil na rin sa pagtitig niya sa akin. Seryosong-seryoso ito.

"It's fine, Jahann. Besides, ikaw naman ang nagluto. Okay na iyon, kaysa si Al yang pinagluto niyo..."

"Mom!" napasimangot si Aly. "Nananahimik ako dito, ah?" humalukipkip ito.

"I'm just saying, wala kang talent sa kusina, Aly," narinig kong sabi ni Mommy kay Aly. Nakatingin pa rin ako kay Jahann kahit pa nag-iwas na siya ng tingin sa akin.

"Coming from you, Ai?"

I heard Dad's voice.

"Come on, let's eat. Panatag ang loobko sa pagkain dahil hindi mommy niyo ang nagluto," sabi ni Daddy na ikinasimangot ni Mommy.

"I hate you just now," sabi nito kay Daddy.

"I love you even more just now..." sagot naman ni Daddy dito.

Nag-iwas na din ako ng tingin at nagsimulang kumain. Halos hindi ako makakain ng maayos dahil na rin nawalan na ako ng gana kahit pa gutom na ako kanina.

"Okay ka lang, twin?" bulong sa akin ni Aly. Tumango naman ako sakanya. Nawalan lang talaga ako ng ganang kumain dahil sa sagutan namin ni Jahann. Hindi lang din talaga ako sanay na ganyan siya.

Pakiramdam ko tuloy, unti-unti siyang lumalayo sa amin ni Aly... sa akin.

"Mom, Dad, aakyat na po ako sa room ko," paalam ko nang matapos akong kumain.

"Are you okay, twin?" tanong ni Aly sa akin. Tipid akong ngumiti at tumango dito. Naglakad na ako paalis ng dining room nang marinig ko si Daddy na magsalita.

"Jahann, your Tita Julia told me you're seeing Iris now. Is that true?"

Huminga nalang ako ng malalim at pinagpatuloy ang paglalakad. Hindi ko na narinig ang sagot ni Jahann. Hindi na din naman kailangan. Alam ko naman.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad kong binuksan ang laptop ko. Maybe, I should distract myself. Masakit isipin sa ulo ang topak ni Jahann.

Ayaw pala niyang magluto, sana ginising nalang niya ako.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!