An: Sorry guys! Sa sobrang tagal ng update kailangan niyo pang basahin yung last part dahil halos makalimutan niyo na yung mga nangyari, pasensya na. But still, thank you sa mga patuloy na naghintay.

This is my super duper extra ultra mega late Christmas, new year's, valentines and graduation gift for you guys! Hahahahahaha. Missed you :*

* * * * *

Caela/Jazze's POV

In time of peace, prepare for war.

Mabilis ang ginawang pagkilos ng bawat isa sa amin para makarating agad sa pinangyarihan ng pagsabog, at halos kalahati na nga ng parte ng elementary building ang natupok ng apoy ng makarating kami dito. Kahit papaano ay nagpapasalamat pa rin ako na nasa training grounds ang mga bata kaya't walang nasaktan sa nangyari. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng panlulumo sa nasasaksihan ngayon.

At hindi pa nga kami halos nakakabawi sa nakikitang senaryo ay may mga umaapoy na mga palaso naman ang kasalukuyang patungo sa direksyon namin kaya't agad na nagsikilos ang mga kaibigan ko upang mailagan ito. Ilang minuto din ang itinagal nito, bago tuluyang tumigil.

"Wooaaah! Buti na lang mabilis tayo, kung nagkataon sira na sana ang gwapo kong mukha. Maraming manghihinayang kapag nangyari iyon." Komento ni Harper habang pinapagpag ang magkabilang balikat. "Aray!" Pagkaraan ay daing niya ng batukan siya ng malakas ni Zoey.

"Just shut up your mouth Harper!" singhal ni Zoey habang binibigyan ng masamang tingin ang binata. "Mag-seryoso ka nga, mamamatay na tayo pero nagagawa mo pang magbiro."

"Sorry na. High blood ka masyado! Hahahaha" asar pa Harper kay Zoey na inirapan lang naman ng huli. Laging may LQ! HAHAHAHAHA.

"Masyado naman kasing agresibo ang mga dark mages na 'to, akala mo lagi lalamunin tayo ng buhay!" sambit naman ng nakahalukipkip na si Ivan.

"Mga excited kasi, may date daw." Sabat pa ng kakambal niyang si Ian.

Hindi matatapos ang isang araw ng walang nagiging banat ang kambal na 'to!

Napapailing na lang ako dahil sa kanila. Mga loko talaga! Alam ko namang ginagawa lang nila ito para maitago ang kabang kasalukuyang nararamdaman ng bawat isa sa amin.

Dark mages now invaded the whole academy. At nakikinita ko na ngayon na magiging madugo ang labanang ito.

"Move now, Superiors! We need to end this, but make sure that you'll all return breathing." Paalala ko sa kanila. Kailangan na naming kumilos, para matapos na agad ito. Walang dapat na aksayahing oras sa mga ganitong pangyayari.

Humarap silang lahat sa akin at sabay-sabay na sumaludo.

"Aye, aye Princess!" Nakuha pa nilang ngumiti bago tuluyang tumalikod sa pwesto ko.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!