Chapter 5: The Rebel's Punishment

Nagising ako dahil sa kakaibang ingay. Para bang may umiiyak. Who's sobbing? And why is she sobbing? I slowly opened my eyes just to welcome by darkness. Anong oras na ba? Bakit ang dilim?

"Oh my gosh Ariela! You're awake!" I winced at Snow's shriek. Bakit ba siya sumisigaw?

Nilibot ko ang tingin sa mga matang nakapalibot sa akin. They are looking at me with worried questioning eyes. Why are they looking at me like that? Hindi nagtagal pinikit ko ulit ang mga mata ko. Pakiramdam ko kasi umiikot ang paligid.

"Mabuti pa dalhin na natin siya sa Hospital," narinig kong sabi ng isang boses. Familiar at kilala ko ang may ari ng boses na yun but I can't quite put a face.

"Pero paano yan? Mahuhuli tayo sa mga pinaggagagawa natin."

"Mahuhuli talaga tayo kahit anong gawin natin. Sunugin ba naman ang halos kalahati ng Enchanted Forest."

Pagkirinig ng mga salitang yun unti unti kong bumalik sa akin ang mga nangyari. Mabilis akong napaupo at napatingin sa paligid. Nandito na ako sa damuhan sa labas ng gubat. Ligtas na ako!

Pero paano ako nakalabas? Pilit kong inaalala ang mga nangyari sa loob ng gubat. Sumakit ang ulo ko. Para siyang pinupukpok ng isang daang martilyo. Masyadong masakit.

"Dalhin niyo na siya," a deep voice said. Napalingon ako sa pinang galingan ng boses. Nakaupo siya sa gilid at nakasandal sa puno.

He's still dangerous looking kahit hindi ko masyadong makita ang mukha niya. There's still this nervous beating in my chest whenever he's around. Pero parang may nag iba sa kanya ngayon. He's breathing heavily na para bang pagod na pagod siya. Nakita ko ang braso niya. Dumudugo ito. Saan niya nakuha ang mga sugat na yun?

"Paano ka? Kapag nalaman nila sa itaas ito siguradong lagot ka nanaman." That voice. Bakit hindi ko ba naalala. That's the voice of Collin.

"Kailangan mo ding pumunta Jett. You don't look so well," another voice said.

Madami pang boses akong naririnig. And it seems they are speaking all at once. Sumasakit ang ulo ko. Pakiramdam ko napakalayo ng mga boses na naririnig ko. Everything appears like an echo bouncing in my sub conscious mind.

Unti unti kong naramdaman ang muling pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Oh no. I can't sleep. Everything is still unclear. I want answers. Pero mukhang hindi ako pinagbigyan this time. Because few seconds later I feel the command to sleep overpowered me.





















Naalimpungatan ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. I groaned at nagshift ng pwesto sa kama para iwasan ang liwanag.

"Mukhang gising na siya."

"Dali tingnan natin."

"Okay na ba talaga siya?"

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko dahil sa naririnig na ingay. Anong oras na ba? Bakit ang ingay nila? Nakita ko ang tatlong pares ng matang nakatingin sa akin.

"ARIELA! GISING KA NA!" Pakiramdam ko nasakal ako sa biglang pagyakap sa akin ni Snow.

"Snow, hindi ako makahinga," I tried to say. I looked around the room. Teka, nasaan ako?

"Ariela, sobra kaming nagalala sayo," Layla said.

"Grabe, akala talaga namin hindi ka na magigising," Added Lily.

Charm Academy: School of Magic (Published Under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!