三 Newcomers Have A Certain Smell

100 8 7
                                        

Author's NOTE  

Hello guys, I just want to remind you na I'm not patronizing criminals, okay? Like what I have said, the belief of each characters in this story does not reflect my own personal belief. I'm not encouraging any negative behavior. This is all part of my imaginations and I don't want this to happen in real life. I hope we're clear. 

p.s. play the song while reading this one. 

Heaven Knows by The Pretty Reckless

. . .  

NEWCOMERS HAVE A CERTAIN SMELL

Umalis sa harap ko si Thiago at may kinuha mula sa passenger's seat. Nanatili lang akong nakatayo at nakaharap ang gusali. May hagdan paakyat sa malaking pinto nito na gawa sa kahoy. May kalumaan na ito pero halatang mahirap ito sirain. Wala rin akong naririnig na ingay mula sa loob kaya nagkaroon ako ng hinala na baka walang tao roon. Pero hindi rin ako sigurado, baka magulat na lang ako na iba pala ang iniisip ko sa makikita ko sa loob. 

Naramdaman ko ang presensiya ni Thiago sa tabi ko. Nilingon ko siya at kumunot ang noo ko dahil sa mga dala niyang mga folder. Naalala ko na ito pala ang mga nakalagay sa passenger's seat kanina. 

"Ate, what time po kayo papasok?" tanong niya sa akin. May ngiti na nagbabadyang lumabas mula sa kanya kaya bago ko pa makita iyon ay bumaling ako agad sa gusali. Siguro kailangan ko nang masanay sa ugali at mukha niya. Baka matagal ko pa siyang makakasama. 

Narinig ko ang mahinang tawa niya at naunang umakyat patungo sa pinto. Awtomatikong gumalaw ang paa ko at sumunod sa kanya. Nandoon pa rin ang malakas na tibok ng puso ko. Pinilit ko na lang na hindi iyon pansinin. 

Kahit maraming dala ay nagawang kumatok ni Thiago sa malaking pinto. Dalawang katok lang ang ginawa niya bago bumukas ang pinto at lumabas ang ulo ng isang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa jacket ni Thiago. May mga tattoo sa kalbong ulo nito, pero ang nakakuha ng atensiyon ko ay ang tattoo niya sa panga. Isa itong bungo na may mga rosas sa gilid nito. Katulad ng nasa gate kanina. 

Nanlamig ang loob ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nanlamig ang loob ko. Pamilyar ang tattoo. 

Mayroon rin siyang malaking hikaw sa pagitan ng mga butas ng ilong niya. Mas humigpit ang pagkakahawak ko nang makita ang mga mata niyang namumula at parang galit. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay gumuhit ang maliit na ngiti sa labi. Hindi ko alam kung naririnig ni Thiago ang mas malakas na tibok ng puso ko.

Tumikhim si Thiago. "Okay na? Satisfied na? Pwede na ba kaming pumasok? Mabigat itong mga dala ko e. Tsaka--" liningon ako niya ako at nginitian. Binalik niya ang atensiyon sa lalaki. "Parang mapupunit na ang jacket ko eh." 

ENTRANTWhere stories live. Discover now