Kabanata 30

166K 2.3K 238

Dedicated kay @ganymede22 basahin niyo yung comment niya :) >>> "Every person has a unique personality on their own ways,Marie had also.inspite of all the things that she'd gone through,she still manage to deal with it in her own special way.. And only few people knew it,because other people judge her already w/o knowing her real story.." -- Nakakatuwa lang na mabasa yan, dahil gustong gusto ko talagang ipagtanggol si Marie dun sa nanghuhusga sakanya dito sa story LOL. Ang weird ko :D .

Salamat po sa lahat ng nagcocomments at nagvovotes. <3 <3 :">




Kabanata 30


"How I missed the air!!" Hiyaw ni Mateo pagkalabas na pagkalabas namin ng airport, binatukan ko siya at tinignan ng masama! "Hoy! How I missed the air ka diyan, wala bang hangin sa China?" Natatawang tanong ko sakanya, inakbayan naman niya ako. "Hindi naman teh, pero kasi nakakasawa ang hangin sa China. Feeling ko tuloy amoy intsik na rin ako." Reklamo niya, napailing nalang ako sakanya.

Hinihintay nanamin ang kotse ni Tom Andres, naka park kasi yon dito sa airport. Inilibot ko ang paningin ko at naalala ko siya, malapit na ulit kami sa isa't isa. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing maiisip kong makikita ko na ulit siya, kumusta na kaya siya? Galit kaya siya saakin? Haay, natural galit saakin yon.. Kitang kita naman ng dalawang mata ko kung paano siya nasaktan sa ginawa ko, hinawakan ko ang pendant ng kwintas ko. "Please Drake, come back to me." Bulong ko sa sarili ko, kung dati natatakot akong masaktan, ngayon natatakot ako dahil baka wala na akong balikan.


"Tara na teh." Untag saakin ni Mateo pagkatigil na pagkatigil ng kotse ni Tom Andres sa harapan namin, sumakay na kaming dalawa ni Mateo sa back seat, lumingon ulit ako sa airport at natigilan ako nang makita ko siya sa labas. "M-Mateo! Si Drake yun diba?" Kinakabahan na sabi ko kay bakla habang kinukuhit kuhit ko pa siya. "Nasaan?" Pagtataka niya, pero bigla nang umandar ang sasakyan ni Tom Andres, halos mabali na ang leeg ko sa kakaabot ng tingin sa kinatatayuan niya kanina pero wala naman siya doon. "Tsk, wala naman teh. Baka namamalik mata ka lang." Paninigurado niya saakin, namamalik mata lang ba ako? Ganito ko na ba siya kamiss? Nag ha-hallucinate na ako. "Tsaka bakit naman siya mapupunta dito sa airport?" Natatawang tanong saakin ni Mateo, umiling iling pa siya at kinurot ako sa tagiliran.



"Ihahatid muna kita sa condo mo Marie." Biglang nagsalita si Tom Andres na nagmamaneho. "Ah, hindi pwede sa bahay nalang namin ni Mama? Miss na miss ko na kasi siya." Pakiusap ko sakanya, tumango naman siya bilang sagot, titig na titig siya saakin sa rear mirror kaya nag iwas ako ng tingin sakanya.


Pagkatapos kasi ng pag uusap namin nung birthday ni baby Ria, nakaramdam ako ng pagkailang sakanya.


"Ah, sige dito nalang. Bye Mateo." Paalam ko sakanila nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin, bumaba na ako at pumunta sa compartment para kuhanin yung bagahe ko, pero biglang bumaba si Tom Andres at siya na ang kumuha nito, "Thanks." Sabi ko sakanya saka hinila ko na ang maleta ko, pero natigilan ulit ako nang hawakan niya ang kamay ko.



"Marie..tungkol sa nasabi ko--" Kaagad ko siyang pinutol. "Let's just forget about it Tom Andres." Sabi ko sakanya, huminga siya ng malalim at pinagtagpo niya ang mata naming dalawa, ngumiti siya ng marahan. "Ah yeah, kalimutan nanatin yon." Mapaklang sabi niya, tumango tango ako at tumalikod na, "But I'm serious Marie. Goodbye." Napakagat ako sa ibabang labi ko at binilisan ko na ang pagpasok ko sa bahay.


Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!