Chapter 1

12.8K 141 9
                                    

Chapter 1

"This is your new assignment Hannah." inilapag ng editor niya sa kanyang desk ang folder na naglalaman ng bago niyang assignment.

"Right away boss." sumaludo pa siya sa editor niyang Mrs. Callo

"Tulad ng dati nariyan na lahat ng kailangan mong gawin, but of course, you know exactly what to do. And you'll love your next destination." nakangiting umalis na ito.

As writer/photographer sa Nature's Magazine ay kung saang-saan lupalop ng bansa na siya nakarating. Nang buksan niya ang folder ay nakitang niyang sasama siya sa isang 5-days expedition na project ng isang Marine Bio Organization.

Napabuntong-hininga si Hannah, mukhang wala na siyang ibang choice. kahit ayaw niya ng napipintong assignment. Hindi siya pwede mag-inarte ngayon sa kung ano man ang trabahong ibigay sa kanya. Bukod sa maganda naman ang record niya sa trabaho pati na rin ang mga reviews sa mga articles at photos niya ay mayroon siyang pinag-aaral na kapatid na nasa kolehiyo.

Simula ng sabay na mamatay ang kanilang mga magulang ay siya na ang tumayong Ama at Ina sa kapatid. Kaya naman pinupursige niya na ma-promote.

Nasa folder na rin ang ticket niya papuntang Cebu. Sa makalawa na ang flight niya.

Halos wala na rin siya ginagawa ngayon sa opisina dahil tapos na rin niya ang article niya para sa buwan na iyon. Mukhang matatagalan siya bago matapos ang article na susunod niyang iko-cover dahil na rin sa isa iyong 5 days expedition. Kailangan niyang i-record ang lahat ng mangyayari sa bawat araw.

Hindi niya alam kung paano niya gagawin ng maayos ang kanyang trabaho, for some reason ay ayaw niya talaga sa dagat. Huminga siya ng malalim. Iisipin na lang niya ang perang kikitain niya sa project na iyon dahil iyon ang kailangan nilang magkapatid. Gutom ang aabutin nila kung masyado niyang didibdibin ang takot niya sa dagat.

MAAGA siyang umuwi ng araw na iyon, kailangan niya nang simulan ang pag-eempake. Balak niyang ipasyal at pakainin sa labas ang kapatid kinabukasan.

Ayon na rin sa file na ibinigay sa kanya ng boss niya. Mahigit one week rin siyang magi-stay sa Cebu. Dahil kailangan naroon na siya sa preparation pa lang ng mga Marine Biologist para sa expedition.

Nag-eempake na siya ng dumating ang kapatid niya galing sa University.

"Ate? Bakit nag-eempake ka?" tanong ng kapatid na si Emily.

"Next assignment ko." sabi niya rito habang namimili ng mga dadalhin niyang damit niya sa closet. "Pupunta ako ng Cebu, may iko-cove akong expedition doon. Baka isang linggo akong mawala."

"Ahh ganun ba?" sabi nito at tinulungan na rin siyang maglagay ng mga gamit niya sa maleta.

"Habang wala ako, wag kang masyadong magpasaway kay Tiya. Malaki ka na, tumulong ka sa gawaing bahay at wag na wag kang magpapalate ng uwi." bilin niya rito. Kasama nila sa bahay ang kapatid ng kanilang Nanay. Nang mamatay ang mga magulang niya ay ito ang tumulong sa kanilang magkapatid para makabangon at ipagpatuloy ang kanilang buhay.

Isa itong retired teacher pero kahit medyo istrikta ito dahil na rin isa itong matandang dalaga ay mahal nilang magkapatid ito. Ito na lang din naman ang natitirang kamag-anak na malapit sa kanila. Hindi nila nakakilala ang ibang mga kamag-anak sa side ng kanilang ama dahil na rin nasa probinsya ang mga ito at hindi sila kailanman nakarating na magkapatid doon.

"Tsaka malalaman ko rin ang bawat galaw mo dahil sa facebook. Kaya wag ka nang mag-aattemp kung ayaw mo mabawasan ang allowance mo." patuloy niya.

"Ate naman. Alam ko na lahat ng mga sinasabi mo, tsaka kailan ba ko nagloko?"

Sails in Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon