-4-

69.9K 2K 383


"SINO palang maiiwan kasama nung dalawang baliw?" tanong ni Theon nang palabas na kami ng bahay. Nagtutulakan silang dalawa ni Keij dahil nagpapaunahan sila sa sasakyan dahil ang mauuna daw ang magmamaneho. Kasunod ko si Kol na naglalakad at nasa gilid ko si Jahann.

"Si Enzo. Hindi mo naman maaaya 'yun, eh..." natatawang sabi ni Keij bago itinulak si Theon at tumakbo papunta sa sasakyan nito. "I won," pang-aasar pa nito kay Theon bago inilahad ang kamay para hingiin ang susi ng sasakyan.

"Tangina mo," iiling-iling na kinuha ni Theon ang susi mula sa bulsa nito at inabot kay Keij na mahina niyang sinuntok. Iiling-iling naman na binuksan ni Kol ang pinto at pinapasok ako. Si Jahann ay sa kabilang pinto pumasok. Nasa harap naman si Theon at si Keij ang magmamaneho.

"Sa susunod, huwag niyo na uutusan si Enzo na bumili ng alak, ha?" sabi ni Theon sa amin. Kumunot naman ang noo ko. Wala naman kaming alam sa pag-uutos nila kay Enzo.

"Tangina 'non, 'yung libro niya di niya nakalimutan, yung alak, ni isa, walang dala..." sabi naman ni Keij habang nagmamaneho ito.

"Kapag kinasal 'yun, 'yung bride niya librarian..." natatawang sabi naman ni Theon. Silang dalawa lang ni Keij ang tumatawa. Masyadong seryoso sa buhay ang dalawang katabi ko para tawanan ang biro na binitiwan ni Theon.

Nakatingin lang sa labas si Jahann habang nakasandal at nakapikit naman si Kol sa gilid ko. Sumandal nalang din ako at tumingin sa daan na tinatahak namin. Lagi nilang sinasabi na mahirap intindihin ang mga babae, mas mahirap naman intindihin ang mga lalaki kung tutuusin. Hindi sila nagsasabi kaya naman, hindi din naman malalaman ng babae kung ano ang nasa isip nila, hindi tulad sa babae na madali mo namang malalaman kung ano ang iniisip o nararamdaman.

"Cherinna, pwede naman na kayong uminom nila Aly, dib—"

"Don't try, Theon. Hindi sila iinom," agad na pintol ni Jahann ang sinasabi ni Theon. Nilingon naman ito ni Keij. "Huwag kang KJ, Jahann. Umiinom naman si Aly, eh..." sabi nito bago muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

"Hindi sila iinom, Keij. That's final," malamig na sabi ni Jahann bago niya ako nilingon. Wala naman siyang ibang sinabi sa akin dahil agad niya ding iniwas ang tingin sa akin. Panay pa din naman ang asaran ng dalawang nasa harap hanggang sa makarating na kami sa may convenience store. Nagbabaan na kami nang maipark ni Keij ang sasakyan.

"Ilang alak ba bibilhin natin?" tanong ni Theon sa amin.

"Just enough for us. Puro lalaki lang naman ang iinom, eh..." sagot ni Kol dito na nagtitingin-tingin sa mga naroon.

"Tayo naman ang kasama ng mga babae, bakit ba natatakot kayong painumin sila?" tanong ni Keij sa kakambal nito.

"I already said it, Keij. Hindi sila iinom," seryosong sabi ni Kol.

Wala namang kaso sa akin kung pagbabawalan akong uminom. Hindi naman talaga ako umiinom ng alak. Hindi din naman pinagbabawalan si Aly nila Daddy, may tiwala sila dito, isa pa ay kasama naman namin si Jahann. Si Lean at Ate Caryl ay ganon din naman dahil minsan, sa Blue's Haven kami nananatili kapag walang klase at gusto namin na magsama-sama. Sabi kasi ni Keij, kailangan ni Enzo ng maraming tao sa paligid nito.

Walang tao sa store na iyon maliban sa amin at sa dalawang cashier na tila naestatwa na sa mga kasama ko. Nakatingin lang sila sa mga pinsan ko at kapatid ko. Napailing nalang ako. Kung makikilala naman nila ng husto ang mga 'yan, hindi sila matutulala ng ganyan. Baka nga magsawa pa ang mga ito na sila ng sila nalang ang laging kasama.

"Cherinna, kuha ka ng chips para sa mga inyo nila Aly. Kami na ni Theon kukuha ng drinks na pandagdag..." ani Keij sa akin. "Diba, may dala na kayong pagkain? Kulang pa ba 'yon?" tanong ko sakanila. Ang alam ko kasi ay namili naman na sila bago pa man kami bumiyahe. Si Jahann at Enzo pa nga ang inatasan nila na magluluto ng pagkain namin.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!