Kabanata 25

172K 2.4K 130

Dedicated kay @AceLMorales nakakatawa siya, sabi niya kalalaki daw niyang tao kinikilig daw siya. XD Salamat po! :)

Tapos THANK YOU rin sa mga nagcomments sa previous chapter, pasensya na po kung hindi ko nasagot kasi kauuwi uwi ko lang po, nag UD nalang kaagad ako. :) Pero nabasa ko naman lahat ng comments niyo! Salamat po ulit!



Kabanata 25




Sa hindi ko malamang dahilan mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko, hindi ko alam kung bakit pinapakinggan ko siya. Basta ang alam ko lang, gusto ko siyang makita.




Pagkadating ko dun sa lugar na madalas naming puntahan nung mga panahong pareho kaming nasasaktan, natanaw ko kaagad ang likod niya, he was wearing a blue tshirt and pants, kitang kita ko ang magandang muscles niya sa likod ngayong nakahalukipkip siya sa harapan ng sasakyan niya, lalaking lalaki ang kanyang tindig.




Napalunok ako nang humarap siya saakin, naglakad siya palapit sa sasakyan ko. Marahan niyang kinatok ang bintana ng sasakyan ko kaya naman ibinaba ko iyon, napapikit ako ng maamoy ko ang pabango niya, nakakatindig balahibo lang yung amoy niya para bang ang sarap niyang singhutin. Ghad.



"Sweetheart.." Untag niya saakin, sobrang manly lang ng boses niya at hindi ko malaman kung bakit nanghihina ang tuhod ko gayong boses palang niya ang naririnig ko.




Marahan niyang binuksan ang pintuan ng kotse ko at halos mapalunok ako nang hilahin niya ako palabas ng kotse ko. Hinapit niya ako sa bewang ko, sandali niyang pinagtagpo ang mata naming dalawa, at sa hindi ko malamang dahilan biglang bumuhos yung luha ko nang yakapin niya ako ng sobrang higpit. Tinanggap ko ang yakap niya at naramdaman ko ang paghaplos niya sa ulo ko pababa sa likod ko.




"Shhh, what happened sweetheart?" Malambing na tanong niya, umiling iling ako at itinungo ko ang ulo ko sa dibdib niya. Nakakahiya, bakit ba umiiyak ako ngayon.




"May nanakit ba sayo?" Tanong niya, "D-Drake...gusto kong lumayo." Humihikbing bulong ko.




"Gusto kong pumunta sa isang lugar na walang makakakilala saakin.. K-kasi pakiramdam ko hindi ko na talaga kaya.. B-buong pagkatao ko sirang sira na dahil sakanya." Narinig ko ang pagkuyom ng panga niya, "Sure sweetheart.." Matigas na sabi niya, naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. Mas niyakap ko siya ng sobrang higpit.




"Let's go.." Sabi niya saka inakbayan ako papunta sa sasakyan niya, maingat niya akong pinasakay.



"Papupuntahan ko nalang kela Wesley yung sasakyan mo." Aniya pagkasakay na pagkasakay niya. Tumango lang ako sakanya.



Hawak hawak niya ang kaliwang kamay ko habang tahimik kaming dalawa sa biyahe, humilig ako sa kaliwa at tinitigan ko ang mukha, siguro ay napansin niya akong nakatitig sakanya kaya sandali niya akong nilingon, marahan niyang hinaplos ang kamay ko.



"Matulog ka muna sweetheart, malayo layo ang pupuntahan natin.." Sabi niya, umiling ako kahit na hindi niya ako nakikita, hinigpitan ko ang pagkapit ko sa kamay niya, mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya ginantihan niya nang pagpisil ang kamay ko.



"Sorry kung wala ako kanina sa tabi mo.." Bulong niya, "Kung nandun lang ako aawayin ko rin yung mga umapi sayo." Natatawang sabi niya.


"Drake naman.."



"I'm serious sweetheart, walang sino man ang may karapatan na saktan ka.." Paglilinaw niya, napansin kong maingat siyang magmaneho ngayon, hindi siya nagmamadali.




"Sa ginagawa mong yan, mamahalin na kita." Bulong ko, napaawang ang bibig niya at sandaling tumingin saakin! Mas lalong humigpit ang kapit niya sa kamay ko.




Marahan kong ipinikit ang mata ko, pero naramdaman kong itinigil niya sandali ang sasakyan niya, hindi ko iminulat ang mata ko dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayon.




Naramdaman kong may ikinumot siya saakin, napangiti ako ng marahan. "Thanks Drake..." Bulong ko nang hindi iminumulat ang mata ko, naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko, sobrang init ng paghinga niya, humigpit ang kapit niya sa kamay ko at halos magkasabay naming iginalaw ang labi naming dalawa, pakiramdam ko nawala lahat ng sakit na dinadala ko. Para bang sobrang safe ako sa mga kamay at halik niya, pinaghiwalay niya ang labi naming dalawa. "Anything for you sweetheart.." Aniya at nagsimula nang ulit sa pagmamaneho.





Iminulat ko ang mata ko at napapitlag ako sa pag-upo nang makita kong nakahiga na ako sa isang kama. Inilibot ko ang paningin ko at nayakap ko ang sarili ko dahil damang dama ko yung simoy ng hangin na nag-mumula sa isang bintana. Kulay brown ang mga gamit dito sa kwartong ito at may mga mint leaves na nakatanim sa tatlong paso malapit sa bintana, amoy na amoy ko iyon kaya alam ko kaagad kung anong klaseng halaman.



May flat screen tv, dvd's, Xbox, may mahabang sofa at may center table. Napalingon ako sa isang malaking frame na nakasabit doon sa may gilid ng lagayan ng mga libro, si Drake at si Yesha magkaakbay sila at mukhang nasa isang beach sila. Napangiti ako, ang bata bata pa kasi ni Drake doon sa picture at may salamin pa siya, nakabrace din siya doon, inosenteng inosente ang itsura niya. Natauhan ako nang magring ang cellphone ko sa may tabi ko, si Mama tumatawag!



"Ma!" Sagot ko, "Anak! Uuwi ka bukas diba? Usapan natin, every thursday dapat nandito ka diba?" Magiliw na sabi niya, napangiti ako.. Bigla ko siyang namiss, pero mahirap din kasi na palagi akong nakasandal kay Mama, ang tanda tanda ko na kaya.



"Yes Ma," Nakangiting sabi ko na para bang nakikita niya ako.




"Anong gusto mong ulam bukas? Ipagluluto kita.." Aniya, magsasalita na sana ako pero nagulat ako ng pumasok si Drake sa kwarto, nakangiti siya, naka-white sando na siya ngayon at bakat na bakat ang abs niya doon, naka beach shorts din siya, gusto ko sanang matawa pero ang gwapo kasi niya eh, yung buhok niya sobrang natural lang ng ayos.



Lumapit siya saakin at tumabi siya, itinapat ko ang point finger ko sa ilong ko para masabihan siyang h'wag maingay.




"Ahh, sinigang po Ma.. Yung maasim na maasim!" Siniglahan ko ang boses ko, narinig ko ang pagtawa ni Mama.



"Osige anak, pag-uwi mo bukas handa na ang sinigang para sa pinakamamahal kong anak.. See you, I love you anak.. Miss na miss na kita." Napangiti ako, "I love you too Ma, miss na rin po kita." Bulong ko, naramdaman ko ang titig saakin ni Drake. Nagpapasalamat ako dahil hindi marunong mag internet si Mama, dahil sigurado ako mas masasaktan siya kesa saakin. Pinatay ko na ang cellphone, naramdaman kong hinawakan ni Drake ang balikat ko. "Feeling better?" Tanong niya, tumango naman ako bilang sagot. Ngumiti naman siya saakin.


"Let's have a breakfast sweetheart, hindi ka nag dinner kagabi." Aniya, tumango ako sakanya.



Lumabas na kami ng kwarto at namangha akosa itsura ng sala nila, yung mga upuan parang gawa lahat sa kawayan pero maninipis ang hibla, may isang piano doon at may mga picture frame na nakapatong sa ibabaw non, karamihan sa pictures ay yung kasal ng parents niya. Ngayon ko lang napansin na halos lahat ng kurtina dito ay gawa sa sea shells, may malaking aquarium din sa sala at may iba't ibang isda.



Hinila na niya ako palapunta sa dinning room at doon kami kumain.



"Marunong kang magpiano?" Usisa ko sakanya, ngumiti siya at umiling.



"Yung Lola ko, saka si Yesha marunong. Sa Lola ko 'tong bahay, pinangalan niya saamin ni Yesha bago siya mamatay." Kwento niya,



"May beach diyan, punta tayo mamaya.." Anyaya niya.




Pagkatapos na pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa beach, sobrang lakas ng alon at hangin. Ang sarap lang sa pakiramdam, ngayon alam ko na kung bakit nakabeach shorts siya, dahil maglalaro siya, natatawa ako para kasi siyang bata na namumulot ng kung ano sa pangpang.




"Sweetheart!!" Hiyaw niya saka isinenyas niya ang kanyang kamay na lumapit ako sakanya, dahan dahan akong naglakad palapit sakanya, suot suot ko ngayon ang damit ni Yesha, magkasize lang pala kaming dalawa. Shorts at saka yung one piece niya.




Nakalahad ang kamay ni Drake sa harapan ko kaya kaagad akong kumapit sakanya, "Ang daming shells!" Hiyaw ko, tumawa siya. "Isa 'to sa mga nagustuhan ng Lola ko dito sa lugar na ito, kaya nga binili niya 'to para kapag gusto naming magrelax nila Mama dito kami pupunta." Aniya, namulot na ulit kaming dalawa at inilalagay namin iyon sa baldeng dala niya.



"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sakanya, "Idikit natin sa pader," Natatawang sabi niya! Hinampas ko ang dibdib niya pero napanganga ako dahil sobrang tigas ng abs niya, ngumisi naman siya.



"Seryoso sweetheart, sulatan natin 'tong mga sea shells na 'to.. Pagkatapos idikit natin sa loob ng kwarto ko." Aniya, napatawa naman ako sakanya, sinong mag aakala na sobrang daming kachessyhan sa katawan nitong gwapong ito.



Naghugas muna kami ng kamay at paa sa cr, hinugasan na rin namin yung mga shells na nakuha namin at pinatuyo iyon bago kami pumasok sa kwarto niya.



"Sayang yung wallpaper mo!!" Sigaw ko sakanya, "Tanggalin natin sweetheart." Suhestiyon niya, umiling iling ako. Gusto niya kasi alisin namin yung wallpaper niya pero sayang kasi mukha pa namang mamahalin, napatingin ako sa may terrace niya. Tumakbo ako doon, napangiti ako dahil nililipad ng hangin ang buhok ko.



"Dito nalang Drake!" Sigaw ko at itinuro ko ang pader sa terrace niya, binuhat niya yung balde ng tuyong sea shells at naglakad palapit doon, may dala kaming glue gun at tigisang pentel pen. Umupo kami sa sahig.




"Ngayon sweetheart, gusto kong isulat mo lahat ng nararamdaman mo dito sa mga shells na 'to.. At ipangako mo saakin na iiwanan mo na lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon.. Isulat mo din lahat ng hiling mo, dahil tutuparin natin lahat ng yon kapag bumalik tayo dito.." Seryosong sabi niya, tinawanan ko naman siya na naging dahilan nang pagkunot ng noo niya.



"Tss, I'm being serious here sweetheart." Suway niya saakin, "Sorry!" Natatawang sabi ko.




"Pagkasulat mo, lagyan mo ng glue yung mga gilid tapos para walang makabasa patalikod natin ididikit." Paliwanag niya, napapangiti ako sa ideya niyang iyon. Tumango nalang ako sakanya.




Inilatag niya ang isang kumot at ibinuhos doon ang mga sea shells. Kumuha ako ng isa at tumalikod ako sakanya sabay sinulatan ko iyon. Maliliit lang ang sulat ko at kung hindi mo ilalapit mabuti ang mata mo hindi mo mababasa.



•••Thank you Drake, masaya ako dahil kasama kita ngayon.•••



Kaagad kong nilagyan iyon ng glue at mabilis na idinikit sa pader. Nginitian ko siya, ngayon naman siya na yung nagsusulat.



"Patingin!" Hiyaw ko, "No sweetheart." Natatawang suway niya saakin, "Drake!!" Sigaw ko saka akmang aagawin yung shell niya, pero napatigil ako nang nakawan niya ako ng isang halik sa kaliwang pisngi ko! Mabilis pa sa alas kwatro nag init ang pisngi ko.



"Madaya ka!!" Sigaw ko saka hinampas ko ang braso niya pero hindi manlang siya nasaktan dahil tinawanan niya lang ako. Idinikit na niya sa pader iyon.



Kumuha na ulit ako ng isa pero naiinis ako sa buhok ko dahil tumatama iyon sa mukha ko! Nakita ko namang pumili ng isang mahabang shell si Drake, mukhang nagsosolo lang iyon. "Come closer sweetheart," Aniya saka hinawakan ang magkabilang balikat ko at itinalikod niya ako sakanya, napapitlag ako nang maramdaman kong tumama ang mainit niyang kamay sa batok ko, marahan niyang inipon ang buhok ko at kahit mukhang nahihirapan siya inikot niya iyon at sinuksukan ng mahabang shell na nakuha niya.



"Ngayon, mas makikita ko na yung ganda mo." Aniya, at napapikit ako nang maramdaman kong dumampi ang labi niya sa batok ko. Siguro kung kamatis ako, ako na yung pinakahinog sa lahat, dahil pulang pula na ako ngayon. Hindi ko na namalayan na kusang nagsulat ang kanang kamay ko.



•••Mahal na yata kita...Drake..•••



Napanganga ako nang mabasa ko ang isinulat ko, kaagad kong nilagyan iyon ng glue at dali daling idinikit sa pader!



"Wish ba yun sweetheart? Nagmamadali ka ah." Nakangising tanong niya, "Ha?! Bakit mo tinatanong?! Hmp, secret ko na yon." Hindi mapakaling sabi ko, hindi rin ako makatingin sa mga mata niya dahil alam kong lalamunin na ako nun once na magtama ang mata naming dalawa. Lunok ako ng lunok at parang may batong nakaharang sa lalamunan ko.



Nagpatuloy kami sa pagsusulat at pagdikit ng shells sa pader ng terrace niya, habang isinusulat ko lahat ng sama ng loob ko at kahilingan ko, pakiramdam ko unti unting nabubunot lahat ng maliliit na tinik sa puso ko. Para bang unti unting hinihilom yung sugat, yung sakit, yung hapdi..



Sobrang dami ko ring hiniling, hindi ko alam kung matutupad ba lahat ng iyon, pero wala namang masama kung maniniwala akong matutupad lahat ng iyon diba? Para bang naging hope ko na yung shells, bawat isa sa mga ito parang sila yung tutupad ng mga wish ko.



Napahawak ako sa batok ko dahil nakaramdam ako ng pangangalay. Pero napalundag ako ng sulatan ni Drake ang mukha ko!!



"Inaantok ka nanaman ba?!" Natatawang tanong niya! Tinignan ko siya ng masama!



"Bakit mo ako sinulatan?!!" Hiyaw ko sakanya, parang ang laki laki ng sulat niya sa mukha ko! To think na pentel pen pa yon!



Tumawa lang siya at sinulatan pa ulit yung mukha ko! Nakakainis 'tong gwapong nilalang na ito!



"Ahhhh!!!!" Sigaw ko saka sumugod ako sakanya at sinulatan ko rin ang mukha niya!



"Hahaha! Sweetheart!!" Suway niya at pilit umiilag saakin! "No!! Drake!! Madaya ka!!" Sigaw ko sakanya, natigilan ako sa pagsusulat sakanya ng namalayan kong nakadapa na ako sa ibabaw niya at nakahawak na siya sa bewang ko.



Nagkatitigan kaming dalawa, nagsimula nanaman ang racing sa puso ko! At namimilipit nanaman ang tiyan ko sa hindi ko malamang dahilan, ngayon mas natititigan ko ang mukha niyang ubod ng gwapo, at yung pilik mata niyang sobrang haba.. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga.



At napapalunok ako sa tuwing mararamdaman ko ang pagtaas ng dibdib niya sa tuwing huhugot siya ng malalim na paghinga.



"Pilya ka. Dapat sayo ganito ang ginagawa." Aniya, at napapikit ako ng sulatan niya ang noo ko.. Parang letter's yung mga isinusulat niya.



Marahan kong iminulat ang mata ko at nakita ko ang pagkinang ng mata niya. Kaagad akong nag iwas ng tingin,



"Madaya ka!! Ikaw din!!" Sigaw ko, pilit kong sinisiglahan ang boses ko dahil pakiramdam ko nauubos ang lakas ko sa mga titig na ibinibigay niya saakin! Sinulatan ko din ang noo niya!



•••Hindi ka marunong humalik.•••



Napapahagikhik nalang ako sa isinulat ko, marahan akong tumayo at tumakbo ako papunta sa cr saka naglock! Hawak hawak ko ngayon ang dibdib ko! Bakit ganito ang nararamdaman ko?


Humarap ako sa salamin para sana burahin yung mga nakasulat sa mukha ko pero natigilan ako nang mabasa ko kung anong isinulat niya sa noo ko.



•••Drake's property.•••

***

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!