Saengil Chukka Hamnida Park Chanyeol

3.2K 105 48

Saengil Chukka Hamnida Park Chanyeol

{Chanyeol's POV}

"GOOD MORNING KOREA! GOOD MORNING EXO! GOOD MORNING TO ME! GOOD MORNING TO THE WHOLE WIDE WOOOOORLD!" Alam niyo ba kung anong araw 'to? Yieeee~ Alam kong alam mo, mahal mo ako eh. *winks*

Lumapit ako sa higaan ni Bacon, kasi di ba, magkasama kami sa kwarto? Tinapik-tapik ko siya sa balikat para gisingin siya. Sobrang himbing namang matulog nito. :3

"Ano ba?! Wag ka ngang magulo! Natutulog 'yung tao eh!" sabi niya habang tinatabig ang kamay ko. May menstruation yata si Baek, masyadong mainit ang ulo...

"Eh? Tao ka pala?" Mwehehehe. Sarap talagang asarin nitong si Baekhyun. (~~,)

Napabangon naman siya bigla at tumingin sakin ng masama...

"SO ANONG GUSTO MONG PALABASIN?! NA HINDI AKO TAO?! NA HAYOP AKO GANON? OH MY GOD! I HATE YOU YEOL!" Ang arte talaga ni Baekhyun no? Pang-best actress eh. XD

"Oy hindi ganyan ang gusto kong palabasin ah. Tinatanong ko kung tao ka kasi akala ko..." tumingin ako sa kanya at ngumiti... "Dyosa ka..." HAHAHAHA! Kinikilig na yan! Napatawa naman ako ng biglang namula ang buong mukha niya. Grabe~ HAHAHAHA! Ang landi talaga ni Baekhyun. :333

"Kainis ka naman eh! Wag mo nga akong pagtawanan! Bakit ka ba kasi nanggigising?!" sabay hampas ng unan sa mukha ko. Sinalo ko naman 'yung unan bago pa ulit tumama sa gwapo kong mukha...

"Hindi mo ba alam kung anong araw ngayon?" excited na tanong ko sa kanya. Weeeeee~ Alam kong alam niya. Sa lahat ng members, siya ang pinakaclose ko dito kasi nga roommate din kami kaya madami na kaming alam sa isa't-isa kaya sigurado akong hindi niya malilimutan...

"Huh?" nag-isip siya saglit tapos parang may light bulb na lumabas sa ulo niya. Powers ni Baek 'yun eh. Ang galing nga niyang mag-light dance. The best. d(^O^)b "AH! Tanda ko na! Meron tayong rehearsal mamaya para sa Music Bank! Tss. Bakit ko nga ba nakalimutan?" napasimangot naman ako dahil hindi naman 'yun ang ineexpect kong maaalala niya. At ang alam ko, nacancel 'yung schedule namin ngayong araw kaya wala dito lang kami sa dorm. Sobrang saya ko pa naman kasi wala kaming schedule ngayon, free na free kaming gawin ang gusto namin. (-3-)

Para hindi niya mahalatang malungkot ako. Ngumiti na lang ako... "Tatanungin ko na lang si Suho! Oo nga! Siguradong alam niya kung anong meron ngayon!" tumakbo naman ako papunta sa kwarto ni Suho, sakto namang gising na siya at hindi man lang inayos ang higaan. Ang kalat talaga nitong gramps na 'to. :3

"Oh? Bakit Chanyeol? May kailangan ka?" tanong niya habang ineexamine ang wallet niya. Wooo~ Siguro ililibre niya ako kasi espesyal na araw 'to para sakin? HOHOHO!

"Alam mo ba kung anong meron ngayon?" lumapit ako sa kanya at hindi ko mapigilang mapangiti ng sobrang lapad... "Hindi kasi maalala ni Baek eh" >3<

"Ano nga bang meron ngayon? Wala naman di ba kasi nacancel ang schedule natin?" 

Napasimangot na naman ako dahil hindi niya rin maalala. Wala ba akong halaga sa kanila kaya hindi nila maalala kung anong meron ngayong araw na 'to? Kayo ba? Alam niyo? Kung alam niyo bibigyan ko kayo ng free hug. Hindi pwedeng free kiss baka patayin ako ni Lei, selosa 'yun eh. :333

Saengil Chukka Hamnida Park ChanyeolBasahin ang storyang ito ng LIBRE!