-3-

86.3K 2K 268



"GOOD morning!" masiglang bati sa akin ni Aly nang buksan niya ang pinto ng kwarto ko. Napalingon naman ako sakanya habang nagsusuklay. "Ang aga mo naman ata?" tanong ko sakanya bago kinuha ang relo na nasa may lamesa sa tabi ng kama ko at isinuot iyon. It's just 7 am. Ganitong oras ay tulog pa si Aly kaya nakakapagtaka na gising na ito at nakapag-ayos na din.

"Aalis kasi tayo mamaya kaya maaga akong nagising," ngumisi ito bago umupo sa may kama ko at niyakap ang purple na stuffed toy na naroon. Kung panay purple ang gamit ko, ang kay Aly naman ay karamihan ay pula.

Tumango lang ako sakanya bago kinuha ang gamit ko. Kagabi pa naman namin naayos ang gamit na dadalhin namin. Nasa sasakyan na din iyon ni Jahann kaya wala na kaming poproblemahin pa.

"May shoot ka ngayon, diba?" tanong ko sakanya nang lumabas na kami sa kwarto ko. Tumango naman siya sa akin. Kung minsan ay nagmomodel si Aly sa Ai's. Noong isang araw lang siya naabisuhan tungkol sa photo shoot at wala namang problema iyon dahil isang subject lang si Aly kapag Friday.

"Good morning to my super beautiful mom!" masayang bati ni Aly kay Mommy nang nagpunta kami sa dining room. Nakaupo na si Daddy at si Jahann. Natawa naman ako kay Aly. Halata talaga ang kakambal ko kapag may kailangan.

"Hi, Dad. Ang gwapo mo lalo today!" ngumisi ito habang nakatingin kay Daddy.

"I already said yes, Alyanna. Hindi mo ako kailangang utuin," sagot ni Daddy dito. Napangiti lang ako. Si Mommy naman ay tinapik ang balikat ni Daddy. "Ang aga-aga, masungit ka na agad, Love."

"Hindi naman, ah?" sagot ni Daddy kay Mommy.

"Titigan mo nalang ako para hindi ka magsusungit diyan," matamis na ngumiti si Mommy kay Daddy. Nakatingin lang ako sakanilang dalawa. Natutuwa talaga ako kapag ganyan si Mommy. Kitang-kita na masaya siya kay Daddy.

"Ikaw lang naman ang nakikita ko," sagot naman ni Daddy kay Mommy.

"Dad, Mom..." saway ni Jahann sa dalawa. Natawa naman si Aly. "Tigil na daw kayo sabi ni Jahann. Wala kasi siyang lovelife..." pang-aasar ni Aly kay Jahann.

"Shut up," malamig na sabi ni Jahann dito. Ni hindi nito nilingon si Aly.

"Buti pa si Cherinna. Araw-araw nakikita ang future niya..."

Napatingin ako kay Aly na naglalagay ng pagkain sa plato nito. "Aly!" saway ko sakanya. Kung ano-ano na naman kasi ang sinasabi. Simula noong Martes, ganyan na si Aly. Lagi nalang akong inaasar kay Ian. Nung Wednesday, sinamahan niya pa ako sa classroom ko para lang makita si Ian.

"May boyfriend ka na, Cherinna?" diretsong tanong ni Daddy sa akin. Napatingin naman ako sakanya. Agad akong umiling. "Wala, Daddy. Baliw lang 'tong si Aly, eh. Classmate ko lang 'yun..." pagpapaliwanag ko dito.

"Cherinna, it's okay with us kung magboboyfriend ka na. Kayo ni Alyanna. It's part of growing up..." nakangiti si Mommy sa amin ng kakambal ko nang sabihin niya iyon. Naramdaman ko ang mahinang pagsipa ni Aly sa paa ko sa ilalim ng mesa. Tinignan ko naman siya at pinanlakihan ng mga mata.

"Mom—"

"Love, they're still young for that," naputol ng sinabi ni Daddy ang sasabihin sana ni Jahann. Huminga ng malalim si Daddy bago tumingin sa amin ni Aly. "Fall in love when you're ready, okay?" sabi niya sa amin bago lumingon kay Jahann. "And you should take care of them, Jahann..." tinapik nito ang balikat ni Jahann. Tumango naman ang kapatid ko bago lumingon sa akin. Ngumiti nalang ako sakanya.

Nag-aayos na ako ng gamit ko para sa pagpasok nang lumapit si Aly sa akin. "Sa Ai's na ako didiretso..." sabi ni Aly sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Ang alam ko ay may klase pa siya ngayon. "Cancelled ang class namin," ipinakita pa nito ang nareceive na text message sa akin.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!