Chapter 1

37.7K 693 36

Chapter 1

ALEXIS POV,

Matapos ang isang linggong kasama ang grandmother ko sa province ay nakabalik na ako sa headquarters namin. Nabalitaan ko na may ganap mamayang gabi at sumakto pa ito sa araw ng pag-uwi ko kaninang umaga.

Naisipan kong magbasa muna ng librong nakatambak sa isang bookshelf habang inaantay ang leader namin na si Dark.

Isang saglit lang ay nakarinig ako ng pagbukas at sara ng pinto kaya roon napunta ang atensyon naming lahat.

“Black, sasama ka ba mamaya?” bungad na tanong ni Dark sa 'kin. Mahinang tumango ako sabay tiklop ng librong hawak ko at tumayo ng tuwid.

“That's good. Hindi ka ba napagod sa byahe mo pabalik dito?” he asked at napairap naman ako at tumango ulit.

“Nope. Never akong mapapagod kung ito rin naman ang madadatnan ko pag-uwi ko rito,” sagot ko at pansin ko ang pagkurba ng isang ngisi sa labi ni Dark at tumango.

“Sige. Sa 'yo ko muna ipapahawak ang kotse ko. Ikaw na bahala sa kagrupo mo,” seryosong saad ni Dark at inabot sa 'kin ang susi ng sasakyan nito. Napangisi ako.

Tinanggap ko ang susi at pinaikot sa daliri ko. “Ikaw, Dark? Hindi ka sasama?” tanong ko sa kanya at pansin ko na nakikipagtitigan siya kay Red ang matanda sa grupo namin at nag-uusap lang sila gamit ang mga mata nila. Tsk.

Nang mapansin naman nila na nakatingin ako sa kanila ay napalingon sa akin si Dark. “Hina-hack ko pa ang CCTV cameras sa bar para hindi sila makakuha ng evidence na tayo ang dahilan ng malaking gulo ro’n,” sabi niya at nagtungo sa computer room kung saan doon ka magha-hack ng mga CCTV cameras at iba pa.

“Sige. Mauna na muna ako sa inyo may sasalubungin pa ako pag-uwi,” pagpapaalam ko sa kanila at nilibot ang tingin sa kanila isa't isa. As usual, they have their own world at mukhang hindi nila ako narinig at wala talaga silang balak makinig.

“Nakauwi na pala Dad mo, Black,” sambit ni Violet ang bunso ng grupo. Kaming dalawa lang ang babae sa grupo at karamihan ay lalaki na. Maliban kay Dark si Violet ang pinakaclose ko sa grupo. Napangiti ako sa sinabi nito at tumango.

“Nakauwi na at napag-usapan namin na maaga akong uuwi,” sabi ko habang iniikot-ikot ang susi sa daliri ko. Sumandal muna ako sa pader at ang pwesto ko ay nakaharap kay Violet na nakaupo sa sofa.

“Then... when you'll meet your Dad you will tell him na galing ka lang sa bahay ni Violet para kamustahin siya. Hanggang kailan ka ba magsisinungaling?” pagsingit ni X sa usapan. Parehas kami ni Violet na napalingon sa gawi niya kung saan katabi niya si Red na napatigil din sa pagsasalita at napatingin sa pwesto ko. Hindi ko alam pero minsan napapagkamalan ko itong masama ang dugo sa akin dahil laging kinukwestyon ang buhay ko.

Tsk. Hindi pa ito ang tamang panahon para malalaman nila.

“Kung kailan kaya ko pa atsaka kapag nalaman nila itong sekreto ko ilalayo nila ako sa inyo then baka ipadala ako sa States,” papapailing kong saad at napapikit ng mariin ng pumasok sa isip ko ang ediya na 'yun. “Ayaw na ayaw ko 'yun mangyari. Masaya na ako na kasama ko kayo,” sabi ko. Naging parte na ng buhay ko ang gulo at kung aalis ako rito baka hindi ko kakayanin.

"But it's better to say it too soon than late, right?" makahulugang tanong ni Red. Napatikom ako sa sinabi niya.

“Ako na bahala sa sitwasyon na ’to, Red, X. Huwag kayong mag-alala kaya ko na 'to,” sabi ko.

"You choose sasabihin mo o ililihim mo? Hindi ka naman mawawala sa grupo," tanong ni X sa akin.

"Ililihim ko pa rin ito. That's all period," may diin kong sagot at naglakad na paalis ng headquarters kahit na hindi makikita ang pagkairita sa mukha ko napakita ko naman ito kung paano ko padabog na naisara ang pinto ng headquarters.

The Gangster In Disguise | ✓Basahin ang storyang ito ng LIBRE!