- Alyssa -

Time check: 4:32 a.m.

Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Ships! Teka bakit parang ang bigat? Bakit parang ang laki naman ng unan ko. Ang lambot pa. Tapos ang bango.

"Hmmm...." Bigla naman akong napadilat sa narinig ko!

Bakit sya nandito? Tsaka bakit kami magkatabi! Omaygash! Hindi kaya!?

"Wahhh!" Napabalikwas ako at dahil doon eh nalaglag ako sa kama. "Ouch! Tsk."

"Ayan kasi! Ano bang ginagawa mo? Bumalik ka nga dito! Maaga pa naman tsaka walang training." Naaantok pang sabi ni Den.

"H-hindi na dito na lang ako sa Sofa."

"Isa! Valdez!" Automatic naman akong napabalik doon sa Kama. Naman Den eh! Lalo mo akong pinapahirapan eh! Nasanay na nga akong wala na tayong pansinan eh, pinapaasa mo na naman ako 😥

Mas lalo akong nabigla nung bigla nyang isiniksik yung mukha nya sa leeg ko. Ganito pala yung feeling. Yung feeling na secured ka sa yakap nya.

Maya maya nakatulog na din ako sa sobrang saya.

<< Fast forward >>

Maya maya, nagising uli ako pero this time wala na yung nasa tabi ko. Ano yun? Panaginip lang siguro yung kanina. Kainis naman, pati yung panaginip paasa.

"Valdez, wakey wakey! Dali!" Yung boses na yon!

Agad akong napadilat. Si Dennise may dalang breakfast in bed. Wow ano to? Another panaginip na naman?

"Ano? Tititigan mo nalang ba ako? Aba aba! Lalamig tong niluto ko." sabi nito. "Eto lang kasi kaya kong lutuin. Siguro hindi to kasing sarap ng luto mo pero siguro nakakain naman to, nagpatulong ako kay Ate Gretch. May gamot na din dito para sa Hang-over mo."

Agad akong napatingin sa bitbit nya. Soup, Bacon, Scrambled Egg and Fried rice. Pero may mas napansin ako kesa sa pagkaing dala nya.

"Tsk. Dapat hindi ka na nag-alala eh. Tignan mo ang daming paso ng kamay mo!" Agad akong tumayo para kunin yung First Aid.

Kinuha ko yung bitbit nya at itinabi muna. Inabot ko yung kamay nya para lagyan ng ointment at band-aid.

"Thanks Ly." Nakangiting sabi nito.

"You're welcome." Sagot ko naman dito.

"Hep hep. Kumain ka na." Binawi nya na yung kamay nya at kinuha na uli yung pagkaing niluto nya.

"Ikaw?"

"Mamaya kakain ako."

"Samahan mo na ako. Please *pout*"

"Sige na nga."

"So..... Bakit mo ako pinagluto? Anong meron? Tsaka sino nagdala sa akin dito?"

"Kami ni Ate Gretch. Sinundo ka namin sa Bar."

"Wait. Owww... Shi---"

"Oy! Ano magmumura ka!?"

"No. So.... Totoo ba yung tinawagan kita kagabi kasi-----"

"Yes. And tama ka. Nakita ko sya kasama yung babae nyang mukang hitad!"

"I'm sorry Den." Malungkot kong sabi. "Don't cry na."

"What ako? Iiyakan sya? No way!" Mataray na sabi nito.

Hindi naman talaga sya naiiyak. Trip ko lang na asarin sya.

"That's my girl--- i mean my Besh pala." Palusot ko naman. whew.

Natawa naman si Den sa sinabi ko.

"Den? Okay ka lang ba talaga? Kasi kung hindi pede ka namang umiyak eh. Hindi mo na kailangan magpanggap na masaya ka."

"Huh? Ano ka ba! Ang mga manloloko hindi iniiyakan. Hindi sya kawalan. Siya ang nawalan."

Yan yung gusto ko sa kanya eh. Napaka-Strong ng personality nya. Kahit dumadating yung time na super dami nyang problema.

"Tara kumain nalang tayo." Sabi ko.

Siguro hindi nalang muna ako iiwas sa kanya. She needs a companion right now. I know kahit hindi nya sabihin, malungkot sa sa ginawa ni LA.

"Ouch!" Bulyaw ko. Ba naman! Bigla nalang mangungurot. Buti hindi natapon tong kinakain ko.

"Akala mo nakakalimutan ko na yung ginawa mo kagabi ah. Bakit ka nasa Bar hah! Tapos pinipigilan ka na daw ng WAFS di ka pa din daw tumitigil sa pag-inom, tignan mo tuloy napa-away at nagkapasa ka pa!" Galit na galit na sabi ni Den.

"Sorry na po. Kasi naman badshot ako sa Daddy ko kagabi." Sabay pout.

Hahaha. Baka umepek.

"Aray! Den ano ba! Nakain kaya ako."

"Akala mo mandadaan mo ako sa pa-cute mo!" Bulyaw ni Den Sungit. "Bakit pala na badshot sa'yo si Tito? Siguro may ginawa ka na namang hindi maganda no?!"

"Hoy! Ang judgemental mo ah. Wala! Kasi ganito yon... Nagkaroon lami ng Family Reunion kahapon. Syempre nandoon na naman yung magaling kong pinsan. Napag-kumpara na naman kaming dalawa. She's also a Varsity player din kasi sa DLSU and other than that, business woman din sya. And unlike me, Player lang daw ako na walang magawa sa buhay sabi ni Daddy." Dissappointed kong sabi.

"Tito always fail to see your Achievements. You're a superstar kaya tapos Dean's Lister pa. Wala na silang hahanapin pa sa isang Alyssa Valdez." Masiglang sabi nito.

"Eh bakit ikaw, ano pang hinahanap mo bakit ayaw mo akong sagutin." Bulong ko.

Nagulat ako nung bigla syang sumagot. Shet narinig nyaaaa 😱

"Eh kasi Ly, madaming hadlang. Kung wala lang sila sinagot na kita." sabi nya pero hindi narinig!!! Kasi binulong nalang din nya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
- Dennise -

"Eh kasi Ly, madaming hadlang. Kung wala lang sila sinagot na kita." Pabulong kong sinabi.

Napakunot yung noo nya sa sinabi ko. Shems! Baka narinig nya.

"Paki-ulit nga yung sinabi mo." Nakakunot nitong sabi.

"Wala! Wala akong sinabi tsaka wala nang ulitan. May bayad." Biro ko.

"Ang daya naman eh." Sabi njto sabay pout. Nako naman Valdez bakit ang hilig hilig mo mag-pacute

"Wala nga. Ang kulit! Kumain ka na!" Mataray kong sabi.

"Bahala ka jan." Nagtatampong sabi nito.

"Para kang bata Valdez!" Saway ko dito. "Bilisan mong kumain, labas tayo. Gusto kong gumala."

"Wala kang klase?" Tanong nya.

"Wala. At alam ko wala ka ding class today kaya mag-gagala tayooo!" Excited kong sabi.

"Oh, Tara naaaaa! Alis na tayo."

"No! Kumain ka muna!"

"Yes Doc!" Masiglang sabi ni Ly.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
To be continued...
- - - - - -
Author's Note: Short UD!

Why don't you Love me?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!