"Baka kulangin, maganda na 'yung may sobra..." sabi ni Theon bago inabot sa akin ang maliit na basket na naroon. "Mahirap pa naman kayong gutumin, tinotopak kayo, eh..." dagdag pa nito bago kumindat sa akin.

"Hindi mo kinagwapo, Theon," inirapan ko siya bago ko kinuha ang maliit na basket at nag-isip ng kukunin na chips doon.

"Tsaka sabi ni Dad sa akin, dapat ang babae, pinapakain talaga. Pero mas madalas talaga, babae ang kinakain at—"

"Fuck off, Keij," agad na hinawakan ni Jahann ang braso ko. Nilingon ko naman siya at wala akong mabasang ekspresyon sa mukha niya. Hindi naman nagsalita pa si Keij. Natatawa lang ito na tila inaasar pa si Jahann. "Come with me," hinila ni Jahann ang kamay ko at dinala ako papunta sa pwesto ng ice cream doon sa may store.

Ganoon pa rin ang ekspresyon ng mukha ni Jahann katulad kanina. Wala akong mabasang kahit na ano. Huminga ako ng malalim bago kumuha ng ice cream doon.

"Can you smile for me?" tanong ko sakanya nang hindi siya nililingon. Kaninang umaga ko pa napapansin na masyado siyang seryoso. Hindi ko alam kung may problema din ba siya o ano.

"What?" nagbaba siya ng tingin sa akin.

"I'm asking you, can you smile for me?" nag-angat ako ng tingin sakanya. Hindi naman siya nagsalita. I filled my lungs with air before I smiled. "I don't know what your problem is, pero I'm just here..."

Nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsasalita.

"Tara na?" aya ko nalang sakanya. "Kukuha pa daw ng chips, eh..." Ibinigay ko sakanya ang kinuha kong ice cream bago nagpunta sa pwesto ng mga chips. Si Jahann na din ang nagdala ng basket na pinaglalagyan namin ng pinipili kong pagkain.

"Wait here..." sabi ni Jahann sa akin bago biglang lumayo dala-dala ang mga chips na kinuha ko na. Napakunot nalang ang noo ko at muling ibinalik ang atensyon sa pamimili ng chocolates dahil favorite iyon ni Aly.

Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Jahann. Hindi na niya dala ang mga kinuha namin kanina. "Nasan na?" tanong ko sakanya habang hawak-hawak ang mga chocolates na pinili ko.

"Akin na 'yan," sabi nalang niya bago kinuha ang mga hawak ko at naglakad na papunta sa may cashier. Naroon na sila Theon at Keij. Si Kol naman ay nakita kong nasa labas na at nakasandal sa may sasakyan.

"Miss, hanggang anong oras kayo bukas?" tanong ni Theon sa babaeng naroon na namumula na ang pisngi. Hindi ko mapigilang mapailing at mapaismid.

"Baka kasi bumalik kami, pwede pa ba?" ngumiti pa si Theon sa babae.

"Add these..." sa likod ako ni Theon pumuwesto para naman marinig niya talaga ako. Nilingon naman niya ako at sinimangutan.

"Kanino 'tong isang tub ng caramel ice cream?" tanong ni Keij habang nakatingin doon. "Sa'yo 'to, Cherinna?" tanong niya sa akin sabay pakita ng ice cream tub na caramel flavor nga.

"Hindi naman ako kumuha niyan, ah?" sagot ko kay Keij bago lumingon kay Jahann. Hindi naman siya nakatingin sa akin at hindi din nagsasalita.

"Oh, Theon bayaran mo na..." sabi ni Keij kay Theon nang matapos na ang cashier.

"Tangina mo, bakit ako?" tanong naman ni Theon kay Keij. "Hindi ko dinala 'yung wallet ko..."

"Ba't 'di mo dinala, gago ka ba?" nakakunot ang noo na tanong ni Keij dito. Sabay silang lumingon sa akin.

"Can I pay using card?" napatingin kami kay Jahann na inilabas na ang wallet nito.

Natulala din ang babae habang nakatingin kay Jahann.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!