" hindi ako takot mawalan. Ayoko lang mapunta na naman sayo ang mga dapat na sa akin." nanatili pa din akong nakatingin sa kanya. nawala lang ang tensyon sa aming dalawa ng bigla syang ngumiti.

" wag kang mag alala Ianne. hindi naman ako makikigulo sa inyo eh. tara na. baka hinahanap na nila tayo ^___^ " tapos, mabilis syang pumunta sa locker niya para isara iyon at saka lumabas. naiwan naman ako.

" *sigh* " tiningnan ko yung suot ko ngayong bracelet. ito yung bigay sa akin ni SB. nagtatampo kasi siya bakit hindi ko daw sinusuot kaya sinuot ko ngayon.

" sakit ka talaga sa ulo, SB. pareho kayo ni Xave >___< " at tumakbo na din ako palabas para magsimula na din ng rehearsal.

---

" Hello Bench !!! " narinig kong sabi ni Xionnen. tiningnan ko kaagad kung anong nangyayari. dumating na pala ang sundo ko. pero si Xionnen ang sumalubong sa kanya. sakto kasi na palabas na din ito ng building.

" a-aah? H-Hello Xionnen. he-he. " awkward na bati ni SB. lumapit na din ako dun sa may labasan. sila naman, nandun pa din at nakaharang sa daan (~___~)

" hinahanap mo ba si Ianne? " tanong ni Xionnen. sasagot pa lang sana si SB pero, dumating na ako doon. " tsupih ka nga Xionnen." sabi ko tapos hinila na palabas si SB. iniwan namin si Xionnen dun. lokang babae! imbyerna! >_____<

---

" sungit mo naman kay Xionnen, PB." sabi ni SB. binuksan ko lang naman yung pinto ng kotse niya at dun ako sa likod pumwesto. sya ang may dala ng kotse. nakaplano na kasi talaga na susunduin niya ako ngayon. matagal tagal na din kasi kaming walang hangout eh.

" hayaan mo nga sya. baka gusto mong sabunutan kita, Bench." sabi ko naman tapos narinig ko syang tumawa habang papasok naman sa may tabi ko.

" sungit mo. red day mo ba? " binato ko sya ng isang stuffed toy na nakita ko. " manyak mo!" biro ko sa kanya. tapos tumabi na sya sa tabi ko at nilaro laro yung stuffed toy.

" PB, namamayat ka. kumain ka nga ng marami." sabi niya. tiningnan ko naman ang sarili ko. namamayat ba ako? hindi naman ah! >__<

" di naman ah. sexy ko pa din kaya." sabi ko naman.

" nahihirapan ka ba dun? " tanong niya sa akin. umiling na lang ako.

" hindi nuh. ang saya kaya. hindi man ako si Giselle. masaya pa din kasi maganda naman yung role ko eh." sabi ko na parang naeexcite pa.

dun ko nalaman na, hindi kailangan na laging ikaw ang star para makaramdam ng fullfillment.

" mabuti naman kung ganon. basta kung di ka masaya, sundin mo lang ang gusto mo." sabi niya sa akin at ngumiti. natatouch na naman ako. hindi talaga sya kagaya ni Xave. mag kaiba sila ^___^

i nodded " thank you SB. maraming salamat talaga. pero, kahit pagod na pagod na ako. hindi ako susuko. ayokong masayang ang efforts mo para makapasok ako nuh." sabi ko naman sa kanya.

Skater Boy meets Ballerina Girl! (COMPLETE)Where stories live. Discover now