"Mama!!" Sigaw ko! Napapitlag si Mama at kaagad na lumapit saakin para yakapin ako! "Makasigaw ka naman anak parang isang taon kang nawala ah?" Natatawang sabi saakin ni Mama, mas niyakap ko siya ng mahigpit namiss ko talaga si Mama!! "Mama, namiss talaga kita! Namiss ko na din yung luto mo Ma, puro Chinese food ang pagkain namin dun, ay Ma may pasalubong ako sayo!" Hinila ko siya paupo sa sofa at binuksan ko ang maleta ko saka kinuha ko ang mga damit na binili ko para sakanya.


"Ang dami naman nito anak, baka naman inubos mo na ang pera mo dun." Suway saakin ni Mama, "Ma, mura lang ang damit sa China kaya okay lang yan. Ang ganda bagay na bagay sayo Ma." Nakakatuwa makitang may naibili ako kay Mama dahil sa pagtatrabaho ko. Pero bigla siyang naging seryoso at tinignan akong mabuti. "May kasalanan ka saakin anak." Ramdam kong medyo may galit sa tono ng pananalita ni Mama, kumunot ang noo ko.


"H'wag mo akong kunutan ng noo Marie, hindi mo nanaman dinala yung gamot mo." Suway niya saakin saka binato ako ng damit na binili ko sakanya, bigla akong natawa ng malakas! "Ma! Wala na akong sakit ano ka ba naman! Wala ng butas ang puso ko!" Sigaw ko habang tumatawa sakanya, pero ang sama pa rin ng tingin saakin ni Mama. "Tigil tigilan mo yang pagtawa mo saakin Marie, anong sinabi ng Doctor? Tuloy ang pag inom ng gamot!" Galit na sigaw niya saakin, nakakatuwa talaga si Mama tuwing nagagalit saakin. Matagal ko ng itinigil ang pag inom ng gamot ko, hello? Ang lakas lakas ko kaya, saka isa pa masama naman yung sinasanay ko ang sarili ko sa mga gamot. Niyakap ko si Mama at hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya.


"Ma..magaling na ako. Saka tignan mo nga mag tu-twenty five years na akong buhay! Ano pa bang ikinatatakot mo?" Sabi ko sakanya at mas hinigpitan ko ang yakap ko sakanya. "Ang ikinatatakot ko lang baka bigla ka nalang matumba diyan sa kalsada! Bumisita ka na ba sa Doctor mo?!" Suway niya ulit saakin, napalunok ako sa tanong ni Mama. Yun ang hindi ko ginagawa, ayoko na kasing mag-konsulta sa Doctor ko. "O.oo naman Ma!" Pagsisinungaling ko saka hinalikan ko ang pisngi niya. Humiwalay saakin si Mama at tinitigan ako sa mukha. "Alagaan mo naman ang sarili mo, puro ka trabaho. May ipon naman ako anak mula sa dati kong trabaho, hindi mo na ako kailangan bigyan ng bigyan." Seryosong sabi niya, ngumuso ako. "Ma naman!" Hiyaw ko sakanya, nakakapagtampo lang bakit kasi hindi nalang siya maging masaya na ginagawa ko ito para saaming dalawa. "Osige na, ipagluluto kita ng tanghalian." Tumayo na si Mama, pero may itatanong nga pala ako sakanya. "Ah..Ma, n-nagpunta po ba si Drake dito?" Tanong ko sakanya, humarap siya saakin. "Hindi anak. Bakit?" Parang may kung ano akong naramdaman sa puso ko, "W-wala po Ma."


Kinabukasan maaga akong umalis sa bahay dahil tinawagan ako ni Tom Andres pupuntahan nanamin kakausapin yung isa sa pinakasikat na artista ngayon, para maging commercial model namin. Pagkarating na pagkarating ko sa company namin sinalubong kaagad ako ng ilang kaopisina ko, syempre hindi pa din nawawala yung mga tingin nilang tumutusok sa katauhan ko. Don't mind them Marie, wala kang ginagawang masama sakanila.


"Girl!! May malaking problema tayo!!" Sigaw saakin ni Mateo pagkakitang pagkakita niya saakin, "Ang ganda ng salubong mo saakin ha?!" Hiyaw ko sakanya, pero hindi niya ako pinansin, hinila na niya ako papasok ng elevator at pinindot niya ang floor ng office ni Mr.Go!


Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ang daming nagkalat na employees, mga tsismosa lang?! Pero napatigil ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Tom Andres. "You can't do that old man!! Hindi ako papayag!!" Galit na galit ang boses niya at para bang balisang balisa na siya! "Girl kanina pa nag aaway ang mag ama na yan. Pinatawag siya ni Mr.Go para makilala niya ang bagong investor ng company natin." Bulong saakin ni Mateo, lumapit pa kami sa may pintuan para mas marinig namin ang usapan, nakakaloka parang tsismosa na rin kami. Nakakapagtaka lang bakit kailangan ng bagong investor?

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!