Chapter 18

13.8K 164 9
                                    

Chapter 18
Fixed Marriage




Arianne Shawna's POV:



Ang mga sumunod na nagdaang araw ay naging normal naman para sakin. Same routine bahay-work lang ako. Every weekends lang kami lumalabas ng mga friends ko kasi dun lang din ako pinapayagan lumabas ng Lolo at Kuya ko. Sometimes I feel like a kid because of their over protectiveness.


Hindi din nagpaparamdam si Brett simula nung gabing hindi niya ko pinatulog. Kaya bugnutin din ako. Kasi paasa siya! May pasalo salo pa siyang niyayabang e na saan siya ngayon? Aba ang animal AWOL. No signs ni walang paramdam na naman.



Mga lalaki talaga parang kandidato na nangangampanya, puro pangako pwe! So I busied myself sa mga trabaho ko. Sayang lang ang ipinuyat ko dahil sa mga pinagsasabi ng Brett na iyon.


Maya maya tumunog ang notification ng cellphone ko. Sunod sunod na ang pag pop ng notifs. Ano ba yan?!



Asar na dinampot ko ito at binuksan. 'Yung group chat pala namin buhay na naman.





Aivan: Guess what? 😏

Jamie: What? 😮😮😮

Kurt: ???

Me: Spill!!!!

Aivan: Pilitin niyo muna ko. 😉

Me: Arte mo bakla ha! 😒

Jamie: Ayyy. Si Aivan James. 🙁

Aivan: Ay bawal ba pabebe dito? Artistahin din kayo no. 😒

Kurt: I'm in a meeting right now. Will talk to you later, guys.

Jamie: Grabe! Iba talaga kapag tagapagmana ang friend. Hahahaha. 😮🤣

Me: Ano nga Aivan? May trabaho din ako.

Aivan: Kainis kayo! Anyway highway, nakapag book na ko ng hotel para sa yearly summer getaway natin!!!!

Jamie: Hala! OMG! Excitiiiiiing!!! 😊😮

Me: Ipaalam niyo na koooooo! Hahaha. At last something to look forward to. Yay!

Aivan: Kaya maghanda na kayo! Hahaha. Mamaya ko na chika ang details. Need to go back to work. Hahaha.
Laters. 😘😘😘



OMG! Sumigla naman ang dugo ko sa info ni Aivan. Malapit na pala ang summer pero inuunahan namin yun palagi. Hahahaha. Naging tradisyon na naming apat na bago pa magpeak season na mag getaway. Yearly yun every summer nagle leave kami sa mga trabaho namin para makapag unwind.



Saan kaya kami pupunta ngayon? Kailangan ko na pala bumili ng mga pang summer na outfits! I can't wait for my week of freedom! Nako iniisip ko pa lang parang kating kati na ang mga paa ko na umalis.




I was out of my reverie ng may kumatok sa pinto ng office ko. Nakita ko naman na sumilip ang ulo ni Dana sa pinto.




"Pwede ka ba maistorbo?" Sabi ni Dana at naglulumikot ang mga mata niya. Hindi makatingin sakin. Ano na naman kaya problema nito?

I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon