At habang busy ako sa pag aanalyze ng nararamdaman ko, narinig ko siyang nagpaorder ng ice cream na ikinatuwa ng mga ka Department ko.

At nakahinga naman ako ng malalim nung umalis siya sa pagkaksandal sa table ko at naglakad.

“Bago pa dumating ang meryenda, let me introduce my self first.” Narinig kong sabi niya tapos sinabi niya ang pangalan niya at ang position niya. My officemates whispered their welcomes at lahat nakaharap na sa kanya maliban sa akin.

And from my peripheral vision, I saw him shaking the hands of everyone na parang tumatakbo bilang congressman. Tuwang tuwa naman ang mga kababaihan sa Department namin. Nung malapit na siya sa akin, tsaka ko napagtanto ang ginagawa niya.

He is introducing himself sa lahat at kasama na ako dun. At dahil ayaw kong makinig sa pagpapakilala niya sa akin, ginamit niya ang posisyon niya sa kompanya para maipakilala ang sarili niya. Parte ba din ba ito ng plano niyang magsimula kami? Kunsabagay, paano nga kami magsisimula kung hindi ko iaacknowledge ang presence niya. Pero dahil sa ginawa niya ngayon, wala na akong choice kundi kilalanin siya.

Then suddenly, he is front of me grinning.  

“Hi, since mukhang hindi ka nakikinig kanina, magpapakilala ulit ako for your sake. I’m Angelo Gabriel Villegas. Your new VP for Engineering.” Ang laki ng ngisi niya na para bang nakaisa siya. At nakaisa naman talaga siya. Ni hindi ko magawang supalpalin siya dahil ayaw kong masabihang abusado.

“And you are?” I wanted to slap him to wipe the grin off his face.

“Maria Remedios Asuncion Dimasalang, Sir. Maria for short.” Walang kangiti ngiti ang masama ang loob na sinabi ko. He extended his hand at nagdalawang isip ako kung tatanggapin ko ba yun o hindi.

Pero wala akong nagawa tinanggap ko ang kamay niya. Di bali. It was just a shake hand. A brief contact. Hindi kesyo ibibigay ko ang kamay ko ay ibibigay ko na din ang buong buhay.

Pero Mira, di ba nga, ginawa mo na yun dati? Nung tinanggap mo ang buong pagkatao niya bilang isang taxi driver? You offered your hand to him at that time and now, you are doing the same. Sabi ng isang bahagi ng utak ko na agad kong sinara.

Iba ngayon, iba din dati.

I reluctantly extended my hand. And when our hand touched, literal na nanayo ang balahibo. Amputanessca! Bakit ganito pa din? Agad kong binawa ang kamay ko pero sa kasamaang palad, mahigpit niyang hinawakan ito. I kept on pulling my hand pero lalo niyang hinihigpitana ng hawak nito.

“Binigay mo na. Wala ng bawian.” Mahinang sabi niya. Enough for me to hear. A smile of triumph in his face.

“Anong binigay?”   I hissed at him pero hindi niya ako pinansin.

“You know what Mira?” Sabi niya gamit ang totoong palayaw ko at hindi ang Maria na sinabi ko.

“You look familiar. Parang nakita na kita dati. I think I remember you!” Dagdag pa niya sabay ngisi. 

“Well, I don’t. Ngayon lang po kita nakita. SIR!” I give emphasis on the word sabay hatak ng kamay ko pero ayaw niya talagang bitawan. Nanggigil ako lalo.

“Well, ganun talaga ang may utang kinakalimutan ang nautangan.” Patay malisyang sabi niya sabay tingin sa ibang ka officemate ko.

“Anong utang ang pinagsasabi mo?” Hindi ko napigilang sabihin. Kelan ako nagka utang sa kanya?

“Remember nanghiram ka sa akin ng pamasahe?” Kumunot pa ang noo ko nung una but then naalala ko nga nung nangiram nga ako sa kanya. Nung galing ako sa condo ni Michael.

Lalong nag init ang ulo ko. At talagang hinatak ko na ang kamay ko na hawak niya. Mabuti na lang at binitiwan naman niya. Agad ko namang kinuha ang bag ko at padabog na kinalkal ang wallet ko. Kinuha ko ang nag iisang isang libo sa wallet ko at padabog na binigay sa kanya.  

“Ayan isaksak mo sa baga mo ng bonggang bongga.” Hindi ko na talaga napigilan ang inis ko. At wala na din akong pakialam sa sasabihin ng iba. Inis na inis na ako sa kay Gabriel. Ang laks niyang makapang powertrip.

Pero kahit na nakabusangot na ang mukha ko, nakangiti pa din siya habang tumingin sakin sabay kuha ng pera. 

“Salamat ha. O ito guys, may pang ice cream na kayo!”  

That Mighty BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon