-2-

89.5K 2.2K 400

Wag kayo matakot magcomment. Haha. 


--


"ANO ba 'yang phone mo, kanina pa nagba-vibrate 'yan..." tinignan ako ni Aly habang nakaupo kami sa may labas ng SD. Kasama namin sa table namin si Ate Caryl at Lean. Nasa kabilang table naman ang mga pinsan ko at si Kuya Kiro at Enzo. Sumunod lang sila Ate Caryl sa SD. Ang alam ko, nagsstart na sila para sa OJT nila.

"May nagtetext lang. Baka 'yung mga kaklase ko lang na nagtatanong..." pagdadahilan ko. Tinanggal ko nalang ang pagbavibrate ng phone ko. Hindi ko naman pwedeng patayin iyon dahil baka tumawag si Mommy sa akin.

Bakit ba kasi ang kulit naman nitong si Ian? Nakakasampung text na ata siya. Ang laman, puro pangalan ko lang naman.

"Caryl..." untag ni Lean sa katabi nito. Napahinto si Ate Caryl sa pagsubo ng cake nito. "Ano 'yon?" tanong naman niya dito. Ibinaba na muna niya ang kutsara at tinignan si Lean.

"Sa network ka nila Tito Kerko nag-oOJT, diba?" hinawakan nito ang kamay ni Ate Caryl. Tumango naman ito sakanya. Ang alam ko, kinausap ni Tita Steph si Daddy para payagan si Ate Caryl na doon nalang mag-OJT. Mas mapapanatag daw kasi ang loob nito kung doon papasok si Ate Caryl kaysa sa iba pa.

"So nakikita mo si Kevyn?" tanong ni Lean na halatang kinikilig.

"Kevyn Ajesta?" singit naman ni Aly.

"You know him?" malakas na sabi ni Lean kaya naman naglingunan sa amin ang mga lalaki.

Tumingin lang ako kay Aly. Tumango naman siya kay Lean. Agad na lumipat si Lean sa tabi ni Aly.

"Sino ba 'yun?" tanong ko kay Aly.

"Duh, Cherinna. Kevyn's one of the hottest male celebrity now! Hindi mo siya kilala? Pag-aari niyo pa man din 'yung network na may hawak sakanya..." Lean rolled her eyes.

Kapag sikat, kailangan kilala ko? Si Drew Taggart lang naman ang nakikita kong gwapo.

Hindi nalang ako nagsalita at kumuha nalang ako sa cake na nasa harap ko. I'll ask Tita Steph for the recipe later. Sa aming dalawa ni Aly, siya ang nakamana ng hindi kagalingan sa pagluluto ni Mommy. Si Jahann ang marunong magluto sa amin, mas forte ko naman ang baking.

"He's looking at you..." sabi ko kay Ate Caryl. Kumunot naman ang noo niya sa akin. Itinuro ko si Kuya Kiro na katabi ni Enzo. Nilingon ni Ate Caryl si Kuya Kiro kaya ngumiti ito.

"He's courting you na?" tanong ko sakanya. Umiling naman siya sa akin. Sobrang obvious na may gusto si Kuya Kiro kay Ate Caryl. Actually, parang lahat naman kami, ang tingin ay bagay silang dalawa. Childhood sweetheart nila ang isa't-isa. That made them match made in heaven. At siguradong walang problema sa mga magulang nila dahil magkaibigan naman ang parents nila.

"Wala ka bang gusto kay Kuya Kiro?" tanong ko sakanya. Tinignan naman ako ni Ate Caryl bago siya ngumiti. Busy'ng busy magkwentuhan si Aly at si Lean tungkol doon sa sinasabi nilang Kevyn na 'yon. Wala talaga akong idea kung sino ba 'yun.

"So... how's your first day?" tanong ni Tita Cristine sa amin nang lumabas siya. May bitbit na naman siyang isang buong cake.

"Tita, baka naman tumaba na kami ng husto niyan..." natatawang sabi ni Ate Caryl nang ilapag ni Tita Cristine ang cake sa may lamesa namin.

"Caryl, kahit naman tumaba ka na, alam kong magugustuhan ka pa din ni Kiro..." malawak itong ngumisi.

"Boto ka talaga kay Caryl, Tita, no?" sabi naman ni Lean na kumukuha ng icing ng cake.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!