CHAPTER: 48 (Responsible For Her)

153K 5.3K 673
                                    

"WHERE are you going, young lady?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WHERE are you going, young lady?"

Bumungad kay Check si Xyro pagkabukas niya ng pintuan ng kanyang kuwarto. Nginitian niya ito ng malaki.

"Mamamasyal lang, Kuya," tugon niya.

"Where?"

"Kasama ko si Pakner at saka si Rue," pag-iiba niya.

"Rue?" taas-kilay na tanong ni Xyro.

"Classmate ko 'yon, Kuya," nakangiti niyang sabi. "Maganda 'yon, saka mahinhin."

"I'm not asking," ani Xyro at saka humalukipkip. "Ang tinatanong ko, eh kung saan kayo pupunta?"

Pumadyak si Check. "Si Kuya naman, eh!" Sumimangot ang kanyang mukha. "Hindi ko pa alam kung saan. Basta mamamasyal kaming tatlo."

"Aalis kayo nang hindi niyo alam kung saan kayo pupunta?"

"Sa mall lang, Kuya," may inis na sagot niya. "Okay na?" nakataas ang dalawang kilay na tanong niya.

Umiling ito. "Nope."

"Why?" english na tanong ni Check.

"Isama mo si Omar," anito na ang tinutukoy ay ang family driver sabay tingin sa suot na relo nito. "Huwag kang magpapagabi."

"Kuya, may dalang kotse si Pakner. Susunduin niya ako ngayon. Hay! Padaanin mo na kasi ako. Baka nag-iintay na 'yon sa kanto."

"Nagsabi ka ba kay Bright na aalis ka ngayon?" tanong nito.

Naigilid ni Check ang kanyang mga mata. "Bakit naman kailangan ko pang sabihin sa kanya?"

"Mag-aalala kasi 'yon." simpleng tugon nito.

"Ay! Kuya, ano 'yon oh?!" Tumuro si Check sa likuran ni Xyro.

Luminga si Xyro sa likuran, iyon ang kinuhang pagkakataon ni Check para makaalis. Halos liparin niya ang pagbaba sa hagdan. Tinalon niya ang natitirang tatlong baitang sa dulo. Paglinga niya kay Xyro ay nakita niyang umiiling-iling ito.

"I love you, Kuya!" Nag-flying kiss siya sabay takbo na ulit para lumabas ng bahay.

Pagdating ni Check sa dulo ng kanilang subdivision ay nakita niya ang saktong pagdating ng kotse ni Jane. Bumaba ang bintana noon at nakita niya ang pagkaway ng dalawa niyang kaibigan sa loob.

Sabik na lumapit siya sa kabubukas lang na pintuan ng backseat. Ang nakangiting si Rue agad ang kanyang nakita. Umurong ito nang sa ganoon ay makapasok siya ng mas mabilis.

"Mabuti pinayagan ka ni Kuya Xyro?" patanong na sambit ni Jane.

"Hinarangan nga ako kanina, eh."

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon