Kabanata 24

168K 2.2K 146
  • Dedicated kay NEKONOHIME

Dedicated kay @NEKONOHIME ang tarussh ng comment niya sa last chapter! *O* -- After all.. love is all about timing..If you don’t say the right thing at the right moment no matter how much fate was involved in the relationship, everything will be ruined. Even if you regret it, it’ll be too late. :)))) It’s not that you can fall in love with someone new because you forgot the old.. It’s because you fall in love with someone new that you’re able to forget about the old. Only love can heal a heart that was hurt by love. ---

Thank you! :"> 

Kabanata 24

 

Ang kaninang kamay kong nakahawak sa braso ni Drake biglang natanggal, ngayon siya naman ang nakahawak sa kamay ko. Humarap siya kay Tom Andres at mariin itong tinitigan, “Hindi ko alam kung anong problema mo eh, pero pare lakas mong makagago ng araw.” Bulalas ni Drake, lalong lumakas ang bulungan kaya naman pilit kong hinila si Drake kahit na sobrang bigat niya ginamit ko pa rin ang buong lakas ko! Napansin kong ibubuka ni Tom ang bibig niya pero tinignan ko siya ng masama na naging dahilan para manahimik siya.

“Bakit nandiyan siya?” Halata ang iritasyon sa boses ni Drake, “Please Drake, umuwi ka na muna. Mamaya na tayo mag usap, late na talaga ako.” Pakiusap ko sakanya, kumuyom ang panga niya at ginulo niya ang buhok niya. Mariin niyang ipinikit ang mata niya bago niya ako muling tinitigan, napapitlag ako nang ikulong ng dalawang kamay niya ang magkabilang pisngi ko. “Sana pangit ka nalang, para wala ng asungot sa mundo nating dalawa.” Nag init ang pisngi ko at sigurado akong mukha nanaman akong kamatis, may kung ano nanamang pumipilipit sa tiyan ko, marahan ko siyang itinulak palayo saakin.

“Uwi na Drake.” Sabi ko sakanya, ngumisi siya saka hinalikan ako sa pisngi. “Mag ingat ka dito sweetheart,” Aniya saka sumakay na ng kotse niya.

Nandito na ako ngayon sa office ni Mr.Go, actually kami pala nila Mateo at ni Tom Andres. “Hindi ko ineexpect na ganung kabilis mo siya mapipilit Ms.Gonzales, iba ka talaga. Kaya ayaw kong pakawalan ang empleyadong kagaya mo.” Kanina pa paulit ulit si Mr.Go sa mga sinasabi niya, naiirita na talaga ako. Kung alam ko lang na magiging ganito pala ang trabaho ko sakanya edi sana hindi ko pinirmahan yung kontrata, pero wala eh 3 years contract ang pinirmahan ko, isipin niyo nalang nag magiging buhay ko sa araw araw sa loob ng tatlong taon na yon, kasama ko ‘tong damuhong Tom Andres. “All you have to do is to assist him sa lahat ng board meetings, isama mo na rin siya sa mga seminars na pinupuntahan mo, ang buong siyam na oras mo ay ilalaan mo sakanya para sa pagtatrabaho.” Paliwanag ni Mr.Go, ghad magtitiis ako ng siyam na oras para sa lalaking ito.

“Osige na, Ms.Gonzales ihatid mo na siya sa magiging opisina niya.” Pakiusap ni Mr.Go, “Psh, wala ka bang paa?” Naiinis na bulong ko. “Pardon?” Kunot noong tanong ni Mr.Go, “Wala po Sir, ang sabi ko po ihahatid ko na siya. Let’s go Sir!” Mariin na pahayag ko saka nauna na akong lumabas, nakita ko naman ang anino ni Tom Andres, isa lang ang ibig sabihin non, kasunod ko na siya ngayon.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng opisina niya pero dinanggi niya ang kamay ko at siya na ang nagbukas non, “Bastos.” Bulong ko, kaagad naman siyang lumingon saakin at tinignan ako, hinila niya ako papasok sa opisina niya! Mabilis ko namang hinila pabalik ang kamay ko, “Dito ka na mag office, kuhanin mo na lahat ng gamit mo.” Aniya, nanlaki ang mata ko! “W-what? Nababaliw ka na ba?!” Naiinis na tanong ko sakanya, niluwagan niya ang neck tie niya bago umupo sa swivel chair niya, “No I’m not. Hindi mo ba narinig kanina yung matanda? Ilalaan mo saakin ang buong siyam na oras mo, at gusto ko nakasunod yang anino mo saakin kahit saan man ako nandoon.” Aniya, nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, matanda? Hindi manlang niya ginalang yung Tatay niya! Dakilang bastos talaga!

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!