Kabanata 27

170K 2K 139

Dedicated kay @PurpleMeannieBitch sobra niyang napasaya ang araw ko sa NAPAKA HABANG comment niya :O , grabe ang lapad lapad ng ngiti ko ngayon dahil sakanya, kung pwede ko nga lang i-Paste dito yung buong comment niya ginawa ko na hahaha! Kaya lang baka lumagpas ng 2 pages yon. Hahaha, habang binabasa ko kasi yung comment niya wagas yung ngiti ko, isang bagsakan talaga. Salamat Min! 

Thank you rin sa mga nagcomments sa previous chapter.




Kabanata 27



Tinititigan ko ngayon ang mukha niya, kahit tulog na tulog siya halatang halata na masaya siya.. Pero alam ko sa sarili ko na mali lahat ng ito, unang una hindi ko dapat hinayaan na dumating sa punto na mangyari ito, dahil una palang....wala na akong balak magpasalo sakanya, masyado siyang perpekto para mapunta saakin. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya, "Hmm.." Sandali siyang gumalaw at yumakap saakin, simpleng haplos lang niya ang laki laki ng epekto saakin. "I'm sorry Drake.." Inalapit ko ang labi ko sa tungki ng ilong niya para halikan siya at dahan dahan akong tumayo at sinuot ulit ang damit ko kahapon.



Medyo madilim na dahil mag-aalasais na ng gabi, niyakap ko ang magkabilang braso ko dahil naramdaman ko ang paghampas ng malakas na hangin saakin. Hindi ko malaman kung bakit ako umiiyak, basta ang alam ko lang ngayon sobrang takot na takot ako.. Naglakad na ako palayo sa bahay bakasyunan nila Drake, at laking pasasalamat ko nang may isang taxi na dumaan. Dun ko lang nakita na nasa Zambales pala ako.




"Anak! Akala ko ba bukas ka pa uuwi?" Salabong saakin ni Mama pagkabukas napagkabukas ko ng pinto, pero imbis na sumagot ako..Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sakanya, ito yung kailangan ko eh.. Yung yakap ni Mama.. "Marie anak...may problema ka ba?" Pag aalala nito, naramdaman kong humaplos ang kamay niya sa likod ko dahilan para mas lalo ko siyang yakapin ng mahigpit.. "Hindi ko alam Ma..hindi ko na alam ang gagawin ko.." Humihikbing sabi ko, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil mahal ko na siya, at natatakot ako dahil baka kapag nasanay akong palaging nandiyan siya mahirapan akong bitiwan siya kapag gusto na niyang umalis.




"Girl, lahat kami dun pinapagalitan ni Sir.Tom, bakit ka kasi umabsent ng walang paalam? Tapos yung cellphone mo nakapatay pa." Reklamo ni Mateo, hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto ko simula kagabi, pinatay ko rin ang cellphone ko dahil sa sunod sunod na tawag ang natatanggap ko, lalong lalo na sakanya.




Sinisilip ko siya ngayon mula dito sa bintana, kausap niya si Mama sa labas, ipinagbilin ko kasi kay Mama na h'wag sabihin na nandito ako. Kitang kita ko ang pagkabalisa niya. Kinurot ng kung ano ang puso ko nang makita ko kung paano niya tadiyakan ang gulong ng sasakyan niya. Sandali lang yan Drake, mawawala din yang sakit. Makakalimutan niya rin ako.




"Anak..alam niyang pinagtataguan mo siya, bakit ba kasi hindi mo nalang siya harapin?" Tanong ni Mama, naglakad lang ako papunta sa kama ko at sumandal sa head board ng kama. "Mawawala din yan Ma.." Bulong ko, naramdaman ko naman ang pag aalala sa mga titig saakin ni Mama. Nagpaalam na muna siya saamin ni Mateo dahil kilala niya ako, hindi ako magsasalita kahit pilitin pa ako.




"Girl..ano bang problema? Bakit pati si Mr.Pandy iniiwasan mo?" Nag aalalang tanong saakin ni Mateo, hinawakan pa niya ang kamay ko para maiparamdam na nandito lang siya palagi sa tabi ko.


Kung mayroon mang isang tao na pinagsasabihan ko ng lahat, si Mateo lang yon.



"Masyado siyang perfect para saakin Mateo." Huminga ako ng malalim, matama niya akong tinitigan. "Perfect? Are you kidding me girl? Walang taong perpekto, kahit mukhang pinaulanan ng kagwapuhan at kabaitan yang si Mr.Pandy, naniniwala parin akong may kapintasan yang lalaki na yan.. Well, pwera nalang kung mahal mo na siya..Kasi.." Bigla siyang tumigil sa pagsasalita, tinignan ko siya ng seryoso at nakita ko ang panghihinayang sa mukha niya.



Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!