-1-

130K 2.6K 314

#PlayedByFate


--

"ALY, tapos ka na ba?" kumatok akong muli sa kwarto ni Aly bago naglakad papunta sa kwarto ni Jahann. Bakit ba naman kasi ang tagal kumilos ng kakambal ko? Kinailangan ko pa siyang balikan ng tatlong beses para lang gisingin siya.

"Jahann..." kumatok ako sa kwarto niya. Kumunot ang ulo ko. Normally, kapag kumatok ako sa kwarto niya, sumasagot na agad siya. Huminga ako ng malalim bago muling kumatok.

"Jahann..." mas nilakasan ko din ang boses ko. Baka mamaya, may suot na namang earphone si Jahann kaya hindi niya ako naririnig. Wala pa din akong narinig na response.

"Jahann—"

"What?"

Halos mapatalon ako nang magsalita siya sa likod ko. Nakasuot siya ng blue na shirt na pinatungan niya ng itim na jacket.

"Gising ka na?" tanong ko sakanya. Ilang araw na din kasing late siyang nagigising dahil na rin sa trabaho niya sa Ai's. Pero dahil magsisimula na ang second sem, hindi na siya pinapapunta masyado ni Tito Dale sa Ai's.

"Mukha ba akong tulog sa paningin mo?" nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. Hindi ko mapigilang mapabuga ng hangin.

"Remind me to remind you not to talk to Daddy first thing in the morning, okay? Nahahawa ka sa pagiging masungit 'non, eh..." sumandal ako sa pader habang nakatingin kay Jahann.

"Hindi naman masungit si Dad, ah?" sabi niya sa akin. Binuksan niya ang pinto ng kwarto niya kaya naman sumunod ako papasok sa loob.

"Based on Mommy's story, he's the snobbest person ever." Umupo ako sa may kama niya at tinignan ang mga pictures na naroon. Napasimangot ako.

"Also, remind me to tell Keij and Theon not to come closer to you anymore..." inangat ko ang mga pictures na naroon. Puro babae.

"Tss. Pinapapili ako ni Tito Dale ng gagawing model ng product nung client. Wala akong gusto sa mga 'yan," sabi niya sa akin bago inagaw ang mga pictures sa kamay ko.

"There's nothing wrong if you like someone. Just make sure she will take care of you, okay?" tumayo na ako at tinapik ang balikat niya. "Babalikan ko lang si Aly. Hindi pa ata tapos mag-ayos, eh..." ngumiti ako sakanya bago lumabas ng kwarto niya. Dumiretso naman ako sa kwarto ng kakambal ko. Magkakatabi ang kwarto naming tatlo. Kay Jahann ang nasa pinaka-dulo, sunod ang sa akin at ang kay Aly. Aly and I used to share room before, pero si Mommy na din ang nagsuggest na magbukod na kami ng kwarto na dalawa.

"Aly..." tawag kong muli sa kakambal ko. "I'll just ask Dad to come up, okay?" sabi ko sakanya.

"I'm awake!" malakas na sabi niya sa akin mula sa kwarto niya. Hindi ko mapigilang matawa. Kung meron man kaming ayaw na dalawa, iyon ay kapag si Daddy na ang gigising sa amin. Naranasan na ni Aly na mawalan ng isang linggong allowance dahil si Daddy ang gumising sakanya. And Aly hates that week.

Bumaba na ako para magpunta sa dining room. Maaga pa naman kaya alam kong hindi kami malelate sa klase. Isa pa, unang araw pa lang naman ng klase, gaya ng laging sinasabi ni Aly, kung tamad ang mga estudyante sa pagpasok sa unang araw, ano pa ang mga professors?

"Love, don't forget our date on Saturday, okay?"

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Mommy.

"Mikaela, paano ko makakalimutan 'yon kung lagi mo namang nireremind sa akin? Naglagay ka pa ng reminder sa phone ko, diba? You even asked Dale to remind me..." sagot naman ni Daddy.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!