-9-

54.5K 1.6K 291

NAKATINGIN lang ako kay Iris habang nagsisimula na si Ms. Torres sa pagdidiscuss nito. Sa may harap siya ni Ian nakaupo kaya naman halos nasa harap ko lang din siya. Lumipat siya ng school para kay Jahann. That's weird... and, I don't know... bakit ba kasi kailangan niyang lumipat ng school?

Nakakasama naman niya si Jahann sa tuwing nasa Ai's si Jahann after ng klase nito, hindi pa ba sapat iyon? Gusto nito makakasama pa niya si Jahann kahit dito sa school?

Gustong-gusto ba niya talaga si Jahann?

Iniiwas ko na ang tingin bago humugot ng malalim na buntong-hininga. Wala naman akong mapapala kung iisipin ko ng iisipin kung bakit nandito si Iris. Obviously, si Jahann naman talaga ang pinaka-dahilan niya.

Kung halos hindi ko na nga makausap si Jahann tulad ng dati, ano pa kaya ngayon? Ano pa ngayon na nandito na rin si Iris?

"Are you okay?" umusog papalapit sa akin si Ian. Pabulong lang itong magsalita.

"Huh?" nilingon ko siya. Hindi ko naman akalain na ang lapit na pala niya kaya naman halos magdikit na ang mga ilong naming dalawa. Ako ang kaagad na nag-iwas kaya nalaglag ang mga gamit ko na nasa lamesa ko.

Agad na naglingunan sa amin ang lahat.

"Shit," mahinang usal ko bago tumayo at kinuha ang gamit ko.

"Nagkakayayaan na naman ba kayong magdate na dalawa?" pang-aasar sa amin ni Angelica na sinundan nito ng animo'y kinikilig na tunog.

"Ian, pahinga naman. Nagdate na kayo kahapon, eh..." ani naman ng isang classmate namin na lalaki na hindi ko matandaan ang pangalan.

"Magkukwento ba kayo sa nangyari kahapon?" tanong ng isa pa. Bumalik na ako sa upuan ko at yumuko nalang.

"Guys, stop it. You're making Cherinna feel uncomfortable," seryosong sabi ni Ian sa mga ito. Agad niya akong hinawakan sa braso. "Okay ka lang?" tanong niya sa akin.

"I'm fine," marahan kong binawi ang braso ko at huminga ulit ng malalim. Ayoko talaga na maraming nakatingin sa akin kahit pa nga marami naman talagang nakatingin kapag magkakasama kami ng mga pinsan ko. Mas kumportable si Aly sa crowd, kaya nga pinilit niya sila Mommy at Daddy na payagan siyang magmodel sa Ai's. Hindi kami ni Al yang magkamukhang-magkamukha na kambal. Noong bata pa kami, magkamukha pa kami, eh. Hindi ko alam kung anong nangyari nung lumaki na kami.

Sabin i Lola, mas lamang kay Aly ang Dela Cruz blood, sa akin naman ang Anderson.

Hindi na lamang ako kumibo pa habang nagkaklase at pinilit kong magfocus sa pakikinig kahit pa pamaya-maya ang sulyap ko kay Iris.

Hindi ko alam kung bakit ako naba-bother na nandito siya.

Basta ayoko lang.

"I'm hungry, Cherinna. Let's eat?" aya sa akin ni Ian nang magbreak na. Napatingin ako sakanya. Nakatayo na siya at tila hinihintay nalang ako. Huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo at kinuha ang gamit ko.

"Cherinna..."

Napahinto ako nang tawagin ako ni Iris. Nilingon ko siya at nakatingin siya sa akin habang kita ko na nahihiya siyang nakangiti sa akin.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Ian sa aming dalawa. Hindi ako sumagot.

"I'm Jahann's friend. Cherinna's brother. I'm Iris, by the way," inilahad nito ang kamay kay Ian na tinanggap naman ni Ian bago sumulyap sa akin na tila nagtatanong pa.

"I'm Ian..." pakilala naman ni Ian sakanya.

"I was just wondering if... pwede akong sumama sa inyo maglunch?" tanong nito bago kagatin ang labi. Nakatingin lang ako sakanya.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!