Pumasok na kami sa loob ng booth, si Athena tuwang tuwa. Ngayon lang ba siya makakapag neoprint? She's weird.

"Kenji wag mong babuyin yung pic ha??" tumungo ako.
Anong ibig sabihin niyang wag babuyin? Matino naman itsura ko sa pictures noh! Tss. "5 shots to. Smile!!"

Nag start na yung machine, si Athena tuwang tuwa. Yung first 2 puro naka nguso at peace sign siya. Yung pang 3 and 4 naka akbay na ko sa kanya tapos siya naman naka sandal yung ulo niya sa shoulder ko.

"Last na to! Kelangan maganda!"

Nilagay niya yung kamay niya around my neck tapos, she kissed me on the lips. Kenji -> O.O
Athena -> ^o^v
Nung natapos yung pag print, nakita nung babae yung pictures

"Ang cute naman!" ginupit na niya yung pictures pagkatapos inabot niya na sa amin "Bagay kayong dalawa.."

Huli niyang inabot yung malaking picture namin "Buti na lang eto yung pose niyo, tamang tama. Good luck sa inyong dalawa." Nag smile kami ni Athena.

Habang nag lalakad kami, napansin kong tinititigan ni Athena yung pictures namin. Naka smile pa siya. ganun ba siya kasaya dahil nag neoprint kami? Weird talaga tong babaeng to! Bakit ba sa isang wirdo ako nag ka-gusto.

Napangiti na lang ako habang naka tingin ako sa kanya.

"Sara and I call it sticker photo. Weird ba? Nasanay kasi kaming sticker photo tawag eh."

"Masaya ka ba?" she nodded, "Dahil lang nagpa-neoprint tayo?"
Umiling siya, "No. Masaya ako kasi for once may naka notice na couple tayo. Kasi sa mata ng tao,

para lang tayong magkaibigan.. we don't do stuff like what a real couple should do. Tapos nakita nung miss etong pic na to, sinabihan niya tayong bagay.. If I know, nung una hinde niya na pansin na tayo, pero nung nakita niya.. dun na lang niya napansin yun." nag smile siya sa akin tapos pinakita yung phone niya sa akin, dinikit niya kasi yung pic na naka akbay ako sa kanya pati yung kiniss niya ako.

"Hinde kita maintindihan." Nag smile siya sa akin tapos tumingin na ulit sa nilalakaran naming

"We don't hold hands, hug and kiss infront of everyone else.. we don't express our feelings in public.. Hinde mo nga ako inaakbayan eh. Kaya they think na we're just friends, well unless we tell them that we're dating." Nag smile na naman siya.

Napahinto kami sa pag lalakad

"Gusto mo bang mag PDA tayo?" napakamot na lang ako sa ulo, kung gusto naman niyang hawakan yung kamay ko bakit hinde na lang niya gawin?

"No.. well not really.. we just don't do those stuff.." nag smile siya, "Never mind. Let's go." Tapos naglakad niya siya.

Hinawakan ko yung kamay niya, "Intayin mo ko."

She's Dating The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon