Chapter 3

523 18 0
                                    

CHAPTER 3

Daniela's POV

"Anak tawagin mo nga si Alan ng maakyat na yung mga bunga ng puno natin " Utos sakin ni nanay.

"Ako na lang po ang aakyat nay." Si Andrei kase ang taga-kuha namin ng bunga pero wala nga siya ngayon. :(

"Anak naman dalaga ka na. Hindi ka na dapat umaakyat ng puno gaya ng dati."

"Eh sige na nay. Ang tagal ko na pong di nakaakyat ng puno e."

"Yun na nga anak, matagal na nung huli kang nakaakyat ng puno kaya baka hindi ka na sanay."

"Please inay. Kaya ko pa po yun."

"Wag ng makulit." Pumunta na ng kusina si nanay.

"Please nanay." Yumakap pa ko sa bewang niya.

"Nako dinaan pa ko sa lambing. Osiya sige na. Dalian mo ha. Magpasama ka na din kay Alexa."

"Thank you nay!" Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako nagpalit ng maluwag na shirt at shorts.

Pinuntahan ko na din si Alexa sa bahay nila pero maliligo daw muna siya.

Sinimulan ko ng umakyat ng puno. Nakakarami na nga din yung bunga ng mangga na nakukuha ko e.

Grabe nakakamiss yung ganito. Hihi.

"Daniela!"

"Ay kabayo!" Shemay sino ba yung tumawag sakin. Huhu. Muntik pa tuloy akong mahulog sa puno.

"Walang kabayo dito." Hinanap ko yung nagsalita.

"Ano na naman Paulo?" 3 days na ang nakaraan simula nung nagkita kami sa plaza. Actually hindi kami nag-usap okay iniwan ko nga sila dun e.

"Ang sungit mo. Magso-sorry lang e." Sabi naman niya.

Hindi ako kumibo.

"Bumaba ka na diyan. Ako na lang ang aakyat."

"Ayoko nga!" Sigaw ko.

"Alam mo bang nakikitaan ka na mula dito?" Nag-panic naman ako sa narinig ko.

"Ha? Eh wag kang tumingin! Tsaka bakit ngayon mo lang sinabi ha?" Nagmadali akong bumaba kaya hindi ko namalayan yung isang sanga na malambot pala.

"AAAAAAAAAAAH!!" Tili ko dahil nahulog ako ng puno.

Pero teka bakit malambot yung nabagsakan ko??

Waaaaaah!! Kay Paulo ako bumagsak. As in nakabagsak ako sa kanya!!!

*Click* *Click* *Click*

Teke tunog ba yun ng Camera?

Hinanap ko yung pinanggalingan ng tunog pero wala akong makita.

"HOY GIRL! ANONG GINAGAWA NIYO?!" Nagulat ako sa sigaw ni Alexa. Nakapatong pa din pala ko kay Paulo.

"Ah ano. Ah nahulog ako. P-pasensiya ka na Paulo ha. May masakit ba?" Umalis na ko sa pagkakadapa sa kanya.

"Okay lang. Ang bigat mo pala kahit tingting ka. HAHAHAHAHA."

Hinampas ko nga! "HOY GRABE KA! SEXY KAYA AKO!!"

"HAHAHA. MANGARAP KA GIRL!" Hiyaw sakin ni Alexa.

"Grabe ka.. Hoy kelan ka pa nagkaroon ng camera?" Takang tanong ko sa kaibigan ko.

"Bangag ka ba? Anong camera ang sinasabi mo? Alam mo ngang wala na kaming makain ni inay bibili pa kami ng camera?" Hindi siya?

"TEKA. EH SINONG KUMUHA NG PICTURE NAMIN KANINA?!"

MY INNOCENT HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon