Chapter 42: Allies

Third Person’s POV

“Kisha! What is fucking happening to you?! You’re making me worry!” sunod-sunod ang pagkatok ni Cross sa pintuan ng banyo kung saan naroon si Kisha at panay ang suka. Hindi maganda ang pakiramdam niya dito. Wag naman sanang mangyari ang iniisip niya. Tiyak na magkakagulo kung tama siya. Nitong mga nakaraang araw pa niyang napapansin ang unti-unting pagbabago kay Kisha at kailangan niyang tiyakin kung tama o mali ang iniisip niya...

“O-Okay lang ako!” rinig niyang sabi nito sa mula sa loob. Maya-maya ay narinig na niya ang pag-flush sa loob at bumukas ang pinto...

“What do you think...is happening to you?” nag-aalangang tanong ni Cross sa kanya. Ngumiti lamang ng bahagya si Kisha pero maya-maya ay may tumulong luha sa mata nito...

“I...I think...i-i’m pregnant” at tuluyan na itong napahagulhol. Wala ng nagawa si Cross kundi ang yakapin si Kisha. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mata habang ikinulong sa kanyang mga bisig ang babaeng mahal niya…pero kahit kelan hindi siya mamahalin kagaya ng pagmamahal niya dito…

Patuloy lamang sa pag-iyak si Kisha. Masakit para sa kanya ang nangyayari ngayon dahil ayaw niyang lumaki ang kanyang magiging anak na hindi buo ang pamilya. Pero masaya siyang may isang buhay sa kanyang sinapupunan, kahit pa wala si Van para alalayan siya, papakatatagan niya ang kanyang loob para sa magiging anak  niya. Iniisip niya kung paano kaya kung nalaman ni Van na buntis siya, maaari kayang bumalik muli ito sa kanya? 

“Please...don’t cry” bulong ni Cross habang pinapakalma siya. Kung may nasasaktan man sa sitwasyong ito, isa na din dito si Cross. Ang tanging babaeng minahal niya noon pa man, nasasaktan dahil sa taong mahal niya. Noon pa lang gusto na niyang mapunta sa puso ni Kisha pero ngayon mas lalo siyang nawalan ng pag-asa. Pero hindi pa rin ‘yun hadlang para sumuko siya. Hindi man masuklian ni Kisha ang pagmamahal niya dito, hindi pa rin siya titigil. Hindi niya pa rin iiwan si Kisha kahit anong mangyari...

“A-Anong gagawin ko?...A-Ayokong...ayokong lumaki siya ng walang kinikilalang ama” basang-basa ang pisngi niya dahil sa luha at mahigpit pa rin siyang nakayakap kay Cross...

“We’ll find a way Kisha. Trust me”

“Pero paano kapag nalaman ni Lolo? Anong gagawin niya sa baby ko? Tatanggapin nya kaya ang nasa sinapupunan ko?” walang kasiguraduhan si Cross sa isasagot niya kay Kisha. Siguradong kapag nalaman ng Supreme Commander na buntis si Kisha at ang ama ay si Van, ipapapatay ng Supreme Commander ang bata sa tiyan ni Kisha o kung mas madali, ipapalaglag ito sa ayaw man o sa gusto ni Kisha at ayaw niyang mangyari ‘yun. Kahit pa anak ito ng bampira, hindi papayag si Cross na kumitil sila ng inosente at alam niyang kapag nangyari iyon ay masasaktan si Kisha...

Bago pa masagot ni Cross ang mga katanungan ni Kisha ay bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Ivan Crone kasama ang limang hunter na nakasuot ng itim at may dalang malalaking armas...

“What do you want?” hinawakan niya ang braso ni Kisha at itinago ito sa kanyang likudan...

Itinaas naman ng limang lalake ang kanilang mga baril at itinutok kay Cross. Ngumisi naman si Ivan at lumapit sa kanila...

“Hihiramin ko lang saglit si Kisha, masama ba?” 

“Anong kailangan mo sa kanya?”

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!