Chapter 1

2.8K 36 1

Ayanna's POV

"Eh pano kaya kung mag ibang bansa na lang tayo?" Suggest ni Leanne, tigignan namin siya. Uhm, no.

"Sa resthouse na lang kaya namin sa Palawan?" Singit naman ni Chello, sounds good.

Right now, pinag-uusapan namin kung saan kami magsta-stay for vacation. Kaka-graduate lang namin last week, so napag-usapan namin na lumayo-layo muna. Like you know, get away vacation.

"Agree ba kayo dun, guys? Tinignan nila ako, tumango sila.

"So okay na ha? Sa resthouse nila Chello sa Palawan." I smiled, naghiyawan sila.

"Okay okay, i'm so excited! Kailangan ko nang ayusin yung mga gamit ko. Kaya mauna na ako, bye guys!" Masiglang sabi ni Alex, habang nagsisitalon.

"Uy! Sa next 3 days pa naman tayo aalis." Tawang-tawa kong sabi, namamadali kasi siya, akala mo may humahabol sakanya.

"Ano kaba Ayanna, syempre mamimili pa ako ng swimsuits." She rolled her eyes at me, tinawanan ko lang siya.

"Oo nga Ayanna, mauna na rin kami. Hinahanap na ako ni Dad." Tumango na lang ako kay Leanne. Ako nanaman maiiwan dito sa bahay.

Hayst buhay.

"Bye Ayanna!" Sabi nila bago pa man sila tuluyang umalis sa bahay.

Anyways, ako nga pala si Ayanna, Ayanna Sandoval.
At yung mga kasama ko kanina? Mga kaibigan ko yun, si Alex, si Leanne at si Chello.

Mas mabuti pa, mag-grocery na lang ako kaysa magmukmok dito sa bahay habang sina Chello ay masayang nagsho-shopping.

Mamimili na rin ako ng mga pagkain namin para sa vacation namin. Oh well, wala na akong choice.

Nagpalit ng ako ng damit at nag-drive papuntang grocery store.

- Grocery Store -

Pringles..
Coke..
Root beer..
Lays..
Doritos..
Cheetos..

At marami pang iba, konti lang ang bibilhin ko, incase lang na magutom kami during ng byahe.

Naglakad-lakad pa ako ng konti dito sa loob,

"Aray!" Sigaw ko, natumba ako at buti na lang nasupport agad ng kamay ko yung katawan ko, kung hindi, bagok na ang ulo ko.

Sino ba kasi 'tong tarantadong 'to?! Hindi ba niya nakita na may tao sa harapan niya?!

Binangga ba naman yung cart ko? Such an asshole.

"Ay nako,sorry miss. Di ko sinasadya." Sabi niya, habang in-extend niya yung kamay niya para tulungan ako.

"No its okay, i can handle myself." I gritted my teeth. Hindi daw sinasadya, sus.

"No you're not okay, halika tulungan na kita." Hinawakan niya yung bewang ko tapos tinulungan ako. Tinapik ko kamay niya sa bewang ko, chansing yun ah.

"I said i'm okay." Sabi ko, i looked up to see his face.

Holy guacamole! Shet ang gwapo pala.

"Miss? Okay ka lang talaga?" Worried expression covered his face.

"Ah yeah. I'm ok-okay." Ayanna, ano bang ginagawa mo? Dapat kanina mo pa pinagsisigaw yan eh.

"Sorry ah,nagmamadali kasi ako eh." Sabi nya

"By the way,my name is Vince." He smiled, yung smile na nakakapanlaglag panty. Inextend niya yung kamay niya para makipag-shakehands.

"Ayanna." I smiled back, tapos nakipag-shakehands sakanya.

"Sige mauna na ako.Sorry talaga ha." I nodded my head. Okay ka lang dun Ayanna?! Tapos,tuluyan na siyang umalis.

Nagpunta na ako cashier para bayaran yung mga pinamili ko. Buong oras nakangiti ako.

Ano bang nangyayare sakin?

Ni hindi ko nga kilala yung lalakeng yun eh. Hindi naman ako ganito ah.

Hayst Ayanna, get yourself together. Hindi mo kilala yung lalakeng yun.

"Ma'am?"

"Yes?" Sagot ko

"1,716 pesos po." She rolled her eyes at me. Oh wow.

Agad kong kinuha yung wallet ko sa bag ko.At naglabas ng pera.

I got all my groceries now, nagpunta na ako sa parking lot.

Vince.

I smiled at the thought of his name. Whats happening to me?

You AgainBasahin ang storyang ito ng LIBRE!