CLASSMATE

758 41 5
                                    


First year high school pa lamang ako noon at pumapasok sa isa sa pinakamatandang public school sa Quezon City.

FRIDAY

"Elyon, alam mo bang crush ko si Edgar?" Pagbubunyag sa akin ni Sharmaine habang nagsusulat ako ng assignment namin para sa Lunes. Tamad kasi akong gumawa sa bahay kaya madalas sa school ko na ginagawa.

Wala kaming teacher kaya napaka-ingay ng room dahil sa mga classmate kong may kanya-kanyang agenda sa kanilang puwesto sa loob ng classroom. Para kaming mga dagang hindi mapakali sa iisang lugar dahil wala ang pusang aali-aligid sa amin.

"Hah? Ang liit 'nun naging crush mo 'yun?" Singit ni Tanya.

"Okay lang, guwapo naman kasi eh. Kaya okay lang kahit maliit siya."

Sabay-sabay naming tiningnan si Edgar habang naglalaro ng sipa sa iba naming mga kaklase na lalaki. Habang nakatingin kami sa kanya ay hindi maiwasang kiligin ni Sharmaine.

"Tsk, Bakit hindi mo sabihin na crush mo siya?" Tanong ko kay Sharmaine.

"Ayoko nga nahihiya ako eh!"

Napadpad sa amin ang sipa na nilalaro nila Edgar. Lumapit ito sa amin upang kunin ito at muling bumalik sa mga kalaro niya. Palibhasa'y freshmen kaya hindi maiwan ang paminsan minsang pagiging bata. Halos nasa kalagitnaan pa lamang kami ng taon bilang 1st year kaya hindi maka move-on ang lahat sa pagiging elementary.

Sa kabilang banda, tiningnan namin si Sharmaine na halos hindi na makahinga sa impit na pagtili dahil nga naman halos malapit lang sa kanya ang sipang pinulot kanina ni Edgar.

"Bawal mahimatay rito ah." Pang-asar ni Tanya.

"Grabe ang guwapo kasi niya eh." .

"Ako na lang magsasabi na crush mo siya." Tinawag ko si Edgar subalit agad akong hinila ni Sharmaine at tinakpan ang aking bibig.

"Huwag kang ganyan Elyon. Sekreto nga lang natin eh."

Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko na lang si Sharmaine sa gusto niya pati si Tanya ay nagkibit balikat na lang.

Pang-umaga ang klase ng mga 1st year kaya pagdating ng tanghali ay sabay-sabay kaming lumalabas kaya napaka-ingay sa corridor. Sabayan pa ng mga papasok palang na 2nd year.

Habang pababa kami ng building ay hindi namin maiwasang magkulitang magkakaklase hanggang sa open field ng aming school ay tila wala ng bukas kung kami ay magbiruan. Palibhasa'y wala ng pasok kinabukasan kaya tila mamimiss namin ang isat-isa.

SATURDAY

"Ate Sharmaine, tara mag bike tayo sa labas!" Yaya ni Bimbo, bunsong kapatid ni Sharmaine.

Saktong kakauwi lamang ng ate nila na may dalang isang malaking box ng pizza.

"Sige pero kuha lang ako ng pizza tapos mag ba-bike na tayo sa labas."

"Ikuha mo na rin ako ate ihahanda ko lang 'yung bisekleta natin."

Kumuha nga ng pizza si Sharmaine para sa kanya at sa kapatid nito. Habang kagat ang pizza ay nakasalubong niya ang nanay niyang si Aling Rita at tinuro ang pizza na nasa lamesa pagkatapos ay tuluyan na itong lumabas ng bahay.

Isa lang ang gamit na bike nila Sharmaine kaya naka-angkas lang sa bandang likuran si Bimbo habang si Sharmaine ang kumukontrol sa Bike.

Habang nagbibisekleta sila Sharmaine at Bimbo sa kalsada ay nagmamasid lang sa kanila si Aling Shonie, ang kapitbahay nila Sharmaine. Pinagmamasdang maigi ni Aling Shonie ang dalawang magkapatid na pinagtatakhan kung bakit hindi niya maaninag ang mukha ni Sharmaine samantalang ang kanyang kapatid na si Bimbo ay sobrang linaw naman ng mukha.

Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon