Part 6

50.1K 1.1K 76
                                    


"O isa nalang aalis na!" Sigaw ng barker ng jeep.

Kung minamalas ka nga naman, ako pa ang pang huling tao sa pila! Malamang kailangan ko ng makisiksik niyan para magkasya sa upuan. Ang layo naman pala kasi ng dapat lakarin para makalabas ng ng villege na yon! At si Teo hindi manlang nag offer na ihatid ako!

At pag minamalas ka pa lalo ay may isang babaeng may kalakihan kung saan sinasabi ng barker na dun pa daw ang may bakante. Okay, I have nothing against fat people, uy! English yon! Shit nabawasan na namang ang english kong matagal kong inimpok nito. Di bale, so ayon nga, diba kasi kung katabaan ka ay lagpas isang tao ang nauukupa mong upuan. Kawawa naman yung dapat na mauupo diba? Tapos minsan sila pa yung galit at masama ang tingin sayo. Tiis tiis nalang ganun? Pag ganitong naiinis talaga ako nagiging maldita ako tapos di manlang magawang umusog.

"Okay ka lang dyn?" Tanong nung katabi ko sa kay miss na may kalusugan.

"Okay naman." Sagot naman ng isa tapos kwentuhan na sila. Mag friendship pala!

Gusto kong hilahin ang buhok ng babae sa tabi ko, talagang iyon pa ang tinanong niya sa kasama niyang maayos naman ang pagkakaupo. Samantalang ako na wala pang 5% sa pwet ko ang sumasayad sa upuan. Lahat tuloy ng bigat ko ay nasa sabitan kung san ako nakahawak at nasa paa ko. Para lang akong naka squat.

Ang init pa tagaktak na ang pawis ko, hulas na hulas na ako my gulay! Siguro kung nakikita ako ngayon ni Teo ay natuwa pa yon.

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸

Sa wakas! Nakarating rin ako sa salon ni Patty. Si Patty nga pala ang bff ko. Siya lang kasi ang hindi na insecure sa taglay kong kagandahan. Nabanggit ko na dibang may mga insekyorang haters ako sa instagram at facebook dahil lang sa di sila makahabol sa akin kong ganda. Palibahasa mga mukha sila kangaroo. Oo mukha silang kabayong daga na may malalaking tyan.

"Teka, bat naka sara? Umalis ba si Patty?" Puna ko sa nakasarado nitong pintuan at mga nakapatay na ilaw. "Matawagan nga ang bruha." kinuha ko ang teleponon mula sa bulsa ko. Buti nalang naka combo load ako kaya may pantawag ako hindi pa naman minsan nagrereply sa text ang baklitang yun.

Nakaka dalawang ring palang ng sumagot si Patty.

"Baks! Asan ka? Nandito ako sa Salon mo."

Nakarinig ako ng mga taong pumapalakpak at hiyawan. "Gaga umatend ako sa kasal ng kapatid ko. Wala ka manlang kasing pasabing pupunta ka."

Napakamot ako sa ulo. "Ganun ba? Di bale hintayin nalang kita. Musta ang kasal?"

"Pagod teh."

"Saan ginanap ang kasal?"

"Di ko alam di ako umabot eeh dito na ko reception."

"Ahahahaha langya ka! Sa kainan ka na naman umabot?"

"Hahaha may lakad ako kanina eeeh. Gusto mo punta ka dito kain tayo hahaha!"

"Ayoko nga. Saan ba yan?" buti nalang busog pa ako sa mga nilantakan ko kanina.

"Dito sa may high street."

"Ang layo!"

"Layo nga kaya ako late."

"Di mo ginamit helicopter mo?"

"Hahaha nakamotor nga lang ako pumunta dito. Andungis ko tuloy! Kaloka!"

"Hahahaha buti pinapasok ka? Di ka napagkamalan?"

"Hahaha muntik na nga."

"Na artista?"

"Na suicide bomber teh! Naka t-shirt lang ako."

"Hahahahaha! Hindi ka talaga ready bakla! Nag retouch ka manlang ba?"

Insta Baby (PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon