Kabanata 31

174K 2.4K 275

Dedicated kay @Iamfabandbeautiful super thank you sa mahaba mong comment! *O* nakakataba ng puso.. :">

Thank you rin sa mga nagvotes at comments sa previous chapter.. SORRY rin kung super duper late na itong update ko, huhu.. Mas lalo akong nagiging busy. Sorry, pero thank you sa mga patuloy na naghihintay ng UD! :"> Happy 200K reads JFIA! Salamat guys! <3



Kabanata 31



"Wala bang goodbye kiss and hug? Magiging boss mo na rin ako." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, para bang biglang tumaas lahat ng dugo ko sa ulo ko. Humarap ako sakanya at pinagtaasan ko siya ng kilay, titig na titig siya saakin.



"Excuse me? Iniinsulto mo ba ako?" Pagtataray ko sakanya, ngumisi siya at muling tumayo. Napaatras ako nang lumapit siya saakin, gosh kung nung una ko palang siyang nakilala halos magkasing-tangkad lang kami, pero simula nang nakabalik siya galing Japan palagi ko na siyang tinitingala dahil sa tangkad niya, at yung nakakapaglaway na hubog ng katawan niya. Dammit Marie! Puro kahalayan ang nasa utak mo.


"Hindi kita iniinsulto Ms.Gonzales, humihiling lang ako ng pabor." Nakangiting sabi niya, mas lalo akong napaatras nang ilapat niya ang point finger niya sa labi ko, nanghina ang tuhod ko at muntik na akong matumba! Mabilis niyang nahawakan ang siko ko at pilit akong itinatayo ng maayos.


Nakangisi pa rin siya habang nakatingin sa labi ko, nakakatunaw yung mga mata niya, yung dimple niya minumura nanaman ako sa bawat pag ngisi niya. Dahan dahan niyang hinaplos ang labi ko gamit ang thumb niya.


"Can you kiss me hard? No breathing?" Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, yung puso ko kulang nalang sumigaw sa sobrang kaba! Inilipat niya ang tingin sa mga mata ko. "Ms.Gonzales? Kiss me..hard.." Pang aasar niya, itinikom ko ang bibig ko at itinulak ko siya palayo saakin! Gusto niya ng asaran ha?



Halata namang nagulat siya dahil bumalik ang lakas ng loob ko. Humakbang ako palapit sakanya, at kahit kinakabahan ako hindi ko inalis ang tingin ko sa mata niya, dun ko lang nakita na hanggang ngayon wala pa ring emosyon ang mga mata niya, blangko pa rin ito kahit na panay ang pag ngisi niya saakin. Napansin ko ang pagkuyom ng panga niya nang haplosin ko ang dibdib niya pababa sa abs niya, humugot siya ng malalim na hininga.


"I'll kiss you hard, your hands are on my hips, your name is on my lips. I've got burning desire for you, Sir." Malambing na pahayag ko at kinagat ko ang ibabang labi ko, napaawang ang bibig niya. Mukhang hindi siya makapaniwala sa ginagawa ko ngayon, Drake Cortezano? You start this game huh? Then show me what you've got. Nakipag sukatan ako ng tingin sakanya, bumalik ang kaba ko nang muli kong makita ang pag ngisi niya.



Hinapit niya ako sa bewang at pinagdikit niya ang katawan naming dalawa! Ngumiti siya, yung ngiting malalaglag lahat ng suot mo sa katawan! Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at napapikit ako nang maramdaman ko ang mainit niyang paghinga, nakakalasing.. Pakiramdam ko mahuhulog nanaman ako sa patibong niya.


"Then let's do it now. Because I'm actually imagining you now, kissing me...and you..on top of me." Hinihingal na bulong niya! Nanlaki ang mata ko at napalunok ako ng sunod sunod! Mabilis ko siyang itinulak at tumalikod na ako! Nararamdaman kong sobrang pula ng mukha ko. Bakit ba nawala sa isip ko na hindi na siya ang dating nerd na Drake na unang nakilala ko? Isa na rin siyang playboy kagaya ng iba at magaling makipag fling.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!