-5-

71K 1.9K 441


NAMIMIGAT ang mga matang nagmulat ako kinabukasan. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kaninang madaling araw dahil hindi din naman ako makapuwesto ng maayos dahil kay Aly at Lean. Dalawang kama na ang pinagdikit namin pero parang kulang na kulang pa sakanilang dalawa iyon. Ilang beses din akong naitulak ni Aly at nalaglag sa kama. Hindi na ako magtataka kung makikita kong may mga pasa ang siko ko at tuhod dahil doon.

"Good morning."

Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko si Kol na nakaupo sa dulo ng kama habang nakatingin sa akin.

"Kol!" napaupo ako at pasimpleng pinunasan ang gilid ng labi ko. Agad ko ring sinipat ang gilid ng mga mata ko.

"Ngayon alam ko na kung bakit..." nakatitig siya sa akin bago umiiling na tumayo. "Huh?" tanong ko sakanya. Hindi ko maiwasang mapahikab. Inaantok pa din ako.

"Aly told us you're still sleeping. Puyat na puyat ka ata. Papasa ka ng panda sa eye bags mo..." sabi nito bago naglakad papalabas ng kwarto namin. "Umakyat lang ako para gisingin ka. It's almost 11 am..."

"What?" nanlaki ang mga mata ko bago inabot ang cellphone ko na nasa may gilid lang ng kama na naroon.

11:13 am.

"Shit..." mahinang sabi ko bago ibinalik ang phone ko sa pinaglalagyan at muling humiga. Nilingon ko si Kol na nakatingin lang sa akin. "Bakit hindi niyo ako ginising?" tanong ko sakanya.

Nagkibit-balikat lang siya bago lumabas ng kwarto.

Itinakip ko sa mata ko at nagbilang ng hanggang sampu bago bumangon na. Kumuha ako ng damit sa gamit ko nang mapansin ko ang isang bagong bag na naroon. Mukhang narito na sila Ate Caryl.

Nagpunta nalang ako sa banyo at naligo. Siguro'y mas tama na sabihin kay Jahann at Enzo mamaya na huwag ng painumin ang dalawa. Hindi naman sila ang hindi nakakatulog ng maayos, eh. Nagtu-toothbrush na ako nang mapatingin ako sa sarili ko.

Wala sa loob na hinawakan ko ang noo ko.

Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa ang labi niya sa noo ko.

That's weird.

Sa mga nababasa kong kwento, mas tamang maramdaman ang labi ng lalaki kung sa labi ka din niya hinalikan. Normal bang kahit sa noo lang ako hinalikan ni Ian, hindi mawala sa isip ko ang pangyayaring iyon.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Umiling-iling nalang ako para mawala ang iniisip ko. Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko at lumabas na din sa kwarto namin.

Nakarinig ako ng ingay sa may living room ng bahay na naroon kaya naman doon na ako dumiretso. Naabutan kong naroon si Theon, Keij, Aly, Lean, Ate Caryl, Kuya Kiro at Kol.

"Good morning," bati ko sakanila. Naglingunan naman sila sa akin.

"Oh, buti gising ka na?" sabi ni Keij sa akin. "Akala namin, matutulog ka na maghapon, eh..." dagdag pa nito. Umupo ako sa tabi niya at inirapan siya.

"Papapasukin ko na sana si Ian sa kwarto natin para halikan ka, eh..." natatawa namang sabi ni Aly sa akin.

"Baliw ka talaga," sabi ko sakanya. "Nasaan pala si Jahann at Enzo?" tanong ko sakanila. Hindi ko sila nakitang kasama nila dito sa living room.

"Cooking," si Ate Caryl ang sumagot sa akin. Tumango-tango nalang ako. Maya-maya'y lumabas si Jahann sa kusina na may dalang isang mug na umuusok pa. Dumiretso siya sa akin at inabot ang hawak niya.

"Are you okay?" tanong niya sa akin. Agad naman akong tumango at nagpasalamat sakanya. Ginulo niya ang buhok ko kaya agad ko namang iniwas ang ulo ko sakanya. "Jahann..." saway ko dito. Ngumiti lang siya sa akin.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!