His Personal Slave - 25.

Magsimula sa umpisa

"D-DJ... *cough* S-salamat..." ngumiti pa siya sa lagay niya. Ano ba naman 'tong babaeng 'to!

"Kath naman! Pinag-alala mo na naman ako!" niyakap ko siya ng mahigpit. "Sabi ko sayo, wag mo na akong pag-aalahanin diba? Ano bang ginagawa mo sakin?! Gusto mong mabaliw ako ha?!" 

"S-sorry DJ... *cough*" hinawi ko yung ibang hibla sa mukha niya, namumula yung mata niya. Ang tanga tanga ko talaga.

"Kung hindi lang sana kita hinalikan kanina, hindi ka mababadtrip at malulunod. Sorry Kath... sorry." niyakap ko siya ulit ng mahigpit. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Kanina, nung nakita ko siyang nalulunod, pakiramdam ko sasabog yung puso ko sa sobrang kaba. Paano kung nawala siya? Paano kung... mamatay siya? Hindi pwede yun...

"It's not *cough* your fault, DJ. *cough* Bigla lang sumakit yung ulo ko at nawalan ng malay. Sorry..." 

"Sshhh... wag ka na ulit lalayo sa akin. Kinabahan ako... baka sinadya mo ha!"

"Sinadya ko ba? Hindi naman eh. *cough* Ikaw kasi!" 

"Sorry... sorry talaga..." I meant it. Tumingin lang siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Let's go." at tinayo ko siya at binuhat papasok ng beach house.

--------------------------------------------------

BEACH HOUSE

Pagpasok namin sa beach house, pinaupo ko muna siya sa sofa. Aish... ano ba 'tong babaeng 'to! Naka-swimsuit pa din. Bakit kasi red pa? Nakaka... shit erase the thought, Daniel!

"DJ... *cough* ang sakit ng katawan ko..." tapos umubo siya, Nakatayo lang ako habang nakaupo siya sa sofa. Ano bang dapat gawin ko?

"Teka lang... may cup noodles naman sa kitchen. Sandali." sabi ko saka pumuntang kitchen. Nilagyan ko na siya ng hot wate,r pagkatapos kumuha ako ng clean towel at dinala lahat kay Kath.

"Oh... towel. Magpunas ka... maligo at magbihis ka na din mamaya." binigay ko sa kanya yung towel. "Eto kainin mo."

"N-nanghihina ako... ayoko kumain... hindo ko kaya..." tapos pumikit siya. Hays!

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!