"Nung minsan lang na iniwan mo siya! Alam mo ba na laking pasalamat ko sayo na ginawa mo yun? Swerte ko lang, kasi napunta siya sa akin! Ang laking kagaguhan ang ginawa mo! Buti na nga lang at pinakawalan mo!"
Lokong 'to— ano na naman ba tong pinagsasabi niya?!
"Ahm, let's go babe?"
Sabi ko dun kay Kael, bahala na, baka kung mag-away pa 'tong dalawang 'to dito eh! Feeling ko kasi ay parang ang init ng atmosphere.
"Tara babe"
Tas hinawakan niya ang kamay ko.
"Sige Jacob, Lou. Una na kami, baka hinihintay na kami ng mga parents ko"
Ang sama talaga ng tingin sa akin nung Lou na yun! Eh hindi ko naman siya inaaway!
Naglakad nalang kami ni Kael papunta du'n sa bahay namin, tas hawak parin niya kamay ko kaya nung medyo malayo layo na kami sa kanila ay binitiwan ko kaagad yung kamay niya habang sabay kaming tumatawa.
"Ahahaha ang galing mo pala pagdating sa drama ahahaha"
Tawang tawa na sabi ko.
"Ahahaha yung mukha ni Jacob kanina, alam kong inis na inis na pero pinipigilan niya lang ahahaha tapos yung si Lou naman ay parang di maipinta ang mukha, kahit pa siguro professional architect ang mag drawing dun sa mukha niya, I'm sure ay hindi talaga makukuha ang tamang angle ahahaha"
"Oo nga hahaha parang nabagsakan ng langit at lupa ang mukha hahaha"
"Ahahaha sana sinabi mo du'n sa kanila kanina na "Uy Jacob, boyfriend ko pala? Guwapo noh! Di tulad mo! At sino naman yang kasama mo? Lola mo? Ang sweet mo naman" ahahahaha"
"Ahahaha ang sama na natin ah kapag gagawin natin yan hahaha pero thanks ah, at least ay hindi bumaba ang pride ko"
"Ahaha don't mention it! What is, girlfriend kaya kita!"
"Hmp! Mukha mo!"
At dahil sa sobrang tawa ang ginawa namin ngayon ni Kael ay parang ayaw ko pa tuloy umuwi.
"Uy, mamaya na tayo uwi ah?"
Sabi ko sa kanya.
"Ha? Eh malapit ng dumilim eh"
"Ah basta! Dito ka lang!"
Bigla siyang napa smile tapos lumapit sa akin. Nakaupo kasi kami dito sa may bleachers.
"Mamimiss mo ako noh?"
"Miss mo mukha mo! Basta lang, di ko pa kasi feel umuwi eh"
"Sabi ko nga sayo eh! Pakasal nalang tayo para du'n ka na uuwi sa bahay namin"
Sabi niya kaya binatukan ko siya.
"Aray naman!"
"Pakasal mo mukha mo eh bata pa tayo"
"Ah so ganun? May balak ka talagang magpakasal tayo? Pero sa tamang panahon?"
"Mukha mo!"
"Guwapo!"
"Ewan ko sayo!"
"I Love You!"
"Oh! Akala mo sasabihin kong I love You too? Tss!"
"Huli ka! Hahaha"
"Ha?"
"Ahahaha ngayon alam ko na! Yung araw pala na tumawag ako sayo, hindi mo pala yaya yung nagsabi ng I Love You too kundi ay ikaw ahahaha uy, kunwari pa siya hahaha"
YOU ARE READING
Started with a Bluetooth
ChickLitHi there? Basically, this story is dedicated to my friend, JESSA, (wag lang natin i-mention ang family name, okay lang JESS?) Oo okay lang daw sabi niya ^___^ So this story is for her, oh ayan, natupad na ang wish mo! Labyoow. So ayun lang. This sto...
--BLUETOOTH 6
Start from the beginning
