Nastun ako sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam ang irereak ko sa mga nalaman ko.

"I just want to be happy before I die but you stole my happiness!'

-KRRRRRRRRRRRRSSSHHHH- (Kulog)

"Nung nalaman ko na may fiancee na sya, I felt hopeless pero nung nagpromise ka sakin na magagawa mong ibalik ang feelings nya sakin I felt so much hope na it will happen but now that it turns out na ikaw ang nafall I don't know what to do! Thania please madami pang lalaki dyan. Pabayaan mo na si Steven. Mahal na mahal ko sya"

-KRRRRRRRRRRRRRRSSSSH-

"Pe-pero-----------"

"THANIA PLEASE!" hinawakan nya ang kamay ko.

'I need him more than you do..."

Hindi ko alam ang dapat na sabihin sa kanya.Mahirap umOo sa gusto nya.

Bigla na lang bumuhos ang ulan.

"Ah Miley umuulan na, mababasa tayo" sisilong sana ako pero hinila nya ako.

"promise me first" sabi nya habang nagmamakaawa ang mukha.

"Please I'm begging you... mahal na mahal ko sya....please....." bumuhos ulit ang luha nya.

Bakit ngayon pa? Bakit ngayon kung kailan masaya na kami ni Steven.

Bigla syang lumuhod sa harap ko at pareho na kaming basang basa sa ulan.

"Miley ! Tumayo ka ! Hindi mo naman kailangang gawin yan!"

umiling iling sya.

"No! I'll do everything just to be with him. I'm begging you please.... I need him"

Napakagat ako sa lower lip ko at napaform into fist ang kamay ko.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin...

Mahal ko si Steven .

Hindi ko kayang ipamigay lang sya basta basta ...

pero si Miley...

*****

*STEVEN'S P.O.V.*

Kanina pa tong si Emma, hinahanap nya sakin si Thania eh kanina pa kami nagkahiwalay.

pero sa totoo lang nag aalala na ako at hindi mapakali.

Ang lakas ng ulan tapos kanina pa sya wala.

Tinawagan na namin sya pero narinig naming nagrin ang phone nya sa bag nya.

Hinanap na namin sya sa buong campus pero hindi pa rin namin sya nakita.

Kulang na lang ipaannounce namin na missing sya.

Nagtanong na kami sa guard kung may lumabas, wala naman daw so it means nandito pa sya sa loob ng school pero saan?!

"Steven! I'll kill you if something bad happens to her!" pagwarning sakin ni Emma.

"Wag kang mag isip ng ganyan Emma, sigurado ok lang naman yun si Thania eh" sabi ni Lizzie.

Tss! Asar! ba't hindi ko sya mahanap?!

Napaupo ako sa upuan ko at sinipa ang desk ko.

Tinignan ako ng mga kaklase ko pero inismirkan ko lang sila.

Nabigla kaming lahat nang pumasok si Thania ng classroom at basang basa.

Nagmadali akong tumayo at nilapitan sya.

MY WRONG MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon